Pagpasok pa lang ay bumungad na sa akin ang patay sinding mga ilaw at malakas na tunog na nagmumula sa stereo. Hindi pa ganon karami ang tao pero malamig na sa palagid. Agad akong binati ng isa sa mga staff ng mamataan nya akong pumasok. Bahagya ko syang nginitian. Nilakad ko ang direksyon patungo sa dulong kwarto ng pasilyo kung saan alam ko kung nasaan ang taong hinahanap ko. Pinihit ko ang doorknob at hindi na nag abalang kumatok.
Naabutan ko silang naghahalikan na agad namang itinigil ng makita nila akong pumasok. Sininyasan nya ang lalaki na lumabas muna ng kwarto. Sa tantiya ko mukhang matanda lang ito ng ilang taon sa akin but I don't mind. Umupo ako sa sofa na kaninang kinauupuan ng lalaki na para bang balewala na sa akin ang mga nakita.
"Darling bakit ngayon ka lang kanina pa kita hinahanap." tanong ni momsy matapos ayusin ang strap ng bra.
"Galing akong library." simple kong sagot.
"O sya pumanhik ka na sa taas at magpalit ka na ng damit."
"Momsie pwede po ba akong magpass ngayon?" bahagya itong natigil sa paghithit ng sigarilyo na kasisindi lang.
"Pero......"
"May exam po kami sa makalawa kinakailangan ko po kasing mag aral." sandaling natigil si momsie at nag isip.
"I'm sorry darling, gusto kitang payagan kaya lang kanina pa naghihintay sayo si Mr. Tan sa labas." Gusto kong tumanggi ngunit mukhang wala akong magagawa kundi ang pag bigyan si momsie.
"Sorry iha naka oo na kasi ako sa kanya kanina, hindi mo kasi sinabi sa akin agad di sana pina cancel ko ng maaga. Sige na pumayag ka na, alam mo naman na malaking kliyente natin yan si Mr. Tan saka malaki sya magbigay ng porsyento. Alam mo naman na ikaw lang ang gusto nya.
Mahihindian ko ba ang paki usap ng taong nasa harap ko ngayon. Ang taong nagbigay ng pangalawa kong buhay. Sya si Momsie o mas kilala bilang mommy Evelyn. Hindi ko sya tunay na ina pero higit pa sa ina ang turing ko sa kanya, ganoon din naman sya sa akin.
"Jana, anak sige na please, isang beses lang tapos hindi na ako tatanggap ng ibang offer hanggang hindi natatapos ang exam mo. Please!" Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko.
"Ano pa bang magagawa ko hindi ko kayo kayang tiisin." niyakap ako nito.
"Salamat anak, promise babawi ako sayo." nginitian ko ito.
"Sige na pumanhik ka na sa taas , pinaayos ko na kay Amalia ang susuutin at dadalhin mo."
Ngumiti ito bago ko tuluyang isara ang pinto. Tulad ng sinabi ni momsie nakaready na nga ang lahat mula sa damit hanggang sapatos. Inayusan din ako ng make up artist, hindi lahat ng narito tinatrato ng ganito yong iba sariling sikap, mga VIP kung tawagin ang mga katulad namin.
Pababa pa lang ay sinalubong na ako ni Momsy kasama si Mr. Tan. Binati ako nito pagkatapos ay nakipag beso. Hindi na bago sa akin ang ginawa ni Mr. Tan dahil karamihan sa kanila ay ganito. Matapos magbilin ni momsie sa akin ay nagpaalam na kami. Inalalayan ako ni Mr. Tan papasok sa loob ng magara nitong sasakyan habang ang mga tauhan nito ay nakasunod sa likuran namin at sumakay naman sa kabilang sasakyan. Tanging ako si Mr. Tan at driver nito ang nasa loob ng sasakyan.
Malamig ang hanging tumatama sa balat ko dahil sa aircon at sa suot kong halos makita na ang buong kaluluwa ko.
"Nilalamig ka ba iha?" Buong pagnanasang tanong ni Mr. Tan.
"Hindi naman po masyado." ngumiti ako sa kanya ng ubod tamis. Ito ang isa sa kinababaliwan ng mga lalaki sa Red Light District.
"Gusto mo ba painitin na kita?" makahulugan itong ngumiti.
To be continued. . . .
BINABASA MO ANG
Red Light (SPG)
No FicciónSi Jana ay may angking kagandahan na nanaisin ng sinumang lalaki, ngunit sa likod ng kanyang kagandahan ay may lihim syang itinatago. Upang makaalis sa putik na kanyang kinalalagyan, si Jana ay nagsikap na mag aral sa isang kilalang Unibersidad, hab...