"Jana, will you marry me?"
"M-mike! Anong ginagawa mo? Wag mo nga akong iprank ng ganyan hindi nakakatawa."
"Seryoso ako Jana, gusto kitang pakasalan. Ikaw lang yong babae na gusto kong makasama habang buhay."
Natulala ako sa sinabi ni Mike, hindi ko akalain na lalabas yon sa mismong bibig nya. Hindi ko akalain na darating ang araw na sasabihin nya sa akin yong matagal ko ng pinapangarap na marinig. Dapat masaya ako kasi nalaman ko na mahal nya rin ako, pero bakit ganon kumikirot ang puso ko.
"I'm sorry Mike, totoo man o hindi ang inaalok mo, pero sa ngayon meron akong priority sa buhay na kailangan kong maabot."
"Handa akong maghintay Jana. Isang taon, dalawang taon o limang taon kahit kailan mo gusto, pumayag ka lang na magpakasal sa akin."
Sana ganon lang kadali ang lahat. Yong tipong magpapakasal kami pagkatapos ay happy ever after na, pero hindi ganoon ang katotohanan. Kasi ang totoo, ako at si Mike ay magkaiba ng mundong ginagalawan. Kahit saang anggulo tingnan hinding hindi ako ang babaeng nararapat para sa kanya.
Hanggang ngayon naririnig ko pa sa utak ko ang mga sinabi ng mommy nya sa akin
Nang dahil sayo, nasira ang buhay ng anak ko! Nang dahil sayo nakalimutan nya ang responsibilidad sa pamilya! Nang dahil sayo nakakagawa sya ng mga maling desisyon sa buhay, at ng dahil sayo, muntik na syang makapatay! Hindi ka naman siguro greedy para sirain ang buong pagkatao nya!
Tama ang mommy nya, ang kilala kong Mike, walang kinatatakutan. Hindi basta basta gumagawa ng maling desisyon. Pinag iisipang mabuti ang lahat bago umaksyon, pero ngayon nang dahil sa akin, mauntikan na nyang mapatay si Arthur. Tapos sangkot pa ang pangalan nya sa pagkamatay ng mga kaibigan ni Randy. Ako ang dahilan ng lahat, ayokong masira ang buhay nya ng dahil sa akin.
"Pasensya na, pero ni minsan hindi sumagi sa isip ko ang bagay na yan." Kumunot ang noo nya sa sinabi ko. "Mike, ano ba sa tingin mo ang relasyon natin?"
"A-anong ibig mong sabihin?"
"Nakalimutan mo na ba Mike kung sino ako? Isa akong bayarang babae, handa kong ibenta ang sarili ko para sa pangarap ko. At ikaw isa ka lang sa mga lalaking naikama ako para sa pera."
"Ano bang nangyayari sayo Jana, bakit sinasabi mo yan? Hindi ako naniniwala na nakikipags*x ka lang sa akin dahil sa pera."
Parang pinipiga ang puso ko nong makita kong namumula ang mata ni Mike.
"Totoo naman diba na katawan ko lang ang habol mo?"
Hinawakan ni Mike ang kamay ko. "Hindi totoo yan Jana! Alam ko na hindi naging maganda yong naging trato ko sayo noon. Marami akong nasabi sayong masasakit na salita, pero maniwala ka, totoo yong nararamdaman ko sayo."
Binawi ko ang kamay ko sa pagkakahawak nya.
"Ano bang nangyayari sayo Jana bakit nagkakaganyan ka? May problema ka ba? May nagawa ba akong mali? Sabihin mo sa akin para malaman ko kung ano ang dapat kong gawin."
Mamili ka, tatanggapin mo ang inaalok ko o malalaman ng lahat ang sekreto mo? Wika ng mommy ni Mike sa utak ko.
Nahihirapan na ako, nagtatalo ang puso at isip ko.
"Walang patutunguhan ang pag uusap natin. Mabuti pa uuwi na muna ako. Tawagan mo ako kapag hindi ka na emosyonal."
Bago pa nya ako mapigilan ay agad akong tumayo. kinuha ko ang bag na nakapatong sa couch at mabilis na tinungo ang pinto. Hindi ko na sya nagawa pang lingunin. Baka kasi pag ginawa ko yon bawiin ko pa yong sinabi ko tapos yakapin ko sya ng mahigpit sabay sabing, It's a prank.
BINABASA MO ANG
Red Light (SPG)
Não FicçãoSi Jana ay may angking kagandahan na nanaisin ng sinumang lalaki, ngunit sa likod ng kanyang kagandahan ay may lihim syang itinatago. Upang makaalis sa putik na kanyang kinalalagyan, si Jana ay nagsikap na mag aral sa isang kilalang Unibersidad, hab...
