"Nakakulong?" Tumingin ako sa pulis para alamin kong totoo ba ang sinasabi nila.
"Hindi kami ang may hawak ng kasong yon pero totoo ang sinasabi nya muntik nang mag agaw buhay si Artur Chavez dahil sa ginawa ni Michael Ynares."
"H-hindi, h-hindi t-totoo yan, h-hindi totoo yang sinasabi nyo, hindi nya magagawa yang sinasabi nyo?"
"Bakit hindi mo sya puntahan sa police station para makita mismo ng mata mo na isa syang kriminal, pinagtangkahan nya ang buhay ng kaibigan ko!"
Nanlalabo at umikot ang paningin ko, nakaramdam ako ng pagkahilo. Hindi ko na maintindihan ang mga sinasabi nila.
"Miss, ayos ka lang? miss!" Bago pa ako bumagsak ay naramdaman ako na parang may sumalo sa akin.
"Miss, ayos ka lang?" Boses iyon ni detective Tuazon. Sinubukan kong idilat ang nanlalabo kong mata pero wala akong maaninag.
Bago pa ako tuluyang mawalan ng malay ay naramdaman ko na may bumuhat sa akin. Nagising ako na nakahiga ulit sa hospital bed, nakaupo sa may gilid si momsie.
"Salamat naman at gising ka na anak." Hindi agad ako nagsalita, madaming gumugulo sa isipan ko. "Sabi ng doktor pwede ka na daw makalabas pagkagising mo."
"Bakit hindi nyo po sinabi sa akin ang totoo?"
Natigilan si momsie, tuningin sya sa akin. Bakas sa mukha nya ang pagtataka. "Ang alin anak?"
"Si Mike, bakit nya ginawa yon?"
Umiwas ng tingin sa akin si momsie. "Pasensya ka na anak, hindi ko gustong ilihim sayo ang tungkol kay Mike kaya lang. . . Ayaw ni sir Mike na mag alala ka sa kanya kaya sinabihan nya ako na wag kong sabihin sayo ang totoo." Sunod sunod na bumagsak ang luha ko. "Patawad anak!"
"Kasalanan ko! Kasalanan ko lahat! Ako ang may kasalanan ng lahat momsie."
"Wag mong sabihin yan, wala kang ginawang mali."
"Hindi mo naiintindihan momsie, nang dahil sa akin nagawa iyon lahat ni Mike."
Naninikip ang puso ko, natatakot ako na baka may kinalaman din si Mike sa pagkamatay ng mga kaibigan ni Randy. Alam ko na imposibleng si Mike yon dahil hindi nya kilala si Randy ang mga kaibigan nito pero malakas ang kutob ko. Paano kung si Mike nga iyon? Natatakot ako sa kung anong pwedeng mangyari oras na mapatunayan na may kinalaman nga sya.
"Nang dahil sa akin nakulong si Mike."
"Wag kang mag alala anak magiging maayos din ang lahat."
Kahit ipinilit ni momsie na magpahinga ako ay hindi ako nagpaawat na hindi puntahan sa presinto si Mike.
"Nailabas na si Ynares ng mother nya kaninang umaga."
Nong tanungin ko kung anong nagyari sa kaso nya ang sabi ng mga pulis ay malaking pera ang inilabas ng mommy nya para lang makapagpyansa si Mike. Mayaman at naimpluwensya ang pamilya ni Arthur Chavez. Ayaw pumayag ng pamilya nya na hindi sya makulong lalo na at hanggang ngayon ay wala pa rin itong malay.
Nagpahatid na ako sa hotel pagkatapos ko manggaling sa police station. Ayaw sana akong iwan ni momsie doon pero sinabi ko na kailangan ko makausap si Mike.
Ilang minuto rin akong nasa labas ng penthouse bago ako naglakas loob na pumasok.
Nagkalat ang ilang medical kit at benda sa sala. Tanging lagaslas ng tubig sa banyo ang maririnig. Marahil naliligo si Mike base na rin sa nadatnan kong kalat sa sala.
Bahagyang nakaawang ang pinto ng banyo kaya hindi na ako nagdalawang isip na pumasok roon. Nabungaran ko si Mike na nasa ilalim ng shower habang naliligo. Nagulat pa ito nong makita nya ako roon.
BINABASA MO ANG
Red Light (SPG)
SaggisticaSi Jana ay may angking kagandahan na nanaisin ng sinumang lalaki, ngunit sa likod ng kanyang kagandahan ay may lihim syang itinatago. Upang makaalis sa putik na kanyang kinalalagyan, si Jana ay nagsikap na mag aral sa isang kilalang Unibersidad, hab...
