Bumaba ako sa isang motel di kalayuan sa Red light District. Tinungo ko ang kwartong sinabi ni Randy. Bago kumatok ay huminga muna ako ng malalim. Kailangan ko ng lakas ng loob para harapin si Randy. Alam ko na meron syang binabalak na masama pero kailangan kong pumunta. Dito nakasalalay ang buong pagkatao ko.
Bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang nakakainis na mukha ni Randy. Aminado ako na gwapo si Randy, hindi sya magugustuhan ni momsie kung panget sya pero kahit na hindi yon batayan para mawala ang galit ko sa kanya. Napakawalang hiya nya! Kahit bayaran akong babae hindi ko palalampasin ang pambababoy na ginawa nya sa akin.
Nilakihan nya bukas ng pinto para makapasok ako.
"Ano pang ginagawa mo dyan Jana, wag ka ng mahiya at pumasok ka na dito." Ngiting aso nya sa akin.
Nagdalawang isip ako kung papasok ba ako o hindi. Mahigpit kong hinawakan ang shoulder bag na nakasabit sa aking balikat bago ako humakbang papasok sa loob. Isinara ni Randy ang pinto at nilock. Napatingin ako sa laptop na nasa kama kung saan makikita roon ang video naming dalawa ni Randy.
"Ang galing mo gumuling dyan Jana, nalilib*gan ako sa tuwing pinapanood ko ang video natin." Naikuyom ko ang dalawang palad.
Kahit bayaran akong babae hindi nagawa ng mga customer ko na videohan ako. Napakahayop mo Randy! Papatayin kita!
"Anong kailangan mo sa akin?"
Humakbang palapit sa akin si Randy. "Alam mo kung ano ang kailangan ko Jana." Dinilaan ni Randy ang nakalabas kong balikat dahil sa sleeveless kong suot.
"Napakahayop mo!"
"Kapag na satisfied ako sa gagawin mo baka ibigay ko sayo ang copy ng video natin."
Masuyong hinawakan ni Randy ang pisnge ko. Ubod lakas ko syang tinulak kaya napaatras sya. Natataranta kong inilabas ang patalim sa loob ng shoulder bag na dala ko at itinutok iyon kay Randy.
Imbes na matakot tumawa si Randy. "Bakit Jana kaya mo ba akong patayin?"
"Napakahayop mo Randy! Papatayin kita!"
"Sige Jana kung kaya mong pumatay ng tao saksakin mo ako dito sa puso." Lumapit sya sa akin at itinutok ang kutsilyo sa bandang puso nya.
Nanginginig ang kamay ko sa takot. Tama si Randy hindi ko kayang pumatay ng tao. Gusto ko lang syang takutin para ibigay nya sa akin ang kopya ng video.
"Papatayin talaga kita Randy kapag hindi mo ibinigay sa akin ang kopya ng video."
Humakbang sya palapit sa akin kaya napaatras ako.
"Wag kang lalapit sasaksakin talaga kita."
"Gawin mo Jana, akala mo ba pag ginawa mo yon makakatakas ka. Kapag namatay ako pupunta sila sa bahay ko at matatagpuan nila ang lahat ng kopya ng video natin. Bakit hindi na lang natin eenjoy ang gabi gaya nong birthday ko. Pangako paliligayahin kita, tutal nasarapan ka naman diba." Hinawakan nya ang dulo ng patalim ngunit hinawi ko ang kamay nya kaya tumama ang dulo ng kutsilyo sa mukha ni Randy."
"Aray! P*tang ina!"
Natulala ako nong makita ko ang dugo sa mukha ni Randy. Nangangatog ang kamay ko kaya nabitawan ko ang kutsilyo.
Isang malakas na sampal ang tumama sa mukha ko. Sa lakas ng sampal ni Randy bumagsak ako sa sahig.
"Wag mong ubusin ang pasensya ko Jana." Hinawakan nya ang mukha ko at masuyong hinaplos ang pisngeng nasampal. "Kapag hindi ka umayos Jana hindi lang yan ang matitikman mo." Pabadog nyang binitawan ang mukha ko. May kinuha syang inumin sa side table. Lumapit sya sa akin at pilit na ipinaiinom iyon sa akin.
BINABASA MO ANG
Red Light (SPG)
NonfiksiSi Jana ay may angking kagandahan na nanaisin ng sinumang lalaki, ngunit sa likod ng kanyang kagandahan ay may lihim syang itinatago. Upang makaalis sa putik na kanyang kinalalagyan, si Jana ay nagsikap na mag aral sa isang kilalang Unibersidad, hab...