Chapter 35

708 4 3
                                    

"Bakit strict ba ang jowa mo?"

Hindi ako sumagot sa tanong ni Randy.

"Ako babe sasama ako, ihahatid ko lang si Jana saglit."

"Ganon ba, edi samahan na namin kayo ni Kevin." Nanlaki ang mata ko sa suhesyon ni Randy. "Naiintriga ako kung sino ang maswerteng lalaking nakabihag kay Jana." Makahulugang ngiti ang sumilay sa labi nya.

Ang ngiting yon, alam ko na may binabalak syang hindi maganda.

"May dala kaming sasakyan. Ano babe, ok lang ba? After non daritso na tayo sa bahay nila Charles."

Tumingin ako kay momsie, hindi ko masabi sa kanyang ayoko.

"Kung hindi naman kami nakakaabala ni Jana sa pupuntahan nyo, ok lang," masayang sagot ni momsie.

Ikinuyom ko ang palad. Hindi talaga ako tatantanan ni Randy, dapat sya yong namatay.

"Jana!" tawag ng pamilyar ng boses. Paglingon ko ay nakita ko si Mike na naglalakad palapit sa kinauupuan namin. Nakahinga ako ng maluwag nong makita ko sya.

"Anong ginagawa mo dito Mike?" Tanong ko kay Mike nong makalapit sya. Malalim at bawat paghinga nya na parang humahangos.

Hindi nya pinansin ang tanong ko. Nakatingin lang sya kay Randy. Masama ang pagkakatitig nya na parang papatay ng tao. Nong ibaling ko ang tingin kay Randy ay nakangisi lang ito na parang balewala sa kanya ang tinging ipinupukol ni Mike sa kanya.

"Pasensya na momsie Evelyn, pero kailangan na namin umuwi ni Jana." Ni hindi inalis ni Mike ang tingin kay Randy.

"Ok lang sir Mike, balak ko na rin syang ihatid after namin kumain."

Hinawakan ni Mike ang kamay ko at inaya ako palabas ng store.

"Bakit ka nandito? Diba may exam kayo?" Tanong ko nong makasakay ako sa motor nya.

"Nareceived ko ang text mo kaya pumunta ako."

Text? Pero address lang ang sinend ko sa kanya walang kahit anong mensahe.

"Paano yong exam mo?"

"Kumapit ka ng mabuti Jana."

Hindi nya sinagot ang tanong ko at pinasibad na nya ang motor. Humawak ako sa kanyang bewang ngunit napayakap ako dahil sa bilis ng kanyang pagmamaneho. Kita mula sa likuran ang bawat paghugot nya ng malalim na hininga.

Hanggang makababa ay hindi na kami nag usap ni Mike. Ibinaba nya ako sa hotel pagkatapos non ay nagpaalam na syang umalis. Binilinan nya ako na wag na wag lalabas lalo na kung walang kasama.

Habang nasa Penthouse ay hindi ako mapakali. Iniisip ko ang pagkamatay ni Charles pati na ang ikinikilos ni Mike. Yong mga tingin nya kay Randy kanina, parang may pinaghuhugutan, para bang may malalim syang galit. Pilit kong inalala ang nakaraan kung may pagkakataon ba na nagtagpo ang landas nila, pero kahit anong isip ko wala akong maalala ng dahilan ng hindi nila pagkakaunawaan. Maliban na lang kung nakilala nya si Randy nong minsan tangkain nya akong kidnapin ulit. Isa pang bumabagabag sa akin ay pagkamatay ni Charles. Kung wala itong koneksyon sa akin hindi kaya may iba silang naging biktima maliban sa akin?

Kailangan kong malaman ang totoo. Kailangan kong malaman kung may koneksyon ba sa akin ang pagkamatay ni Charles at ng iba pa nyang kaibigan. Pero paano? Paano ko gagawin yon? Magtataka si momsie kung magtatanong ako ng tungkol sa kaibigan ni Randy, isa pa baka mabanggit din nya ang tungkol sa pag usisa ko sa pagkamatay ni Charles.

Sinubukan kong tumingin sa fb, baka sakaling may makuha akong clue. Naalala ko na nagsend ng friend request noon si Randy sa akin pero hindi ko iyon inaccept. Nong makita ko account nya ay inistalk ko ito, mabuti na lang hindi sya nakaprivate. May mga post sya doon about sa mga kaibigan nya, pero ang pinaka last post nya ay ang picture ni Charles may mensahe sya doon at naka tag ang fb name ni Charles. Sunod ko nman tiningnan ay ang fb ni Charles, puro tagged post ang mga latest post sa kanyang timeline.

Red Light (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon