"Sabihin nyo sa akin Jana anong ibig sabihin nito? Bakit sinasaktan ni Mike ang boyfriend ko?" Binitawan ko si Mike at bahagya akong lumayo.
Anong gagawin ko? Anong sasabihin ko Kay Diane?
"Babe, kinausap ko lang naman si Jana, hindi ko alam bakit bigla na lang nagalit tong lalaking to!" Ang tinutukoy nya ay si Mike.
"Magkakilala kayo ng boyfriend ko?" Hindi agad ako nakasagot sa tanong sa akin ni Diane."
"Kilala ko ang Adopted mother nya." Nanlaki ang mata ko sa sagot ni Randy. Sasabihin nya ba kay Diane kung sino ako? "Minsan na kaming nagkita, hindi ko akalain na magkakilala kayo kaya nilapitan ko sya para sana kamustahin pero bigla na lang pinilipit ng lalaking to ang kamay ko."
"Mike, bakit mo ginawa yon? Hindi mo man lang inalam ang totoo bago ka nanakit ng tao! Saka, bakit ka naman nagagalit kung kinausap nya si Jana?"
"Mukhang nagselos yata sa akin, babe. Boyfriend ka ba ni Jana?"
"Ano bang sinasabi mo Randy?" Gusto kong hatakin si Mike palayo sa lugar na ito pero ang mata ng lahat ay nakatingin sa amin.
"Ano naman sayo kung boyfriend ako ni Jana?" Kinuwelyuhan nya si Randy.
"Mike!" Sinubukan kong awatin si Mike pero galit na galit sya. "Mike pakiusap, tumigil ka na, pinagtitinginan na tayo ng mga tao." Bulong ko sa kanya.
Nakita ko ang pagbubulungan ng mga tao sa paligid lalo na ang mga classmate at schoolmate ko.
"Itong ibaon mo dyan sa makitid mong utak, oras na hawakan mo pa si Jana, magpaalam ka na sa kamay mo!" Pabalya nyang binitawan si Randy.
Hinawakan ni Mike ang kamay ko at hinatak nya ako paalis sa party ni Diane.
"Ihanda mo ang sasakyan." wika nya matapos itap ang bluetooth headset na nasa tenga nya.
"Mike! Mike ano ba! Mag usap nga tayo!" Patuloy lang sya sa paglalakad na parang walang naririnig. "Mike ano ba? Naririnig mo ba ako?"
Binawi ko ang kamay ko sa kanya nong makalabas kami sa venue ng party. Huminto ako sa paglalakad at ganon din sya. Nanatili syang nakatalikod sa akin.
"Bakit mo sinabi yon? Diba napag usapan na natin ito na kahit anong mangyari hindi natin ipapaalam sa kanila kung anong meron tayo? Nakita mo ba ang tingin sa akin ng mga kaklase natin at ng ibang mga bisita?"
Humarap sa akin si Mike na galit na galit. "Anong pakialam ko sa kanila Jana!"
Humakbang sya papunta sa akin. Hinapit nya ang bewang ko, hinatak nya ako palapit sa kanya. Sinubukan ko syang itulak palayo pero ramdam ko ang higpit ng pagkakayakap nya sa akin.
"Sinabi ko na sayo noon, Jana, ayoko ng may ibang humahawak sayo, ayokong may ibang lalaki na tumititig gaya ng pagtitig ko sayo. Akin ka lang Jana, ako lang ang may karapatan sayo." Tinitigan ko ang mga mata ni Mike, ngayon ko lang sya nakitang galit galit.
Huminto ang sasakyan sa tapat namin. Hinawakan ko ang mukha ni Mike, tumingkayad ako para abutin ang labi nya. Dinampian ko lang sya ng halik ngunit bago pa man makalayo ang mukha ko ay hinawakan nya ang aking batok. Muli nyang sinakop ang aking labi. Unti unting lumuwag ang pagkakayap nya sa akin bago nya pakawalan ang labi ko.
"I'm sorry Jana!" Nagbago ang expression ng mukha nya, naging maamo ito. "Hindi ko sinasadyang magalit kanina, I'm sorry!" Mahinahon na sya kumpara kanina. Niyakap ako ni Mike. Hinaplos ko ang kanyang likod para iparamdam na ayos lang ang lahat.
Magkayakap kaming nakaupo sa backseat hanggang marating namin ang hotel na tinutuluyan nya. Nakiusap sya sa akin na wag akong umuwi ngayong gabi at pumayag na rin ako dahil baka lumabas pa si Mike at hanapin nito si Randy.
BINABASA MO ANG
Red Light (SPG)
Non-FictionSi Jana ay may angking kagandahan na nanaisin ng sinumang lalaki, ngunit sa likod ng kanyang kagandahan ay may lihim syang itinatago. Upang makaalis sa putik na kanyang kinalalagyan, si Jana ay nagsikap na mag aral sa isang kilalang Unibersidad, hab...
