Chapter 27

782 16 1
                                    

{ Mikaylla Louise Zamora’s POV }

Nagpaalam na ako kay Ate Nicole at sinabi kong uuwi na ako. Umuwi narin kasi si Ate Amy at may pupuntahan pa raw sya. Actually wala naman akong pupuntahan pero hindi rin ako makatagal dito dahil may isang bwisit talaga na kanina pa ako kinukulit dito.

Pano ba naman ako hindi mabibwisit, ayaw ba naman akong papasukin kanina sa hospital room ni Ate Nicole kasi bata raw ako. Bwiset! Mukha ba akong bata sa kanya? Alam ko maganda ako dahil mana ako sa kuya ko at sa magulang ko at alam kong maganda ulit ako pero nakakainis lang nung sinabi nyang bata ako at bawal daw ang bata sa hospital room ni Ate Nicole. Pakshet, pakshet everywhere talaga.

Tas nung nakukumbinsi ko na syang papasukin ako sa loob dahil mas bata lang naman ako kila Ate Nicole ng isang taon ay nagalit pa sa akin at hindi ko raw sya ginagalang! Di raw ako nanginginopo or whatever.  Tas nagsimula na syang magdadada ng achievements and everything nya tas pinagmamayabang nya pa na nakapasa sya ng UP and everything. Well, isang sentence lang ang masasabi ko : AS IF I CARE. Tss.

Naghihintay ako sa may elevator. Nauna na nga kasi si Ate Amethyst eh. Hindi na ako hinintay. Nag – restroom pa kasi ako saglit. Pinindot ko yung button na may arrow na pababa tas naghintay. Hindi pa nagbubukas kasi nasa baba palang. Naghihintay parin ako ng makarinig ako ng yabag sa may likod ko.

“ Hindi mo sinabi sakin ang pangalan mo. “ narinig kong sabi nya sa likod.

“ Hindi na kailangan. “ sabi ko sa kanya. Kanina nya pa ako minamaltrato (loljk) kaya pagtatarayan ko sya. Hmp.

“ I really want to know your name. “ sabi nya. Biglang nagbukas yung pintuan ng elevator. Papasok na sana ako kaso hinila nya yung wrist ko tas napaikot ako tas napaharap sa kanya.

Nakatingin sya sakin, sa mga mata ko. Tas ang seryo – seryoso ng mukha nya tas akala ko nung una magagalit sya sakin kasi tinatarayan ko nga sya pero bigla lang syang ngumiti ulit tas pakshet ang gwapo nya pala oh my oh my whut is oxygen talaga!~

Ang gwapo nya naman pala eh! Masungit nga lang, saka mayabang. Nung nagpaulan yata si Lord ng self confidence – eh este kayabangan ay nasa unahan yata yan ng pila at may dala dalang timba para ipansalo para may kayabangan pa for latuuur.

“ Tell me your name~ You’re lovely~ Please tell me your name~ “ Uy shet ano to? Kumakanta ba sya? Pfft. Akala ko nagra-rap o ano. Narinig ko na tong kantang to eh! Luma to eh. Pfft. Pumapatol sya sa ganon? XD

“ Just when I thought, this could be one of those boring games~ “ pagtutuloy nya pa, this time nagkakatono na. Hahaha. Pfft. Medyo magaling naman pala syang kumanta eh.

“ You walked into this feelings~ You looked at me and –“

“ Sya sya! Mikaylla! Mikaylla Louise ang pangalan ko shut up now. “

Napangiti sya nung nagsalita ako. Leche, may balak pa yata syang buuin yung kanta kung hindi ko sasabihin pangalan ko. Akala ko bibitawan nya na ako pero hindi pa. Hindi ko naman alam kung bakit pero parang natutuod ako. Yung ano, di makagalaw ganon? Leche.

Kenneth Be ReachedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon