Chapter 41

430 15 2
                                    

{ Nicole Alexi Demontarema’s POV }

Nasa campus kami ngayon kasi may pasok. Malamang! Sabay kami ni Kenneth pumasok ngayon. Kasabay sana namin si Amy kaso may sumundo sa kanya, yung Toby yata yun. Ang pagkakaalam ko—ayon kay Kenneth—eh may gusto daw yung Toby kay Amy. Si Amy daw mukhang gusto rin yung Toby tas parang nililigawan na yata nung Toby si Amy. Oh diba gandahin. Tas going out na yata sila ngayon ganun, diba nakikisabay pa samin.

Yes. Samin.

Samin nitong loko lokong to. Sya kasi eh, pogi. Jk hahahaha.

So yun nga kanina pa nung nasa sasakyan pa kami, magkalapit kami sa upuan diba tas hindi naman kami naka holding hands pero yung kamay nya nakapatong sa kamay ko tas kinikilig ako. Ang landi na ng dating pero yun palang kinikilig na talaga ako. Hahahahaha.

Hinatid nya ako sa building ko tas nagpaalam sya, pupunta na daw sya sa building nila. Naka sad face pa sya nyan nung iiwan nya ako e mamaya magkikita rin naman kami. Kumaway ako sa kanya ng bye tas pumasok na sa room ko.

May assignment pala kami na hindi ko alam kaya dali dali akong humingi ng yellow paper kay Joyce at kumopya narin sa sagot nya. Buti nalang talaga anghel galing langit si Joyce.

Nagklase na kami. Yung break namin e kinuha nung isang prof namin na minsan lang pumasok kaya babawi daw samin. Jusko sya na nga yung laging wala tas kami pa mag-aadjust! Tinext ko nalang si Kenneth na wala kaming break tas sinamahan ko na rin ng sad face.

Nagreply sya.

Huhu. Love naman kita e.

 

Hihihihihihi. Pasensya na I can’t contain my feels. So nagreply ako.

Love you din.

 

Agad kong natap yung send dahil sa nagulat ako. Bigla kasing humawak sa balikat ko si Joyce.

“ Sino yan ah! Nakita ko yun! “ sabi nya sakin habang nakangiti ng pamalisyosa effect. Loka loka talaga to. May ganitong chismosa side rin pala tong babaeng to.

“ Hehehe kanino ba dapat mag-I love you? “ sagot ko sa kanya.

“ Sa magulang, kapamilya, saka kapuso. “

“ Kapuso? “ tanong ko naman sa kanya.

“ Yung jowa mo! Eto naman, nagmamaangmaangan ka pa, alam ko namang may boyfriend ka na eh. Okay lang yan, di ko ipagsasabi kung ayaw mo. “ sabi nya pa habang nakangiti sakin.

“ Pano mo nalaman? “

“ Duh halata sayo blooming ka kaya. Akala nga nung isa nating kaklase nagpaderma ka, may balak atang magtanong sayo kung sino ang doktor na nagderma sayo. Hintayin mo may magtatanong sayo promise. “ daldal ni Joyce sakin.

Kenneth Be ReachedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon