Chapter 37

272 1 1
                                    

"Good evening neighbor!" Bati ng lalaking nakatayo sa my pinto ng kabilang unit.

"Mike?" Napansin ko ang suot nyang white sando at boxer short. "Anong ginagawa mo saka bakit ka-"

Teka white sando and boxer short.

"Wag mo sabihin na ikaw yong bago kong kapitbahay?" Ngumiti lang sya sa akin.

Hindi ako naniniwala kaya pumasok ako sa loob ng kanyang apartment unit. Napanganga ako nong makita ko ang loob. Malayong layo sa itsura ng apartment ko nagmukha itong hotel. May pa chandelier pa sa gitna. Kumpleto rin ito sa gamit gaya nong nasa penthouse

"Anong nangyari? Nilipat mo na ba yong penthouse mo dito?"

"Maganda ba?"

"Oo, pero hindi iyon ang issue. Anong nangyari bakit nandito ka? I mean di hamak na mas comportable ka sa penthouse.

"Ayaw mo sa penthouse kaya ako na lang ang lumipat."

My ghad! Kaya nga ako lumipat dahil natatakot ako na may makaalam ng tungkol sa amin.

Lumapit sya sa akin at niyakap ako.

"Hindi ka ba masaya? Hindi mo ba ako namimiss?" Napalunok ako ng laway. Hindi ko alam ang isasagot ko.

Ang totoo nyan miss na miss ko na si Mike pero dahil busy ako sa trabaho hindi na kami nagkita mula nong umalis ako sa penthouse. Kinakailangan ko kasing kumayod para mapag aral ang sarili ko.

"Masaya, pero alam mo ba kung anong lugar ito? Hindi ito kagaya ng hotel na may pupunta para maglinis ng bahay mo. Hindi ito kagaya sa Penthouse na may mga staff and guwardya sa labas. Mainit, maingay at maliit ang lugar na ito kumpara sa penthouse mo.

"Pero nandito ka." Natameme ako sa sinabi nya. Nag init ang mukha ko, paano ba naman sinabi nya yon habang nakatitig sya ng seryoso sa mga mata ko.

"I miss you Jana!" Hinawakan nya ang mukha ko pagkatapos ay ginawaran nya ako ng halik sa labi. Halos kapusin ako ng hininga nong pakawalan nya ang labi ko.

"Kumain ka na ba?" Tanong nya sa akin.

"Kumain na ako bago umuwi."

"Ako hindi mo ba tatanungin?" Ngumisi sya.

Bahagyang kumot ang noo ko. "Kumain ka na ba?"

"Ngayon pa lang." Bago pa ako magsalita ay muling sinakop ni Mike ang labi ko. Ngayon ko napagtanto ang ibig nyang sabihin. Naramdaman ko ang kamay nya na gumagapang papasok sa loob ng aking damit. Bago ko pa sya maawat ay binuhat nya ako saka pinaupo sa ibabaw ng lamesa. Pinaghiwalay nya ang aking hita saka sya pumuwesto sa gitna. Magkahinang pa rin ang aming mga labi.

Hingal kabayo ang ginawa naming dalawa nong pakawalan ni Mike ang labi ko.

"Mula ngayon wala ka ng rason para iwasan ako, Jana."

"Hindi naman kita iniiwasan." Muli nya akong dinampian ng halik sa labi.

"Walang gabi na hindi kita namimiss, walang araw na hindi ako nasasabik na halikan ang labi mo," pabulong nyang wika.  "Pinaulanan nya ako ng halik sa aking pisnge hanggang leeg.

"Palagi kang busy, palagi kang walang time. Baka pwede mo akong pagbigyan ngayong gabi. Sabik na sabik na ako sayo, Jana." Bago pa ako makasagot ay muli nya akong hinalikan sa labi.

"Hmmm, Mike-" umiwas ako.

"Ayaw mo ba?"

"Hindi pwede." Kumunot ang noo nya sa sinabi ko.

"Bakit nanaman Jana?"

"Ahm, m-meron kasis ako ngayon." Nagbago ang expression ng mukha halatang dismayado sya sa sinabi ko.

Red Light (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon