"Ano pong- ano pong ibig nyong sabihin?" Itinuro nya sa akin ang brown envelope sa center table.
Tiningnan ko muna sya bago ito kinuha at binuksan. Nanlaki ang mata ko matapos ko iyong tingnan.
"Bakit nyo po ako binibigyan nito?"
"It's a scholarship, I want to offer you a great deal. I'll give you everything, your needs, you wants, but in one condition."
"W-what condition?"
"Be my mistress."
Napanganga ako sa sinabi ni Mr. Hanz. "Mr Hanz I-,"
"Hear me out first before you refuse my offer. I'm not telling you to be my mistress forever, just be with me until you graduate. Jana, be wise and take this opportunity as your stepping stone to be successful in life. I can give you everything you want. I can buy you a house bigger than this. I can buy you an expensive car. You can travel in different countries and buy expensive things, just agree to be my mistress and I'll treat you like a princess. I really love you Jana! Sa maniwala ka o hindi, hindi kita kayang kalimutan. Nalulungkot ako na hindi kita nakilala ng maaga. Kahit anong hilingin mo sa akin ibibigay ko, pumayag ka lang na maging babae ko."
"Mr. Hanz-"
"I'll give you two weeks Jana. Pag isipan mong mabuti ang inaalok ko. Para to sa kinabukasan mo. Please Jana, pag isipan mong mabuti."
Isang nakakalulang offer ang inaalok sa akin ni Mr. Hanz. Pagkakataon ko na ito para umangat sa buhay pero bakit nagdadalawang isip ako. Sa inaalok nya paniguradong makakaalis na ako sa district.
Matapos ang usapan namin ni Mr. Hanz ay nagpaalam na sya sa akin, meron daw syang importanteng ka meet kaya hindi na rin sya nagtagal. Kinagabihan muli akong tinawagan ni momsie para ipaalam na bumalik ang driver ni Mike para sunduin ako. Ito ang huling araw ng kontrata namin. Nagdecide ako na hindi pumunta ng district at magpahinga sa bahay. Masyado ng magulo ang mga nangyayari sa buhay ko at kailangan ko ng panahon para mag isip. Sinigurado akong nakalock ng mabuti ang kwarto at baka biglang sumulpot nanaman ang demonyong si Randy.
Iwinaksi ko sa isip ang mga sinabi nila Mike at Mr. Hanz sa akin. Ang kailangan kong intindihin ngayon ay kung paano ako makakatakas kay Randy. Ilang araw syang mawawala at pagkakataon ko na iyon para pumunta ulit sa apartment nya.
Lumipas ang dalawang araw, maayos akong nakalipat kagabi sa bagong bahay na ibinigay ni Mr. Hanz. Mamaya doon na rin ako uuwi para mag ayos ng mga gamit. Gusto ko sanang isama si mamsie sa bagong bahay na lilipatan ko pero hindi sya sumama. Nagpaiwan sya sa bahay, ayon sa kanya, gusto nyang tuluyan akong makalaya sa anino ng nakaraan. Hindi daw ako tuluyang makakalaya sa nakaraan hangga't magkasama kami sa iisang bahay.
Nalulungkot ako, mula pagkabata magkasama na kami ni momsie. Halos sya na ang nagpalaki sa akin. Para ko na syang tunay na magulang. Kahit anong pilit at pagkukumbinsi ko sa kanya ay mas pinili ni momsy ang magpaiwan.
Pagdating sa school ay naabutan ko si Mike na kausap ang mga barkada nya. Tumingin sya sa direksyon ko, sinundan nya ako ng tingin hanggang sa makaupo sa upuan.
Lumapit sa akin si Joshua at naupo sa bakanteng upuan ni Diane.
"Good morning Jana!" Tiningnan ko lang sya pero hindi sya pinansin. Nakaramdam ako ng kaba paano kung may nabanggit si Mike tungkol kay Addieson na hindi dapat nyang sabihin.
"Balita ko inaway ka daw ni Addieson?" Nanlaki ang mata ko at awtomatikong napatingin kay Mike. Gumapang ang kaba sa buo kong katawan.
"A-nong sinasabi mo?"
"Napagkamalan ka daw na girlfriend ni Mike." Para akong nabunutan ng tinik sa sinabi ni Joshua. "Pagpasensyahan mo na yong si Addieson ganon talaga yon sa mga babaeng lumalapit kay Mike."
BINABASA MO ANG
Red Light (SPG)
Non-FictionSi Jana ay may angking kagandahan na nanaisin ng sinumang lalaki, ngunit sa likod ng kanyang kagandahan ay may lihim syang itinatago. Upang makaalis sa putik na kanyang kinalalagyan, si Jana ay nagsikap na mag aral sa isang kilalang Unibersidad, hab...