{ Nicole Alexi Demontarema's POV }
" Ok lang ba sayo? " tanong nya ulit nung di ako sumagot. Nakatingin lang kasi ako ng blangko sa kanya.
Walang kaemo-emosyon akong tumango bilang sagot. Medyo naglinaw linaw pa muna sya ng lalamunan bago nagsalita.
" Anak, pasensya ka na. Una, kasi pinagtaksilan ko ang ama mo noon. Pinagsisisihan ko na yun.. Pangalawa dahil sa nilihim ko sayo ang pagkamatay ng ama mo. Wala akong choice anak- " sinisimulan nya palang yung drama nya e di ko na yatang sikmurain.
" Una, hindi nyo pinagsisisihan noon ang ginawa nyo. Kasi kung pinagsisihan nyo hindi nyo na paulit ulit gagawin diba? Pangalawa, there's always a choice. Hindi nawawalan ng choice. " matabang kong sabat.
Pasensyahan na. Totoo naman eh. Ilang beses ko pang nakita siya dun sa bahay nila ng kabit nya noon. Tas binabantaan nya ako na pag nagsumbong daw ako kay papa, hindi nya ako papakainin tas ikukulong nya ako sa kwarto.
" Nicole anak, alam ko galit ka sakin. Kaya nga nagawa kong itago ang pagkamatay ng ama mo kasi ayaw kong magresurface ulit lahat ng galit na tinago mo sakin nun. Ayokong masira yung bond natin bilang mag ina na unti unti nating binubuo these past few years. " malumanay nyang pinapaliwanag.
Napasinghap ako. Gusto kong matawa pero naisip ko nakakabastos yon.
" Hindi ba ang selfish naman nun? Yun e, yun yung lumalabas ayon sa sinabi mo. Hindi mo sinabi sakin kasi ayaw mong magalit na naman ako sayo at malayo na naman loob mo sakin? " sagot ko sa kanya. Medyo nahirapan akong huminga kaya inayos ko yung pwesto ko ng higa.
" Kung noon nagsorry ka sakin o binawi mo yung mga masasamang sinabi mo sa akin noon e di sana wala tayo sa usapang ganito. Pero hindi eh! Pinairal mo yung pride mo nun. Ayaw mong magsorry. Sabi mo tama lang yung ginawa mo saking pananakit bilang disiplina na isang masama at sinungaling na batang tulad ko. Ako yung masama noon! How funny. As far as I know, wala naman akong ginawa kundi nagpaka-anak at nagpaka-honest. Ako ba yung nangabit? " pagtutuloy ko pa. Hindi ko na napigilan ang sarili kong sagutin sya. Yung mga salita hindi ko na nasala.
Oo, over the line na ako. Gusto ko mang bawiin sana pero huli na, nasabi na eh.
Nakita ko yung kamay nya na sasampalin sana ako. Inaabangan ko pero wala, nakita ko lang na nakasuspend yung kamay nya sa hangin tas may mga luha na pumapatak mula sa mata nya. Sa kanya ako nagmana eh. Parehas din kaming iyakin. Tulad ngayong kaharap ko sya, nararamdaman kong malapit na akong maiyak.
" Anak, pasensya na, patawad na, let's start over. Pasensya na, sorry na.. nagbago na ako magbabago na ako sorry na.. " sabi nya habang umiiyak. Lumingon ako saglit kasi hindi ko kayang tingnan si mama. Hindi ko kaya. Maaawa ako. Tas maiiyak na ako. Tas kung ano ano na namang sari sari masasabi ko.
“ Mama. “ tawag ko sa kanya. Nakatingin parin ako sa may pader sa right side ko kasi nasa left si mama. Nakita ko sa gilid ng mata ko na tumunghay sya mula sa kakaiyak at nakatingin sakin.
Naisip ko yung mga ginawa nya noon. Tas yung ngayon. Napabuntong hinga ako. Kahit bali – baliktarin ko ang mundo, mama ko parin sya. Sya yung nagluwal sakin sa mundong to at sya rin yung nagtyagang dalhin ako sa tyan nya ng siyam na buwan.
BINABASA MO ANG
Kenneth Be Reached
Teen FictionFINISHED. I cannot reach you for we are two different things. You are the sky and I am the earth. We meet but never touch.