Chapter 32

513 5 2
                                    

"Gusto mo ba talagang malaman kung bakit ako nagagalit?" Nilingon ko si Mike. "Muntik ka ng mapahamak Jana, kung hindi ako dumating malamang dinukot ka na ng lalaking yon. Naiinis ako, dahil nagawa mong ipahamak ang sarili mo para lang makita si Miguel!" Natulala ako sa sinabi nya. Paano nya nalaman na muntik na akong ma abduct ulit? Maingat si Randy kanina. Walang sino man sa mga taong nandoon ang nakapansin sa ginawa ni Randy.

"Ikaw ba yon Mike? Ikaw ba yong nakasakay sa kotse? Ikaw ba yong nagligtas sa akin?" Natigilan si Mike sa tanong ko.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo Jana."

Ikaw ba ang nagpapatay sa kanila? Iyon ang gusto kong itanong sa kanya, pero hindi ko magawang sabihin. Naguguluhan na ako sa mga nangyayari. Hindi ko alam kung sino ba ang dapat kong pagkatiwalaan.

"Siguro nga tama ka, mas maganda kung hindi na muna tayo mag usap ngayon." Lumabas ako ng kwarto ni Mike at nagtungo sa kwarto ko."

Ano bang itinatago mo sa akin Mike. Pakiramdam ko na meron kang sekreto na hindi ko pwedeng malaman.

Kinabukasan nagpaalam sa akin si nurse Ella mga bandang alas singko ng hapon para umuwi. Sinamantala ko ang pagkakataon na mag isa lang ako sa penthouse. Pumunta ako sa kwarto ni Mike at sinubukan kong maghalungkat sa mga gamit nya. Maingat ang bawat paggalaw ko sa gamit para hindi nya mahalata na ginalaw ko ito. Ngunit nahalughog ko na ang buong kwarto pero wala akong nakitang kakaiba maliban sa mga gamot at benda na nasa loob ng cabinet. Malinis rin ang trash bin. Halatang naitapon na ang laman noon.

Sunod kong pinuntahan ang study room. Hindi ko alam kung paano pero sinubukan ko pa rin itong buksan. Maaga pa, hindi naman nauwi ng maaga si Mike kaya may panahon pa ako para buksan iyon. Tagaktak ang aking pawis pero hindi ko pa rin ito nabubuksan. Parang gusto ko ng sirain ang doorknob pero hindi ko pwedeng gawin.

Kinagabihan pinakiramdaman ko si Mike. Bandang alas onse ng gabi ito umuwi. Narinig ko ang mga yapak nya na papalapit ng kwarto kaya naman dahan dahan akong naglakad papunta sa kama at nahiga. Nagkunwari akong natutulog. Bumukas ang pinto ng kwarto at narinig ko ang mga yabag nya na papunta sa kama. Sandali lang syang tumayo roon pagkatapos ay naglakad na ulit ito palabas ng kwarto. Nong masigurado ko na wala na sya ay muli akong bumangon. Sumilip muna ako sa ilalim ng pinto. Nakita ko na bahagyang nakabukas ang study room. Maya maya pa ay lumabas si Mike at nagtungo ito sa loob ng kwarto nya. Naiwang nakabukas ang pinto ng study room.

Sigurado ako na ang sunod na gagawin ni Mike ay pumasok ng banyo para maligo. Hindi nga ako nagkamali dahil lumabas ito sa kwarto pagkatapos ay pumasok ito ng banyo.

Ito na ang pagkakataon ko.

Meron akong 15 minutes bago lumabas ng banyo si Mike. Dahan dahan akong lumabas ng kwarto pagkatapos ay pumasok ako sa loob ng kwarto ni Mike para hanapin ang susi ng drawer kung saan ko nakita nyang inilagay ang baril. Nasa ibabaw ng kama ang pantalon, white tshirt at uniform nitong pinaghubaran. Kinapa ko ang bulsa ng pantalon at nakita ko roon ang mga susi kasama na ang susi ng kanyang kotse. Kinuha ko ang chain na maraming susi saka dahan dahang naglakad papunta sa study room. Dahil maraming susi, sinubukan ko lahat.

Tagaktak ang pawis ko kahit nakabukas naman ang aircon. Ang bilis ng tibok ng puso ko nong gumana ang susi. Bigla akong kinabahan kahit hindi ko pa nahahatak pabukas ang drawer.

Anong gagawin ko kung may baril nga dito?

Pigil hininga ang ginawa ko habang binubuksan ko ang drawer. Nanlaki ang mata ko nong makita ko sa drawer ang baril ni Mike. Nanginginig ang kamay ko habang dinadampot ko ito. Hindi ako marunong gumamit ng baril pero sigurado ako na totoo itong baril at hindi lang pang airsoft. Bakit may baril si Mike? Para saan nya to gagamitin. Nanlalambot akong napa upo sa swivel chair habang hawak hawak ko ang baril ni Mike.

Red Light (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon