Chapter 43

1.1K 7 3
                                        

"Jana Anak! Salamat sa Diyos at nagkamalay ka na!" Boses iyon ni momsie

Nakakasilaw na liwanag ang bumungad sa akin pagkadilat ko ng mata. Nakaupo sa tabi ko si momsie habang umiiyak.

"Ayos ka lang ba? May masakit ba sayo?" Hinaplos nya ang pisnge ko.

"Bakit po kayo umiiyak? Ano pong nangyari sa akin?" Nilibot ko ng tingin ang kwartong kinaroroonan ko.

"Tatlong araw kang walang malay anak. Sabi ng doktor masama daw ang pagkakabagok ng ulo mo kaya natakot ako, akala ko macocoma ka. Mabuti na lang anak at nagising ka na?" Muli syang humagulgol.

"Patawad po kung palagi ko kayong pinag aalala."

"Wag mong sabihin yan! hindi mo kasalanan, kasalanan yon ng mga taong gumawa sayo nito!"

"Ano pong nangyari? Sino po ang nagdala sa akin sa hospital?"

"Pinunasan nya ang luha sa pisnge. "Ang kaibigan mo, si Louie ba yon? Sinabi nya sa akin na magkaibigan daw kayo."

"Si Louie? Paano po nangyari yon. Paano nalaman ni Louie na nandoon ako?"

Pilit kong inalala ang nangyari bago ako nawalan malay. "Sa pagkakatanda ko may pilit na bumubukas ng pinto ng storage room. Medyo nanlalabo na ang mata ko pero naaninag ko na may tatlong lalaki ang pumasok pero hindi ko na sila nakilala."

"Nakita ka daw ni Louie na sinuntok ng demonyong yon, lalapit daw sana sya pero nag alangan sya dahil marami sila kaya humingi sya ng tulong sa mga guard. Pagbalik nya sa area wala na daw kayo kaya nagpatulong sya na hanapin ka. Mabuti na lang nahanap nila kayo agad bago ka pa nila magawan ng hindi maganda."

Hindi ko alam kung dapat ko ba iyon ipagpasalamat o mas gugustuhan ko na lang na hindi ako nailigtas ni Louie. Nakita nila ako sa ganoong kalagayan, pakiramdam ko wala ng natitirang dignidad sa pagkatao ko.
Wala itong pinagkaiba sa ginawa ni Randy.  Marahil sa mga oras na ito alam na ng lahat ng mga studyante ang nangyari sa akin.

"Bakit po ganon momsie, sinubukan ko naman magbagong buhay, pero bakit ganon?" Sunod sunod na bumagsak ang luha ko. "Bakit palagi na lang nila akong inaabuso? Aanhin ko ang kagandahang ipinagkaloob sa akin kung itong mukhang ito ang dahilan ng mga pagdurusa ko!"

Pinunasan ni momsie ang mga luha ko sa pisnge. "Wag mong sabihin yan anak. Hindi ikaw ang may kasalanan kundi yong mga taong walang puso at maitim ang budhi."

"Hindi ko naman ginusto maging babaeng bayaran pero bakit ganon kahit ilang beses akong bumangon para umalis sa putikan pilit nila akong dinudungisan? Wala ho ba akong karapatang magbago? Mas gugustuhin ko pang maging panget pero may normal na buhay keysa may angking ganda pero higit pa sa sumpa ang dala nito sa buhay ko!"

"Wag mong sabihin yan anak, may awa ang Diyos!"

"Siguro sa iba pero hindi sa taong makasalanan kagaya ko." Tuluyan na akong napahagulgol ng iyak.

Niyakap ako ni momsie habang hinahagod ang aking braso. Ilang oras na mula nong mapakalma ako ni momsie. Kakaalis lang din ng nurse para icheck ako.

Ngayon ko lang napansin na nasa loob ako ng private room, bigla kong naalala si Mike. Hindi kaya sya ang kumuha ng room na ito?

"Momsie, alam ho ba ni Mike ang nangyari sa akin?"

"Hindi" Mabilis nyang sagot. Abala sya habang nagpe-prepare ng pagkain.

"Momsie, nakikiusap po ako, wag nyo ipapaalam kay Mike ang nangyari sa akin, baka ho kasi kung anong gawin nya sa mga taong iyon." Hindi sya umimik sa sinabi ko.

Mainit ang mata ng pulis kay Mike, pakiramdam ko pinaghihinalaan sya ng mga ito na may kinalaman sa pagkamatay ng mga kaibigan ni Randy, ayoko na madagdagan pa ang pagsususpetsa nila. Isa pa may baril si Mike pag nalaman nya ang ginawa ng mga lalaking iyon sigurado ako na hindi sya titigil hanggat hindi nya ako naigaganti."

Red Light (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon