Chapter 21

1.8K 21 7
                                        

Ipinarada ni Mike ang sasakyan sa parking lot.

"Bakit dito mo ako dinala?" nakakunot noo kong tanong sa kanya.

Hindi nagsalita si Mike, namayani ang katahimikan sa loob ng sasakyan hanggang patayin nya ang makina. Humugot sya ng malalim na hininga bago sya tumitig sa mga mata ko.

"Jana, let's live together." 

"Ano?"

"I want you to stay with me."

Ang bilis ng tibok ng puso ko. "N-nagbibiro ka ba? Ano to prank?"

"I'm serious!" Walang kakurap kurap nyang sagot.

"Nasisiraan ka na ba Mike? Bakit naman ako titira sa penthouse mo?"

"You need financial support and I need your service. It's a win-win situation for both of us. I'll support whatever you need, I'll do whatever you want, just stay with me in my penthouse." Kumirot ang puso ko sa sinabi nya.

Bakit ako nasasaktan sa sinabi nya? Expected ko na to, imposible na magustuhan ako ni Mike at alam ko yon, pero bakit nakaramdam ako ng disappointment dahil sa sinabi nya? Hindi ko dapat to nararamdaman. Mula ng pinasok ko ang trabahong to, alam ko na walang lalaki ang magseseryoso sa kagaya ko. Pero bakit pakiramdam ko umasa ako sa kanya?

"Baliw ka na Mike!" Binuksan ko ang pinto ng sasakyan.

"Jana! Jana makinig ka muna sa akin!"

Hindi ko sya inintindi, bumaba ako sa sasakyan at padabog na isinara ang pinto. Walang lingon lingon akong naglakad palayo sa kanyang sasakyan.

"Jana! Jana! Sandali!" Hindi ko pinansin ang pagtawag nya at nagpatuloy lang sa paglalakad.

Tumigil ako sa paglalakad nong hinawakan ni Mike ang kamay ko at hinatak pabalik. Sa lakas ng pagkakahatak nya napahawak ako sa matipuno nyang dibdib. Hinawakan ng isang nyang kamay ang aking bewang. Parang bulang naglaho ang inis ko kay Mike nong mapatingin ako sa mukha nya. Napalunok ako ng laway nong dumako ang tingin ko sa mapula nyang labi. May kung anong nakakakiliting kuryente ang dumaloy sa buo kong katawan nong mas lalo nya akong hinatak palapit sa kanya na halos magkadikit na ang aming katawan. Sandali akong natulala na parang namaligno.

"Sinong may sabi sayong pwede ka ng umuwi?" Seryoso ang mukha nya. Nagbalik ako sa katinuan dahil sa sinabi nya.

"Ano ba Mike bitawan mo nga ako!"

Imbes na bitawan ay mas lalo nya pa akong hinapit palapit sa kanya. Sa sobrang lapit ramdam ko ang nakatayo nyang pagkalalaki.

"Mike ano ba! Bitawan mo ako sabi." Natatakot ako na baka may makakita sa amin sa ganitong posisyon.

Inilapit ni Mike ang labi nya sa may tenga ko saka bumulong. "Aminin mo na Jana gusto mo rin yong ginagawa natin." Napalunok ako ng laway.

Nag init ang mukha ko sa hiya dahil sa sinabi nya. Alam ko na hindi na ako virgin para magpakadalagang Pilipina pero hindi ko maiwasang makadama ng hiya lalo na't alam ko sa sarili ko na tama ang sinasabi nya. Ayoko mang aminin pero gustong gusto ko kapag nagses*x kami ni Mike. Naiiba sya sa lahat ng mga client na nakas*x ko. Kapag nagtatalik kami nararamdaman ko hindi lang yon about lust. Alam kong imposible magustuhan nya ako pero nararamdaman ko yong respeto nya. Ah basta ang hirap eexplain yong nararamdaman ko.

"Anong ibig sabihin nito?" Umalingawngaw ang sigaw ng pamilyar na boses.

Sabay kaming napalingon ni Mike sa pinanggalingan ng boses. Agad kong naitinulak palayo si Mike nong makita ko si Addieson na nakatayo di kalayuan sa kinatatayuan namin. Nakasimangot sya habang nanlilisik ang mata.

Red Light (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon