{ Nicole Alexi Demontarema’s POV }
Agad agad akong tumayo at lumapit kay Franco ni Kenneth pero tinulak ako ni Franco palayo. Sinalo naman ako ni Amy na nasa likod ko pala.
“ Lumayo ka Nicole. Ayokong masaktan ka. “ sabi sakin ni Franco.
Teka, si Franco pa nga ba tong kausap ko? Ibang iba kasi sya sa Franco na nagustuhan ko.
Nanlilisik yung mata nya sa galit tas yung pagkakasabi nya nung mga katagang yon, nakakatakot. Yung kamao nya eh nakayukom tas hawak hawak nya sa may leeg si Kenneth.
“ Gago ka pala pare eh. Walang sulutan ng girlfriend. “ sabi ni Franco kay Kenneth sabay sinuntok nya ito sa mukha.
Sunod sunod ang suntok ni Franco kay Kenneth. Sobranng bilis ng mga tama ni Franco, hindi na makailag si Kenneth. Nakatitig lang sya don. Naririnig ko ang mga masasamang salita na nangagaling kay Franco, at ni isa man lang ay di pinatulan ni Kenneth.
Ang pinagtataka ko, walang pumipigil sa kanila, saka hindi kumikibo si Kenneth. Ni hindi man lang sya lumaban. Mas malaki ang katawan ni Kenneth kesa kay Franco pero mukhang malakas manuntok si Franco. Patuloy nyang sinusuntok ang walang kakibo kibo na Kenneth.
Yung mga nandun naman, umiiwas ng tingin.
Naaawa ako kay Kenneth. Pinapaulanan sya ng suntok ni Franco gawa ko. Kahit wala naman talaga syang kasalanan, nagkataon lang na nagkabungguan kami. Tas wala pa akong magawa para pigilan sila.
Papalag na sana ako sa pagkakahawak sakin ni Amy pero hinawakan nya lalo pulso ko.
“ Wag. Narinig mo si Franco. Kung mahal mo sya sundin mo sya. “ sabi nya habang may tinatawagan sa cellphone nya.
Pero.. kasi si Kenneth..
Oo, mahal ko si Franco. Mahal na mahal ko sya. Mahal na mahal na mahal na mahal.
Kaso, naaawa ako kay Kenneth. Kasalanan ko, tas sya yung nakakakuha ng mga suntok at sipa ni Franco.
Tiningnan ko ulit si Amy na may kausap sa cellphone tas hawak hawak yung pulso ko sa may kabilang kamay.
Walang pag-aalinlangan kong hinatak ang sarili ko mula kay Amy at tumakbo papalapit kay Franco ni Kenneth. Tinulak ko si Kenneth tas hinalikan si Franco sa labi. Ito kasi yung biglang pumasok sa isip ko.
Yung halik, parang pwersado. Hindi ayon. Parang mali.
Hindi ito ang dapat na first kiss ko.
Bumitaw ako sa pagkakahawak ko kay Franco at nilayo ang mukha ko. Tumingin ako sa paligid, konti nalang yung natira. Siguro gawa ng naghahanda pa sila para sa after party mamaya.
Si Amy nasa pwesto nya parin kanina, wala na syang kausap pero nakatingin lang sya samin.
BINABASA MO ANG
Kenneth Be Reached
Novela JuvenilFINISHED. I cannot reach you for we are two different things. You are the sky and I am the earth. We meet but never touch.