"Breaking news, kapapasok lang ng balita. Lalaki, natagpuang patay sa loob ng kanyang inuupahang unit. Ayon sa pulisya ay may tinamo itong tatlong tama ng baril sa ulo na naging sanhi ng kanyang pagkasawi. Kinilala ang biktima na si Osca Dimasalang. Bente kwatro anyos na tubong Sampaloc.
Osca?
Nabitawan ko ang kutsarang hawak nong makita ko ang larawan ni Osca sa tv. Tinakpan ko ng kamay ang aking bibig.
Si Osca, isa sya sa mga kaibigan ni Randy. Nagkataon lang ba ang nangyari? Una si Jayson ngayon naman si Osca. Ayoko man isipin, pero malakas pakiramdam ko na may kinalaman ito sa pagdukot sa akin ni Randy. Imposible na magkasunod na namatay ang mga kaibigan ni Randy.
Pero sino? Sino ang gagawa non? Tanging si Mr. Hanz lang ang pinagsabiham ko ng totoong nangyari sa akin. Pero, paano ko ipaliliwanag ang baril na hawak ni Mike?
Tama, imposibleng si Mike iyon, hindi nya alam ang tungkol kay Randy. Wala syang dahilan para patayin si Osca at Jayson. Pero paano ko ipaliliwanag yong nga galos at sugat ni Mike. Nagkataon lang ba yon?
Naguguluhan na ako, ang sabi ni momsie, hindi si Mike ang nakakita sa akin nong matagpuan nila ako. Pero paano kung si Mike nga ang nakakita sa akin? Paano kung meron nga syang alam? Si Mike lang ang nakausap ko sa phone nong dinukot ako ni Randy.
Ano ba talaga ang nangyari nong mawalan ako ng malay? Kung tatanungin ko ba si Mike sasabihin nya sa akin ang totoo? Hindi ako mapapanatag hanggat hindi ko nalalaman ang totoo. Kailangan kong makausap si Mr. Hanz.
"Ms. Jana, ayos lang ho ba kayo?"
"Oo, magpapahinga lang ako sa kwarto."
Niligpit ko ang pinagkainan ko at pagkatapos ay hinugasan ang plato. Matapos kong mailigpit ang mga hinugasan ay pumasok ako sa kwarto pagkatapos ay ni lock ang pinto. Dinayal ko ang number ni momsie.
"Hello anak, napatawag ka?"
"Momsie, kailangan ko po ang tulong nyo!"
Pinapunta ko sya sa penthouse para personal kaming makapag usap. Pagkadating ni momsie ay dinala ko sya sa kwarto para doon kami magkapag usap na hindi naririnig ni murse Ella. Hindi nya maaring marinig kung ano ang pag uusapan namin, dahil paniguradong sasabihin nya iyon kay Mike.
"Momsie tulungan nyo po akong makalabas."
"Pero anak, hindi papayag si Mike, hindi ka nya palalabasin dito na walang kasamang bodyguard."
"Kung kayo po ang kakausap kay Mike siguradong papayag sya. Sabihin nyo po na meron tayong importanteng pupuntahan."
"Saan ka ba pupunta anak? Bakit hindi ka na lang magsabi kay Mike, papayag naman yon basta sabihin mo lang kung saan ka pupunta. "
"Kailangan ko po makausap si Mr. Hanz, tulungan nyo po ako na magkausap kami."
"Pero anak, magagalit si Mike pag nalaman nya na lumabas ka para makipagkita kay Mr. Hanz."
"Momsie, please po, nakikiusap ako, mahalaga na makausap ko si Mr. Hanz ngayon." Hindi ko pwedeng sabihin kay momsie ang buong detalye ng pag uusapan namin ni Mr. Hanz lalo na at tungkol ito kay Randy at sa mga kaibigan nya. Hanggat wala akong matibay na ibedensya hindi ko iyon masasabi kay momsie.
"Bakit hindi na lang natin sya tawagan? May number naman ako ni Mr. Hanz."
"Mahirap po ipaliwanag sa phone, kailangan ko po syang makausap ng personal.
"Pero anak-"
"Please momsie!"
Walang nagawa si momsie kundi ang pumayag sa pakiusap ko. Tinawagan nya si Mike at nagpaalam sya na isasama nya ako sa labas.
BINABASA MO ANG
Red Light (SPG)
No FicciónSi Jana ay may angking kagandahan na nanaisin ng sinumang lalaki, ngunit sa likod ng kanyang kagandahan ay may lihim syang itinatago. Upang makaalis sa putik na kanyang kinalalagyan, si Jana ay nagsikap na mag aral sa isang kilalang Unibersidad, hab...