"Hoy, Jana!" Naglalakad sya palapit sa akin.
"M-mike!"
"Pinatatawag ka ni ma'am Ferrer, may kailangan daw irevise sa report na sinend kanina."
"Ah- oo, papunta na ako."
Pagkasabi ay agad akong naglakad papasok ng university. Hindi na ako nag abalang lingunin si Randy. Hindi ko alam kung dapat ko bang ipaglasalamat ang biglaang pagdating ni Mike o dapat ba akong mag alala.
Nakita kaya nya si Randy? Alam nya kaya na magkausap kami ni Randy kanina? Walang dapat makaalam sa ginagawang pambablackmail sa akin Randy. Lalong lalo na si Mike at ni Diane, hindi nila pwedeng malaman.
"Uy Jana san ka pupunta?" Tanong sa akin ni Diane nong masalubong ko sya.
"Kay ma'am Ferrer, ingat ka sa pag uwi."
Tinalikuran ko sya at nagpatuloy sa paglalakad hanggang marating ko ang Building. Tinungo ko ang daan papunta sa teachers office. Naabutan ko si ma'am Ferrer na may kausap sa phone, sandali akong naghintay hanggang sa matapos sya.
"Hi ma'am! Pinatatawag nyo daw po ako."
"Oo, nakaalis ka na raw kanina kaya ipinatawag kita kay Michael, halika rito."
Pumunta kami sa harap ng computer at ipinaliwanag sa akin ang mga kailangang baguhin. Matapos namin mag usap ay lumabas na ako sa teacher's office. Paglabas ng building ay nakita ko si Mike na nakatayo sa gilid ng kanyang motor at tila may iniintay. Nong mapatingin sya sa direksyon ko ay naglakad sya para salubungin ako.
"Bakit hindi ka pa umuuwi?" Imbes na sagutin ang tanong ko ay inabot nya sa akin ang helmet saka bumalik sa kanyang motor. Naguguluhan akong nakatingin sa kanya.
"Jana! Ano pang tinatayo tayo mo dyan? Sumakay ka na, may tatapusin pa tayong report, diba?"
"Ha?"
"Nakalimutan mo na ba na magka grupo tayo."
Oo nga, ibig sabihin dadalhin nanaman nya ako sa penthouse. Easy lang Jana wag kang advance mag isip, hindi porket dadalhin ka sa penthouse may gagawin nanaman kayo.
Hindi na ako nagreklamo at sinunod na lang ang sinabi nya. Umangkas ako sa motor at agad nya iyong pinaandar. Maraming studyante ang napapalingon sa aming dalawa. Nagtataka siguro kung sino ang babaeng kaangkas ni Mike. Hindi kasi nila kita ang mukha ko dahil nakasuot ako ng helmet.
Paglabas ng University, wala na roon ang sasakyan ni Randy. Para akong nabunutan ng tinik. Hindi talaga maganda ang kutob ko sa mga tinging ipinukol ni Randy kanina. Pakiramdam ko may binabalak syang masama. Kailangan ko ng mahanap ang mga copy ng video bago pa tuluyang masira ni Randy ang pagkatao ko. Wala mang alam si Mike sa mga nangyayari sa akin pero parang gusto ko syang pasalamatan dahil sa biglaan nyang pag sulpot kanina kahit alam kong hindi titigil si Randy hangga't hindi nya ako tuluyang nahahawakan sa leeg.
Kumain muna kami ni Mike ng inorder nyang pagkain sa isang fastfood bago namin sinimulang iedit ang mga files. Sa kalagitnaan ng ginagawa namin ay di ko sinasadyang mapatingin kay Mike, seryoso sya sa ginagawa nya. Malayo sa Mike na nakilala ko sa loob ng university.
Napalunok ako ng laway habang minamasdan ko ang bawat paggalaw ng kanyang braso habang nagtatype sya sa keyboard. Kitang kita ko ang paggalaw ng kanyang mga muscle. Dumako ang tingin ko sa mukha nyang bahagyang nakatagilid. Kitang kita ko ang tangos ng kanyang ilong mula sa direksyon inuupuan ko, ang magandang nyang mata, ang makapal nyang pilikmata at ang mamula mula nyang labi.
Bumalik sa alaala ko ang ginawa namin kaninang madaling araw. Ramdam ko pa ang mga halik nya sa aking katawan. Ipinikit ko ang mata at pilit na iwinaglit kung ano man ang nasa isip ko. Gwapo si Mike, totoong napakagwapo nya at kahit sinong babae mabibihag ng kagwapuhan nya pero hindi ko dapat seryosohin kung ano man ang mga nangyayari sa amin. Alam ko at aware ako kung ano ako sa buhay ni Mike. Isa lang akong bayarang babae at ang kailangan nya lang sa akin ay ang serbisyo ko.

BINABASA MO ANG
Red Light (SPG)
No FicciónSi Jana ay may angking kagandahan na nanaisin ng sinumang lalaki, ngunit sa likod ng kanyang kagandahan ay may lihim syang itinatago. Upang makaalis sa putik na kanyang kinalalagyan, si Jana ay nagsikap na mag aral sa isang kilalang Unibersidad, hab...