Chapter 11

1.5K 12 0
                                    

"Nasan ako?" Inilibot ko ng tingin ang kabuuan ng kwarto. Pamilyar sa akin ang lugar.

"Mabuti at gising ka na, kamusta na ang pakiramdam mo? Masakit pa ba ang ulo mo?"

Hinanap ko ang pinanggagalingan ng pamilyar na boses. Nakita ko ang school nurse namin na si nurse Faye. May kinuha itong kung ano sa drawer saka naglakad palapit sa akin.

"Anong ginagawa ko dito?"

"Pasalamat ka sa boyfriend mo at naitakbo ka nya agad dito bago pa tuluyang lumala ang kalagayan mo."

Boyfriend? Sino ang tinutukoy nya?

"Simpleng lagnat lang po ito."

"Hindi mo dapat binabalewala ang simpleng lagnat. Kapag hindi iyon naagapan maaaring lumala." May itinusok itong syringe sa injection port ng dextrose.

"Y-yong, yong taong tinutukoy nyo po na nagdala sa akin dito, sino po sya?"

Tumingin sa akin si nurse Faye, bakas sa mukha nya ang pagtataka.

"Si Michael, hindi mo ba sya boyfriend?"

"Si Mike?"

"Binuhat ka ni Michael papunta rito, sabi nya nahimatay ka daw kanina sa cafeteria."

Tama, naalala ko na, sya ang huli kong kausap bago ako nawalan ng malay, pero bakit naman nya ako tinulungan? Ano ang motibo nya?"

Kahit masakit ang katawan pinilit ko na bumangon. "Kailangan ko ng umuwi." Sinubukan kong tanggalin ang nakatusok sa kamay ko.

"Hindi ka pwedeng umuwi Ms. Jana hanggat hindi bumababa ang lagnat mo. Hindi mo ba alam na muntik ng malagay sa alanganin ang buhay mo? Papayagan lang kitang umalis sa school kung papupuntahin mo rito ang parents or ang guardian mo para dalhin ka nila sa doctor kung kinakailangan. Sagutin ng Universidad ano man ang mangyari sayo sa loob ng campus. Gusto lang namin makasiguro na makakauwi ka ng ligtas. Isa pa kailangan rin makausap ni Doktora ang guardian mo. Sobrang baba ng dugo mo, sabi ni Dra. Sanchez kailangan mo daw magpahinga at kumain ng masustansyang pagkain." Si Dra. Sanchez, sya ang school doctor.

Wala akong nagawa nong muli nya akong pinahiga sa kama. Kinuhanan nya rin ako ng temperature.

"Medyo bumaba na ang lagnat mo, pero hindi pa rin tuluyang nawawala. Jana," humatak sya ng upuan at dinala sa tabi ng kama at saka umupo. "Meron akong gustong itanong sayo pero nasa iyo pa rin ang desisyon kung sasagutin mo ang tanong ko o hindi."

Kumabog ang dibdib ko sa kaba dahil sa expression na ipinakikita ni nurse Faye.

"T-tungkol po saan?"

"Kanina-" sandali syang natigilan. "-nakita ko na may mga ilang pasa ka sa katawan, may nanakit ba sayo? Kailangan mo ba ng tulong?"

Umiwas ako ng tingin sa kanya.

"Naiintindihan ko kung ayaw mo magsalita, pero ang maipapayo ko lang,  kung meron kang problema o matinding pinagdadaanan wag mong sarilinin. Pwede mong kausapin ang family or mga kaibigan mo, handa rin akong makinig sayo."

Hindi ako nagsalita, nanatili lang akong tahimik habang nakatingin sa kabilang direksyon.

Kung pwede ko lang sabihin sa iba ang pinagdaraanan ko, matagal ko na sanang ginawa, pero hindi pwede. Walang ibang tao na makakaintindi sa tunay kong sitwasyon kundi ang sarili ko lang.

"May biniling pagkain si Michael, Kainin mo habang mainit pa." Itinuro nya sa akin ang supot ng pagkain sa may side table.

"Ahm-. . .  Nakita rin po ba ni Mike ang mga pasa ko?"

Red Light (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon