Chapter 31

714 17 5
                                        

{ Nicole Alexi Demontarema’s POV }

Nasa food court ako ngayon, magisa. Lunch break na namin kasi. So far okay lang naman yung first day, kaso puro lakad pag palipat lipat ng building at room. Hassle huuu~

Magisa ako kasi, di nga diba kami parehas ng course ni Kenneth ni Amy. Si Kenneth ni Amy magkasama, ako hiwalay huhu. Eh hindi naman kami sabay sabay ng lunch break kaya ayon, laslas na. Jk.

Pagkabili ko sa pagkain ko ay naghanap ako ng table. Medyo madami ring tao dito sa Northwest U kasi state u sya pero medyo iba sa ibang schools. Basta. Ang hirap iexplain. Hindi nyo na naman kailangan intindihin dahil hindi importante. Basta medyo maraming tao!~ Lol.

Nakakita ako ng table na medyo malayo sa civilization. Huehue~ Medyo nandun kasi sa dulo. Kaya yon, para makakain na, naglakad nalang ako ng matiwasay – weh – sa foodcourt. Jk lang. Napakaingay nga dun sa foodcourt eh. Tas ang init tas ramdam na ramdam mo yung kalagkitan ng pawis mo tas ang hangin e amoy pagkain at amoy tao. >_____>

Naupo agad ako dun sa upuan nung bakanteng table. Baka maagawan pa eh. Hahahahaha. Nilapag ko yung pagkain kong porkchop at dalawang kanin – pasensya na gutom lang talaga ako – sa table. Hindi pa ako nakakakain ay may lumapit sa akin at naupo sa may tapat ko sa table ko ng walang sabi sabi.

Ayyyy. Siga si pare. Opo. Lalaki po yung naupo sa tapat ko. Err >____>

Inangat ko yung ulo ko mula sa pagkakasubsob sa tray at biglang napatingin dun sa naupo. Ay bongga! Chinito!

“ Anong tinitingin tingin mo dyan? “ sabi nya sakin na nakataas ang kilay.

Ayyy. Sungit.

“ Hindi kita tinitingnan ha. Arte mo. “ sagot ko naman sa kanya at nagtaas rin ako ng kilay.

Umayos sya ng upo nya pero nakatingin parin sya sa mga mata ko  Napansin ko po yan kasi nakatitig rin ako. May staring contest na nagaganap sa pagitan ng isang stranger at isang magandang nilalang mga people. :3

“ Kumain ka nalang. “ sabi nya sakin tas bumalik na ulit sya sa pagkain nya. Kumain narin ako. Sabi nya eh.

Nasa kalagitnaan ako ng pagkain ko ng bigla syang magsalita.

“ Dalawa kanin mo? “ tanong nya yata sakin. Hindi ako sure kasi kung tanong ba yun o understatement eh.

“ Eh ano? “ sabi ko pagkalunok ko nung nginunguya ko.

“ Para sa isang taong matakaw, payat ka. “ walang kaemo – emosyon nyang sabi. Ngumiti nalang ako at tinanggap yun as compliment.

“ So eto na yon. “ sabi nya. Ay anla, ang daldal pala ni kuya! Hindi ko na nga sinagot eh salita parin ng salita.

“ Ah? “ tanong ko.

“ Magpapakilala ako sayo, tas magpapakipot ka pa sa pagpapakilala mo para kunwari pademure effect ka tas in the end ng pangungulit ko sasabihin mo rin naman pangalan mo tas sasabihin ko ang ganda mo naman pwede bang mahingi number tas pupurihin ko ang sarili ko sa harapan mo para papogi lang. “ walang kaemo – emosyon nya na namang sabi.

Kenneth Be ReachedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon