"Istorbo ba ako sa ginagawa nyo?" sarkastiko nyang tanong.
Tumayo ako mula sa pagkakabagsak "Anong sinasabi mo, Mike?" Iniisip siguro ni Mike na may ginagawa kami ni Mr. Hanz.
"Wrong timing ba ang dating ko? Nabitin ka ba- . . ."
"Michael!" Putol ni Mr. Hanz sa sinasabi ni Mike. "Anong ginagawa mo dito?"
Natigilan ako sa sinabi ni Mr. Hanz.
Tinawag nya si Mike na Michael? Magkakilala sila?
Pinagsalit-salitan ko ang tingin sa kanilang dalawa. "M-magk-kakilala kayo?"
"Pasensya na Jana, anak sya ng business partner ko. Ako na ang humihingi ng despensa sa ginawa nya."
"Shut up Miguel! Bakit hindi mo sabihin sa kanya ang totoo?"
"Michael! Let's talk outside." Mahinahon ngunit may diin ang bawat salita ni Mr. Hanz.
"Bakit? Natatakot ka bang sabihin sa kanya ang totoo?"
"Alam mo na hindi totoo ang ibinibintang mo sa akin."
"Really?" Sarkastiko nyang tanong kasunod ang pilit na tawa. Naglakad sya papunta sa sofa saka umupo roon, habang ako tulala pa rin at hindi makapaniwala sa mga nangyayari.
"Ito ba Jana, itong ba yong taong pinipili mo?" Kahit nakangiti si Mike bakas sa mukha nya ang inis at galit.
"Ano bang inalok nya sayo bukod sa bahay na ito? Pinangakuan ka ba nya ng kompanya?"
"Tumigil ka na Michael!"
"Hindi ko alam kung anong relasyon nyong dalawa, pero pwede bang lumabas na kayo ng pamamahay ko!"
"Bahay mo?" Sarkastiko syang tumawa. "Ito lang ba Jana ang halaga mo? Akala ko ba hindi kayang bilhin ng pera ang buong pagkatao mo? Kinain mo lahat ng sinabi mo. Lalo mo lang pinatutunayan sa akin kung gaano kababang uri ka ng babae." Naramdaman ko ang pagkirot ng puso ko dahil sa mga binitawan nyang salita.
Dahil sa mga sinabi ni Mike ay nagpanting ang tenga ko. Bago pa ako makapag isip ng tama ay kusang naglakad ang paa ko palapit sa kanya. Malakas na sampal ang tumama sa mukha nya. Maski ako ay nabigla sa ginawa ko. Sandaling katahimikan ang namayani sa buong kabahayan.
Hinawakan ni Mike ang namumula nyang pisnge.
"The next time you lay your filthy hands on me, I swear I'm gonna kill you!" Nanlilisik ang mata ni Mike habang titig na titig sa akin. Tila tumatagos ang mga tingin nya sa buo kong pagkatao.
Parang pinipiga ang puso ko sa paraan ng pagtitig nya sa akin. Ibang iba yong Mike na kaharap ko ngayon kumpara sa Mike na nakasama ko nitong mga nagdaang araw.
"Axel!" Tawag nya, kasunod nito ay sya namang pagpasok ng isang lalaki na ngayon ko lang nakita. Bata pa ito at mukhang ilang taon lang ang tanda nya sa amin ni Mike. May inabot syang puting sobre kay Mike pagkatapos ay pumuwesto sya sa bandang pinto. Tumayo si Mike at hinarap ako.
"Sinayang mo ang pagkakataong binigay ko sayo. Mula ngayon, kalimutan mo na kung ano man ang pinag usapan natin." Inihagis nya sa akin ang sobre at tumama ito sa aking dibdib ko. Nagkalat ang lamang pera nong bumagsak ito sa sahig.
"Michael, Sumosobra ka na!" Susugod sana si Mr. Hanz kay Mike ngunit tinutukan sya ng baril nong nagngangalang Axel.
"Ano bang aasahan ko sayo Jana, isa kang bayarang babae, nakakadiri ka!." Pagkasabi nya non ay lumabas na sya kasama ang lalaking may baril.
Nanlalambot akong napaupo sa sofa.
"Jana ayos ka lang ba? Pasenya ka na sa-"
"Pwede po bang iwan nyo muna ako mag isa?" wala sa loob kong sambit.
BINABASA MO ANG
Red Light (SPG)
Non-FictionSi Jana ay may angking kagandahan na nanaisin ng sinumang lalaki, ngunit sa likod ng kanyang kagandahan ay may lihim syang itinatago. Upang makaalis sa putik na kanyang kinalalagyan, si Jana ay nagsikap na mag aral sa isang kilalang Unibersidad, hab...