Chapter 8

1K 28 0
                                        

{ Nicole Alexi Demontarema's POV }

Gabi na pero di parin ako makamove on sa ginawa ni Barney, eh este Franco myloves kanina sa mall.  Hanggang ngayon ay kinikilig parin ako. Aba, kung ikaw ginawan rin ng ganon malamang kinikilig ka pa narin. 

Nakahiga ako sa kama ko at nakangiti sa kawalan. Sabi ko na nga ba all my hard work in loving him will pay off~ Hahaha. May pagganun. 

Pinaulit ulit ko ulit sa isip yung moment namin kanina sa mall. Tas di ko na nacontain yung kilig ko, nagpapadyak nako sa may kama at tinakpan ang mukha ko ng unan ko para hindi masyadong maingay yung pagtili ko.

Pagbigyan nyo na ako. Kinikilig talaga ako~ :""">

Nakarinig ako ng katok sa pintuan. May habit kasi akong maglock ng pintuan ng kwarto eh. Pagbukas ko, si kuya pala nakabungad.

" Ang landi mo kanina sa mall. " bungad agad nito sakin ng nakangiti.

" Paki mo? " sagot ko sa kanya.

" Kuya mo ako kaya may paki ako. " sagot nya sakin.

" Ahh~ " sagot ko nalang sa kanya.

Nilagay nya yung ulo nya sa batok nya tas sinuklay yung buhok nya gamit yung isa nyang kamay.

" Nga pala. Baka gusto mong ayusin yung mukha mo. Nandun yung Franco sa ibaba. " sabi ni kuya monotonously.

Seriously? Nasa baba si Franco? Ano namang ginagawa nya dito eh gabi na? 

Tinaboy ko na si kuya at sinara ang kwarto. Aba, magpapaganda muna ako ng slight at nariyan pala sa baba si Franco. Ayokong maturnoff sya sakin.

Nagpulbos ako ng mukha ko tas sinuklay ko yung buhok ko. Inayos ko narin yung suot kong tshirt at shorts tas saka bumaba.

Pagkababang pagkababa ko palang eh yung nakangiti nang mukha ni Franco bumungad sakin. Gaaaaahd. Ang gwapo nya talaga. *Q*

" Oh ayan na pala sya eh. " sabi ni kuya kay mama at Franco.

" Anong meron? " tanong ko sa kanila bago naupo sa loveseat kalapit si Franco.

" Aakyat sya ng ligaw sakin. " sabi ni mama habang nakangiti.

" Eh? Bat ka liligawan? " tanong ko.

" Kasi tapos ka nang ligawan. Um-oo ka na nga eh. Ngayon, oo ko naman ang kailangan nya. " sabi ni mama sabay turo kay Franco.

Ahhh. Yun naman pala eh~

" Hehehehe. Ah sige po maam aalis na po ako. " ani ni Franco sa tabi ko.

Aalis kaagad? Eh kauupo ko lang dito? Ano to lokohan? 

Kenneth Be ReachedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon