"Sagutin mo ang tanong ko Jana! Nililigawan ka ba ng lalaking yon?"
Hindi ako makapaniwala na matapos ang ilang araw na hindi sya nagpakita sa akin ay iyon ang itatanong nya.
"Ano naman sainyo kung oo?" Tumaas ang kilay nya sa sinabi ko.
I'm sorry Louie, kung gagamitin kita para inisin si Mike.
"Anong sabi mo?" Tinanggal ni Mike ang kamay ni Addieson sa braso nya ngunit bago pa man makalapit sa akin si Mike ay humarang na si Joshua.
"Di hamak naman na mas gwapo ako don, Jana," singit ni Joshua. "Anong nagustuhan mo sa mokong na yon?"
"Jana!" Nilingon ko si Diane na naglalakad papunta sa amin. "M-may problema ba?" Nag aalangan nyang tanong. Pinagsalit salitan nya ang tingin sa akin at sa mga kaibigan ni Mike.
"Wala" Hinawakan ko ang kamay ni Diane at hinatak sya papasok sa room.
"Anong nangyari? Binubully ka ba nila Joshua." Tanong ni Diane sa akin nong makaupo kami.
"Hindi, meron lang silang tinatanong."
"Nakakatakot yong mukha ni Mike, parang mananapak. Akala ko sasapakin ka nya kanina."
Natahimik si Diane nong pumasok ang grupo ni Mike. Hindi ko inaasahan na uupo sya sa likod ni Diane, katabi sya ni Joshua na nasa likuran ko. Nagkatinginan kami ni Diane at may ibinubulong ito tungkol kay Mike.
Matapos ang klase ay agad kong niligpit ang gamit. Bukod sa kinakailangan ko makahabol sa next subject ko ay kailangan ko rin iwasan si Mike. Baka kasi bigla na lang nya akong komprontahin ulit sa harap ng mga kaklase namin.
"Mauna na ako Diane, bye!"
"Bye!"
Lakad takbo ang ginawa ko papunta sa kabilang building. Habang naglalakad sa kahabaan ng pathway ay bigla na lang may humawak sa bewang ko. Niyakap nya ako mula sa likod pagkatapos ay walang kahirap hirap akong binuhat gamit ang isang kamay.
"Bitawan mo ako!" Pinaghahampas ko yong braso nya pero hindi man lang sya natinag.
Dinala nya ako sa may likod ng building kung saan may mga malalaki at matataas na puno. Ibinaba nya ako at saka kinorner.
"Anong kailangan-" natigilan ako nong makilala ko ang lalaking bumuhat sa akin. "Mike!" Kinakailangan ko pa syang tingalain dahil hanggang dibdib nya lang ako.
Paano sya napunta dito, sa pagkakaalam ko nasa room lang sya kanina?
Hinawakan ni Mike ang bewang ko at hinapit nya ako palapit sa kanya. Napahawak ako sa kanyang matipunong dibdib dahil halos magkadikit na ang aming katawan.
"Ano ba Mike bitawan mo nga ako baka may makakita sa atin!"
"Ngayon mo sa akin sabihin ang totoo Jana."
"Anong totoo ang sinasabi mo?" Paasik kong tanong.
"Nililigawan ka ba ng kumag na yon?"
"Ano naman sayo?" Nagsalubong ang kanyang kilay.
Hinawakan nya ang magkabilaan kong pisnge. Hahalikan nya sana ako pero agad kong hinarang ang kamay ko sa aking labi. Nagkatitigan kaming dalawa, halos ilang pulgada lang ang lapit ng mukha nya sa akin. Ang bilis ng tibok ng puso ko, nakakapanlambot ng tuhod ang mga titig ni Mike.
May kung anong boltahe ng kuryente ang dumaloy sa buo kong katawan nong halikan ni Mike ang likod ng aking palad na hanggang ngayon ay nakatakip pa rin sa aking bibig. Hindi naman ito ang first kiss naming dalawa pero grabe pa rin ang epekto sa akin ni Mike.
BINABASA MO ANG
Red Light (SPG)
No FicciónSi Jana ay may angking kagandahan na nanaisin ng sinumang lalaki, ngunit sa likod ng kanyang kagandahan ay may lihim syang itinatago. Upang makaalis sa putik na kanyang kinalalagyan, si Jana ay nagsikap na mag aral sa isang kilalang Unibersidad, hab...