Chapter 44

306 7 5
                                    

{ Nicole Alexi Demontarema’s POV }

 

 

 

Masyadong mahaba ang mga detalye para ikwento, pero ikwekwento ko narin. Kung bakit sa oras ng 12 ng tanghali ay nandito ako sa isang café, at nakakailang litro na siguro ng kape.  

Kanina kasi nung nabasa ko yung text ni Kenneth, medyo naalala ko na naman yung sinabi nya na ayaw nya ako ipakilala pa sa magulang nya (or just not this time whatever parehas lang naman yon) tas ayon kumain nalang ako ng ice cream kahit hindi pa ako naguumagahan kasi—wala lang trip ko (or medyo upset parin ako pero ewan)

Tas ayon, biglang bumukas yung pintuan ng walang pasabi. Napatingin naman ako kasi isang sentence lang ang pumasok sa isip ko: nandyan na si Kenneth.

Ang dami pa ngang pumasok sa isip ko na pwede kong sabihin at gawin sa kanya—na wholesome—pero napansin ko ang pigura sa likod nya.

Isang babae ito na nasa mga late 30s or early 40s tas naka mukhang mamahalin syang dress na medyo nakaconceal sa isang kulay blue na blazer tas may Hermes na bag.

Naistatwa naman ako sa kinauupuan ko nun. Mas lalo akong nastatwa nung nagtama yung tingin naming sa isa’t isa ng mama ni Kenenth. Feeling ko karne akong patay na, nadouble dead pa.

“ Uhm, good morning po? “ medyo alangan ko pang sabi kasi hindi ako sure noon talaga kung umaga pa o hapon na kasi medyo nalate akong nagising e hindi pa naman ako nakakatingin ng orasan nun tas medyo may authoritative look pa yung mama nya kaya medyo kulang nalang talaga magtago ako, kasi feeling ko kaunting segundo nalang manginginig na binti ko sa kaba.

Hello, mama kaya ng boyfriend ko to. Dapat good image ako sa kanya.

“ Are you Nicole? “ agad agad na tanong ng mama ni Kenneth. Noon ko lang napansin na parehas sila ng mukha ni Kenneth, lalo na yung mata saka noo saka pisngi ganon pero sa sobrang kaba ko ay napatango nalang ako pero nagsalita parin ako—ayoko naman na ma-labelan akong bastos diba

Masyado tuloy akong nase-self conscious.

“ Opo ako po si Nicole. “ kalmado kong sagot. Tinignan nya naman ako mula ulo hanggang paa. Mas lalo tuloy akong naself conscious kung maayos ba buhok ko wala ba akong dumi sa mukha, okay lang ba suot ko nakapagpabango ba ako ganun.

“ So this is your girlfriend? “ walang  kaemo-emosyong sabi nya kay Kenneth. Si Kenneth naman ay tumingin sa akin at saka binaling ulit ang atensyon sa kanyang mama.

“ H-hindi po. Kasama ko lang po sya dito. “

Dun nagsimula lahat. Para akong estatwa, na naulanan ng asido tas nahulugan ng contents ng isang truck ng semento. Semento na nga, nasemento pa. Hindi na ako nakasalita.

“ Oh that’s funny, for a while back I actually thought she was. “ ani ng mama nya sakin, halatang mocking voice ang ginagamit. I don’t even need to know someone for a long time to know which is normal voice and mocking voice.

Kenneth Be ReachedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon