Chapter 6

2.5K 13 0
                                    

Madaling araw na ng ihatid ako sa Red Light District ng isa sa mga driver nito. Sinalubong ako ni mamsie na may malapad na ngiti siguradong malaki nanaman ang kumisyon na nakuha nya kanina kay Mr. Tan.

"Anak mukhang natuwa sayo ngayon si Mr. Tan malaking pera ang ibinigay nya."

Malamang tuwang tuwa yon naka ilang putok yon kanina.

"Momsie kailangan ko na pong umuwi mag aaral pa kasi ako."

"Sige na umuwi ka na, bukas ipagluluto kita ng masarap na almusal." Tanging ngiti lang ang naisagot ko sa kanya dahil sa sobrang pagod.

"Gregor ihatid mo na itong si Jana sa bahay."

Nauna na si Gregor sa luma naming pick up.

Naupo ako sa passenger seat at doon nahiga.

Binuhay nito ang makina pagkatapos ay pinasibad ang sasakyan.

"Jana"

"Hmm?" Walang ka energy energy kong sagot.

"Hanggang kailan ka magtatrabaho kay momsie Evelyn?"

Hindi ako sumagot sa tanong nyang yon.

"College level ka na pwede ka namang mag working student sa mga fast food chain. Gusto mo ibigay ko sayo yong kinikita ko dyan basta tumigil ka lang sa pagsama sa mga matatanda na yon."

Kahit nakapikit ako alam ko na galit si Gregor.

"Gregor alam mo kung bakit ko to ginagawa."

Tatlong linggo pa lang akong nagtatrabaho bilang isang b*yarang babae. Dati pagseserve ng drinks at waitress lang ang trabaho ko sa bar. Noon pa naman marami ng parokyano ang gusto akong maangkin, pero lagi akong tumatanggi. College student na ako mas malaki ang gastusin ko kumpara noon.

Ito ang pang limang beses na inilabas ako ng costumer, at si Mr. Tan tatlong beses na akong nailabas. Noong una nadidiri pa akong nakipagtalik sa mga may edad pa sa akin pero nong ikalawang pagkakataon sinubukan kong enjoyin ang ginagawa ko alang ala sa pera. Inisip ko na balang araw kapag naka pagtapos ako ng pag aaral makakaalis din ako sa nakakadiring lugar na to.

"Kahit magkayod kalabaw ako Jana basta tumigil ka lang sa ginagawa mo."

"Napapagod na ako, gusto ko ng magpahinga."

Ako rin napapagod sa ganito, pero kailangan. Marami pa ang kailangan kong ipunin para makaipon ng sapat na halaga hanggang makagraduate ako.

Narinig ko ang mahinang pagsuntok ni Gregor sa manibela.

Tulad ng mga nagdaang araw patuloy ang buhay. Papasok ng maaga sa school uuwi para magtrabaho sa gabi at uuwi ng madaling araw. Hindi muna ako pumayag na itake out, table table lang muna at pagsasayaw ang raket dahil kailangan kong mag aral.

"Momsie anong meron parang ang dami yatang tao sa District."

"Maraming prokyano ngayon at ikaw ang hinahanap."

"Pero momsie nasabi ko naman sayo na hindi ako pwede ngayon hanggang matapos ang midterm."

"Oo nga nak alam ko naman. Kaya lang ikaw talaga sinadya nila. Eh baka kung pwede dalawang dance number lang daw."

"Momsy..."

"Sige na nak! Malay mo malaking pera ang makuha natin. Isa pa mas mayaman yon keysa kay Mr. Tan."

"Pero momsy"

"Please!"

Imbes na sumagot tinungo ko na ang dressing room. Naabutan ko roon ang iba na nag aayos. Maliit lang ang kwarto kaya sabay sabay na kaming nagbihis. Ilan sa mga naroon naka h*bot h*bad pa habang nagmake up. Meron din di kalakihang banyo subalit may bath tub. Sinisigurado ni mamsie na malinis lahat ng mga babae sa Red Light District.

Red Light (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon