Chapter 39

528 23 10
                                    

{ Kenneth Elysses Zamora's POV }

Aaminin ko, nagalit talaga ako kay Nicole dahil sa ginawa nya. Dahil sa sinabi nya.

Lahat ng mga bagay na mali na pwede yatang gawin at sabihin nagawa at nasabi na nya.

Ako rin may kasalanan naman, aminado ako. Nakapagbitaw din ako ng masasakit na salita.

Aaminin ko rin, gustong gusto ko narin syang patawarin.

As much as I am mad at her for doing such reckless stuff, hindi ko parin sya matiis. Hindi ko talaga sya matiis.

Nung tinanggihan ko yung apology nya nung una, it was because I was still a bit upset.

Kayo kaya, yung makita nyong yung mahal nyo nakikipaghalikan kung kanino, di ba kayo masasaktan nun?

Pero hindi nila alam, kinain ko yung niluto ni Nicole. Medyo masarap pa nga yung luto nya e. Alas dose ng madaling araw naginit ako nung niluto nya tas kumakain ako dun.

Mukha akong tanga pero wala e.

Mangilang beses narin syang nagsorry. Patuloy ko parin syang di pinapansin.

May iniiwasan kasi syang topic e. Iniiwasan nya yung sinabi ko sa kanyang mahal ko sya.

Akala nya gusto ko sya dahil sa gusto ko syang protektahan at alagaan. Ang tingin nya lang ba sakin caregiver?

Mahal ko sya at dahil mahal ko sya nararapat lang siguro na protektahan ko sya pero obviously hindi nya nakikitang mahal ko syang talaga dahil sa kung ano sya.

Ang dense din kasi talaga minsan nung babaeng yun e.

Ang hirap nyang basahin minsan. Minsan pakiramdam ko parang gusto nya ako. Minsan pakiramdam ko parang di nya naman ako gusto. Mas magulo pa yata ako sa kanya e.

Naglalakad ako pauwi sa bahay namin ng tumawag sakin si Amy. Kanina ko pa sya hindi nakikita sa campus e, nagskip yata ng klase.

(" Hello Kenneth? ") sabi ni Amy mula sa kabilang linya.

" Amy bakit? " tanong ko sa kanya.

(" Ah ano kasi, mawawala ako ng mga isang linggo ganun. May kailangan akong asikasuhin. ") sabi nya sakin sa kabilang linya.

" Ano yun? May problema ba? " tanong ko sa kanya kasi tunog pagod yung boses nya.

(" De okay na ako. Sige ha, ingat kayo dyan. Makipagbati ka na kay Nicole. Sige na ha. ")

" Amy— "

(" Okay sige magboboarding na okay bye! ") sabay end call nya.

Teka—magboboarding? San kaya pupunta yun?

Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad pauwi. Medyo magandang maglakad kasi makulimlim pero sana wag akong abutin ng ulan dahil wala akong dalang payong.

Medyo malayo layo yung campus sa bahay pero okay lang yun. Lalo na ngayon wala si Amy, tas kami lang ni Nicole ang maiiwan sa bahay.

Shit. Kami lang ni Nicole ang maiiwan sa bahay. Shit.

Hindi ko alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko. Matuwa ba o ako o malungkot o kabahan ganun. Hay ewan bahala na.

Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad. At least pagkauwi ko pagod na ako at matutulog nalang. Matatakasan ko si Nicole at ang pagsosorry na naman sakin.

Gusto ko na syang patawarin. Pero gusto kong makita syang nageeffort magsorry. Oo na, napakasadista na. Cute nya kasi e.

Wala pa ako sa kalahati ng lakad pauwi ng biglang bumuhos ang ulan. Shit naabutan pa ako ng ulan.

Kenneth Be ReachedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon