Chapter 45

370 8 4
                                    

{ Nicole Alexi Demontarema’s POV }

Mga ilang buwan narin ang nakalipas—isa o dalawa siguro. Ang cliché kung sasabihin ko, pero hindi ko mabilang kung ilang timba na ng luha ang naiyak ko, ilang box na ng tissue ang naubos, ilang araw nang hindi ako pumasok—at kung pumasok man, wala sa sarili. Hindi na sya umuwi pagkatapos ng araw na yon. Kinuha nya yata yung mga gamit nya tas hindi ko alam kung saan sya nagstastay ngayon, siguro sa bahay nila talaga . Hindi ko narin sya nakikita pa sa school masyado. Si Amy nalang ang kasama ko sa bahay.

Iniwan na naman ako ng mahal ko.

Lagi nalang akong naiiwan, tatlong beses nang nangyayari—parang gusto ko na ngang tawanan eh. Si Papa, si Franco, ngayon si Kenneth narin. Iniwan nila ako.

Nag-gegeneral cleaning kami ngayon. Si Amy nga yung naginitiate eh. Hindi nya sinasabi sakin pero alam kong gusto nyang wag lang ako masyadong mag-overthink kaya lagi nya akong niyayaya kung saan saan at gumawa ng kung ano ano.

Nagpapasalamat parin talaga ako sa kanya, countless times. Kung wala sya dyan, feeling ko kung ano nang katangahan ang nagawa ko sa sarili ko o sa buhay ko.

Nakaupo ako sa may sahig habang nagpupunas ng coffee table. Magpapasko na, tas naalala ko yung napag-usapan namin ni Kenneth noon.

“ Sa first Christmas natin na tayo, gusto ko tayo ang magse-set ng Christmas tree, tas ikaw yung maglalagay ng star pero dahil ang cute mo, aagawan kita, kukunin ko yung star tas magtatalo tayo tas madudulas ka, pero sasaluhin din kita. Tas kikiss kita. “

 

Napasinghap ako. Naiiyak na naman tuloy ako.

Alam mo kasi yung feeling na, sa jigsaw puzzle, nagfifit sya sayo. Perfect match, tama yung puzzle piece nya sa puzzle piece mo. Pero biglang nagulo yung puzzle, nagkahiwalay ulit kayo.

Nasa likod ako ng pintuan noon ng sinabi nyang gusto nya ng time out. Napatayo ako at napahawak sa doorknob. Pipihitin ko na sana ng bigla syang nagsalita ulit.

“ I-I need to fix my mess first. I’ll fix my life. Naiinis ako sa sarili ko—“ napatigil sya tas naririnig ko ang irregular nyang paghinga. “—kasi nadamay pa kita sa mess na to. I’ll go out of your way for now. “

 

Nakatayo parin ako doon, hindi ko alam kung bubuksan ko ang pinto, yakapin sya, pigilan sya, sabihin na nandun lang ako para sa kanya naiintindihan ko lahat, pero parang mali naman. Pakiramdam ko hindi tama. Masyado nang clouded ang vision ko noon. Umiyak ako, ang ulo ko nakasandal sa pintuan. Naririnig ko si Kenneth sa labas, nakasandal siguro sya sa pintuan.Umiiyak din sya. Nung panahon na yun nagdedebate parin ang isip at puso ko. Binuksan ko ang pintuan—pero wala na pala sya dun. Nakita ko ang anino nya na pumasok sa kwarto. Dahan dahan akong naglakad papalapit hanggang nasa may pintuan na ako. Biglang nagdilim ang paningin ko at bumagsak na ako sa sahig.

 

Time out. Parang sa basketball. Galing nya nga eh. Ginoogle ko pa yung meaning non. Yung mga time out kasi ginagawa ng mga teams usually sa strategically important points sa laro. Yun na yun eh. That time was our strategically important point—and he called for a time out.

Kenneth Be ReachedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon