Chapter 30

752 13 0
                                    

{ Nicole Alexi Demontarema's POV }

" Teka lang, Kenneth! Leche ka. Ang bilis mong maglakad! " sabi ko sa kanya ng medyo hinihingal pa. Pano kasi, naglalakad kami ngayon sa Northwest University. Yep. First day of college na po namin mga people! Ohyeaaah~ Hindi porket college na ako eh babawasan ko ang aking kagandahan ahh! XD

Medyo okay na naman ako ngayon. Nakakalakad na ulit ako kaso mabilis akong mapagod. Pag maganda nga naman talaga. Charot. Medyo wala mga akong inasikasong paperworks nun eh para sa college ko. Si Kenneth lahat nag asikaso saka si mama. Grabe si Kenneth nu? Parang dati lang iyamot na iyamot sya sakin kasi nilulukot ko yung uniform nya tas ngayon heto, prends prends na kami tas sya pa nag enrol sakin. Yihee. XD

" Bagal mo naman maglakad. " sabi nya sakin pagkalingon nya. Medyo tumigil narin pala sya sa paglalakad. Yung dalawang kamay nya, nasa bulsa nya at nakahalukipkip. Wala lang napansin ko lang. Mwehehehehehe.

" Wow naman ha. Hindi kasi ako naaksidente kasi diba? " sarkastiko kong sabi sa kanya sabay ngiti ng sarcastic din. Nung medyo nakahabol na ako ng hininga ay naglakad na ulit ako papunta kay Kenneth. Ahead nga kasi diba sya sakin?

Nung nasa harap nya na ako ay tumigil ako at tiningnan sya.

" Ano na naman yang tingin na yan? " tanong nya sa akin.

" Buhatin mo ako. " simple kong sabi sa kanya sabay ngiti.

" Ha? " slightly gulat na tanong nya.

" I - piggy back ride mo ako. Pleaaaase? Nakakatamad na kasi maglakad. Ang layo pa ng building ko mula dito. Huhu TT TT " pagmamakaawa ko sa kanya.

Bumuntong hininga naman sya at ipinwesto sa harap ng katawan nya yung backpack nya saka medyo lumuhod sa harap ko.

" Osya. Sakay na sa likod ko. Wag kang bigla biglang tatal- " hindi nya pa natatapos yung sinasabi nya ay patalon akong sumakay sa likod nya. Narinig ko naman yung pag aray nya pero naramdaman kong sinuportahan nya ng kamay nya yung binti ko saka tumayo ng maayos. Naipulupot ko naman yung braso ko sa leeg nya.

" Wag mo ko sakalin ah. Malalaglag ka. " sabi nya sakin. Nilingon nya ako at tumango ako. Saka lang nagsink in sakin na sobrang lapit na pala ng mukha namin sa isa't isa. Nakatingin sya sa mga mata ko at ganun din ako sa kanya. Nararamdaman ko yung paghinga nya na mabilis kanina, ngayo'y mabagal na. Unti unti nyang nilapit ang mukha nya sa mukha ko. Shet. Hahalikan nya yata ako? Shet! Anong gagawin ko? Teka mabango ba hininga ko? Shet ano.. pipikit ba dapat ako? Shet shet hindi ko alam gagawi-

" Ang bigat mo pala. " sabi nya sakin sabay ngisi ng nakakaloko.

Leche! Leche talaga! Akala ko pa man din ano! Teka hindi ko.. no way. NO FREAKING WAY. Hindi ko inassume na hahalikan ako ni Kenneth. Yuck! No! Akala ko lang pero diba parang ganun narin yun eww wait pucha naguguluhan na ako leche ha!

" Ewan ko sayo! Maglakad ka nalang nga! Baka ma-late pa ako sa first class ko! Leche ka kasi. " pagalit kong sabi sa kanya. Nagsimula na naman syang maglakad.

Kenneth Be ReachedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon