"Pakibilisan ho Mang Isko!"
Nananaginip ba ako? Bakit naririnig ko ang boses ni Mike?
"Pasensya na sir, maputik po kaya nahihirapan ang sasakyan. Madulas din ang daan baka madisgrasya tayo kung mas bibilisan ko pa."
Nasan ako? Sino ang kausap ni Mike?
"T*ng ina! Kasalanan ko to, hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung sakaling may mangyaring masama kay Jana!"
Nanghihina ako, di ko magawang idilat ang mata. Gusto kong magsalita pero walang boses na nalabas. Hindi ko rin magawang ibuka ang bibig.
Maliwanag na sikat ng araw ang nagpagising sa akin. Puting kisame, malambot na kama, mabangong kwarto, kung hindi ako nagkakamali nasa loob ako ng kwarto ni Mike.
Paano ako nakarating dito? Sa pagkakaalala ko ay tumilamsik ako sa taniman. Sinubukan kong maupo kahit masakit ang buo kong katawan sakto naman bumukas ang pinto at pumasok ang babaeng siguro ay nasa late 50's ang edad.
"Gising na po pala kayo ma'am Jana!" Lumapit sya at inalalayan nya ako na maupo.
"Sino ka? Anong ginagawa mo dito?"
Sa pagkakaalam ko ay dalawa lang kami ni Mike paano sya nakapasok dito?
"Ako po si Millet, asawa ng caretaker nitong bahay."
"Caretaker? Si Mike? Nasaan ho si Mike?" Natataranta kong tanong.
"Wag ho kayong mag alala mam nasa labas ho sya kausap ang asawa kong si Isko."
Isko? Parang narinig ko na ang pangalan na iyon pero hindi ko maalala kung saan.
"Anong nangyari kagabi?"
"Nag alala si sir nong hindi kayo nakabalik agad kaya nagpatulong sya na mahanap kayo. Mabuti na lang nakita kayo ni sir Mike sa taniman ng mga manga. Sobrang alalang alala sya sainyo. Hindi sya natulog, magdamag nya ho kayong binantayan hanggang bumaba ang lagnat nyo."
Ibig sabihin hindi panaginip ang nangyari kagabi.
Lumapit si aling Millet sa bintana, binuksan nya ito saka sumungaw. "Sir Mike, gising na ho si ma'am Jana!" sigaw nya sa labas ng bintana.
"Ihahanda ko lang mam Jana ang hapag, maya maya ay nandito na si sir Mike." Matapos nyang sabihin iyon ay lumabas na sya ng kwarto. Kasunod namang pumasok si Mike. Natigilan sya sa may pinto. Mabilis ang bawat nyang paghinga na para bang tumakbo sya papunta dito.
Mabagal ang bawat paghakbang nya papunta sa akin. Nagulat ako nong itinukod nya ang isa nyang tuhod sa sahig para lumuhod.
"Mike!"
Inabot nya ang isa kong kamay saka hinawakan. Masuyong hinaplos ng hinalalaki nya ang likod ng aking palad.
"I'm sorry Jana, naging makasarili ako. Sapilitan kitang dinala dito kahit wala ang approval mo. Pinilit kitang pakasalan ako kahit hindi mo gusto. Hindi ko rin nirespeto ang desisyon mo dahil sa pansarili kong kagustuhan. Nang dahil sakin nanganib ang buhay mo, hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung sakaling may nangyari sayo. Wag kang mag alala bukas na bukas din babalik na tayo, ibabalik na kita."
Tatayo na sana sya pero pinigilan ko sya. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay nya. "Mike!" Tumingin sya sa akin, bakas sa mukha nya ang pagtataka. "Pumapayag na ako."
"Ha?" Nakaawang ang kanyang bibig. Halatang nagulat sya sa sinabi ko.
"Pumapayag na akong magpakasal sayo."
"Totoo ba ang narinig ko? Hindi ba ako nagkamali ng dinig."
"Totoo ang narinig mo, pumapayag na ako Mike na magpakasal tayo. Narealize ko kahapon kung gaano kita kamahal. Handa akong isugal ang lahat para sayo. Hindi na ako magiging duwag. Kahit anong mangyari pangako hindi kita iiwan."
BINABASA MO ANG
Red Light (SPG)
No FicciónSi Jana ay may angking kagandahan na nanaisin ng sinumang lalaki, ngunit sa likod ng kanyang kagandahan ay may lihim syang itinatago. Upang makaalis sa putik na kanyang kinalalagyan, si Jana ay nagsikap na mag aral sa isang kilalang Unibersidad, hab...
