Chapter 29

1.1K 15 4
                                    

"Lalaki, natagpuang patay sa bayan ng Sampaloc sa Quezon province. Kinilala ang biktima na si Jayson Castro, dalawampu't apat na taong gulang, residente ng-"

"Jayson Castro? Impossible, siguro ay kapangalan lang iyon ni Jayson."

Nasagot ang katanungan sa isip ko nong ipakita ang litrato ni Jayson sa screen. Si Jayson na kaibigan ni Randy.

S-sino ang pumatay sa kanya?

"May tama ito ng baril sa kaliwang dibdib na sanhi ng kanyang pagkamatay. Ayon sa mga pulisya ay hindi pa nila natutukoy ang maaring dahilan ng pagpaslang. Sa ngayon ay nakaburol na ang labi ni Jayson sa kanyang tirahan sa-"

"Sir pasensya na po pero hindi kayo pwedeng pumasok." Boses iyon ng lalaki.

Napatingin ako sa pinaggalingan ng ingay.

"Sino ang nag utos na hindi ako pwedeng papasukin?" Galit nitong sambit at nagpumilit pa rin na pumasok.

"Mr. Hanz?" Nakikipagtalo pa rin ito sa lalaking naka suit.  "Anong nangyayari? Sino ka?" Ang tinutukoy ko ay yong lalaking humaharang kay Mr. Hanz.

"Pasensya na po Ms. Jana pero mahigpit po na bilin sa amin na hindi kami pwedeng magpapasok ng kahit sino maliban sa pamilya nyo."

"Kilala ko si Mr. Hanz, hayaan mo syang pumasok."

Walang nagawa yong lalaki kung hindi hayaan si Mr. Hanz.

Lumapit sa akin si Mr. Hanz. "Jana! Kamusta ka na? Anong nangyari sayo? Kung hindi pa ako tinawagan ng mommy Evelyn mo hindi ko malalaman na natagpuan ka na. Sinong h*yop ang gumawa nito sayo?"

Tiningnan ko lang si Mr. Hanz. Bakas sa mukha nya ang matinding pag aalala.

"Jana, sabihin mo sa akin kung ano ang nangyari!"

Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba kay Mr. Hanz ang totoo o hindi. Natatakot ako na baka pag nalaman nya ang tungkol sa scandal ay gamitin nya rin iyon laban sa akin, kagaya ng ginawa ni Randy.

"Jana, magtiwala ka sa akin. Tutulungan kitang mahanap ang mga h*yop na iyon."

Imbes na sagutin ang tanong ni Mr. Hanz ay napaiyak na lang ako. Naalala ko ang lahat ng mga sinapit ko sa kamay ni Randy at ng mga kaibigan nya.

"Sinabi ko naman sayo Jana, handa kitang tulungan. Kung ang iniisip mo ay tungkol sa inaalok ko sayo, kalimutan mo na yon. Handa kitang tulungan na walang hinihinging kahit anong kapalit."

Lalo akong naiyak sa sinabi ni Mr. Hanz. Ilang araw ko ring kinikimkim ang sama ng loob. Wala akong mapagsabihan ni isang tao tungkol sa nangyari sa akin. Hanggang ngayon ay mabigat pa rin ang dibdib ko.

"Jana," pinunasan ni Mr. Hanz ang luha ko sa pisnge. "Sabihin mo sa akin kung sino ang gumawa nito sayo, ipinapangako ko pagbabayaran nila lahat ng mga ginawa nila sayo.

Sa huli ay sinabi ko ang lahat kay Mr. Hanz. Magmula sa mga pambablackmail ni Randy, pagpapadukot hanggang sa makatakas ako.

Galit na nagmumura si Mr. Hanz habang pabalik balik ng lakad.

"Napakah*yop ng Randy na yon! Pagbabayaran nya ang ginawa nya sayo!"

"Oras na magsumbong ako ikakalat nya ang mga video ko."

"Anong gusto mong gawin sa kanya Jana? Sabihin mo sa akin kung anong gusto mong gawin ko sa kanila. Gusto mo bang ipasalvage ko na sila?" Nanlaki ang mata ko.

Aaminin ko, dumating ako sa point na gustong gusto ko ng patayin si Randy at mga kaibigan nya, pero nong nagtanong si Mr. Hanz bigla akong natigilan. Hindi kaya ng konsensya ko ang magpapatay ng tao.

Red Light (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon