Chapter 24

760 15 0
                                    

{  Third Person's POV  }

Malakas ang ulan at basa ang daanan ng bumaba si Nicole sa pampasaherong jeep. Nanakbo siya patungo sa bahay nila habang ang dalawang kamay ay nakapatong sa may ulo para di masyadong mabasa ito.

Sa di kalayuan ay may isang jeepney na mabilis ang takbo. Nakikipagsapalaran sya sa ulan para maihatid yung mga pasahero sa destinasyon nito. Medyo hindi na nailaw yung headlights nya tas nakadagdag pa yung madilim na paligid dulot ng ulan sa kanyang pagmamaneho.

Dahil dito ay hindi napansin ng driver si Nicole na nananakbo sa kalsada at nabangga nya ito sa tabi. Bumagsak si Nicole at nagulungan ng sasakyan  ang kalahating bahagi ng katawan nya.

Hindi pa ganon kalayo ang jeep ng tumigil ito para balikan ang nahagip. Bumaba ang driver mula sa sasakyan at yung ibang mga pasaherong lalaki ay nagsibabaan.

" Ayos ka lang ba? Miss? " tanong ng driver sa babaeng nahagip. Napagalaman nyang babae ito dahil sa buhok nitong mahaba.

Nakadapa si Nicole sa basang aspalto at nakakurba ang katawan sa isang kakaibang posisyon. Kinabahan ang driver ng tricycle nung hindi nasagot yung babae. Naisip nyang baka napatama ng malakas yung ulo sa kalsada kaya hindi na ito nasagot. Kinabahan rin ang driver dahil sa pulang likidong nakalat sa may katawan ni Nicole.

Sa labas naman ng bahay ni Nicole ay nakatayo ang isang lalaking may katangkaran at may bitbit na payong. Balak nya sanang hintayin ang kapatid nya na buong maghapon nang wala sa bahay. Hindi pa nagtatagal ay napansin ni Benedict ang kumpulan ng maliit na grupong medyo nag-iingay sa di kalayuan kaya napagpasyahan nyang lumapit dito.

Nabitawan nya ang payong na hawak nya ng makita nya yung pinapalibutan ng mga tao doon. Agad agad nyang hinawi ang nasa unahan niya.

" Kapatid ko yan tabi kayo! " sigaw ni Benedict sa mga tao doon na nakamasid lang sa kapatid nyang nakahandusay sa kalsada at di alam ang gagawin.

Binuhat nya ito at sinabihan sya ng driver na ipasok ito sa loob ng jeep para madala sa ospital. Dali daling isinakay ni Benedict ang kapatid nyang walang malay at nagsiusugan naman ang mga pasahero para maihiga si Nicole. Nagpanic si Benedict sa dugong nakita nya sa kamay nya na nagkalat narin sa may damit nito na mula kay Nicole.

Nagtungo ang pampasaherong jeep sa pinakamalapit na ospital. Nang nakarating na ay kinarga ng lalaki ang kapatid nya at agad siyang nilapitan ng mga nurse sa ospital na iyon. Ibinaba ni Benedict si Nicole sa isang hospital bed ng ospital at mula doon ay ang mga nurse na ang nagsikilos. Tinulak ng dalawang lalaking nurse ang hospital bed papasok sa E.R, nakasunod sa kanila ang isang babaeng nurse at ang isang doktor.

Binalikan ni Benedict ang driver at kinompronta ito. Sinabihan nyang irereport nya ito at kinuha ang plate number ng jeep.

Matapos ay dinukot nya mula sa bulsa ang cellphone at tinawag ang kanyang ina at tita na walang kaalam alam pa sa nangyari sa anak at pamangkin nilang si Nicole. Matapos ay naupo sa labas ng Emergency Room si Benedict at kasalukuyang hinihintay ang balita tungkol sa kapatid nya.

{ Kenneth Elysses Zamora’s POV }

Kenneth Be ReachedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon