Chapter 47

1K 4 1
                                        

Tumayo sya. "Hindi totoo yan! Sabihin mo sa akin ang totoo Jana, si Mommy ba? Inalok ka ba ng mommy ko ng malaking halaga para layuan ako?" Umiwas ako ng tingin.

"Sinasabi ko na nga ba."

"Hindi nya ako pinilit, sariling desisyon ko ang lahat. Nakapagdesisyon na ako maghiwalay na tayo, Mike!"

Inilagay nya ang dalawang kamay sa kanyang bewang. Tumingala sya saka humugot ng malalim na hininga bago muling tumingin sa akin.

"Nandito na yong mga gamit mo" itinuro nya yong dalawang maleta. "Kung sakaling gusto mong maghalf bath nandito ang banyo. Tatawagin kita kapag handa na ang pagkain."

"Hindi mo ba ako naririnig? Sabi ko itigil na natin to! Mike!" Patuloy lang sya sa paglakad na parang walang naririnig. "Mike!"

Inis na naupo ako sa kama. Sinubukan ko ulit tingnan ang cellphone pero wala pa ring signal

Hindi kami pwedeng magtagal dito lalo na at malapit na ang exam. Ano ba ang nasa isip ni Mike, bakit bigla bigla syang nagdesisyon na magpakasal. Anong gagawin ko? Paano ako makakauwi nito?

Isang oras na ang nakalipas pero hindi pa rin ako kumikilos. Nakaupo lang ako sa kama habang nag iisip.

"Jana!" Binuksan nya ang pinto ng kwarto. Nakataas hanggang siko ang sleeve ng kanyang polo. Tumingin muna sya sa mga nakakalat kong gamit bago muling nagsalita.

"Handa na ang hapunan."

Bumangon ako sa pagkakahiga "Ayoko! Hindi ako nagugutom!" mataray kong sagot.

Tumingin sya sa akin gamit ang blankong expression pagkatapos ay umalis. Tumingala ako saka humugot ng malalim na hininga.

Maya maya pa ay muli syang bumalik pagkatapos ay pumasok sa banyo. Base sa lagaslas ng tubig ay para syang naliligo.

Mukhang seryoso sya na dito kami magpapalipas ng gabi. Sa inis ko ay nahiga ako sa kama pagkatapos ay nagtalukbong. Maya maya pa ay narinig ko ang pagbukas ng pinto ng banyo. Pinakiramdaman ko ang mga kilos nya. Sumampa sya sa kama, amoy na amoy ko ang mabango nyang shower gel.

Niyakap nya ako mula sa likuran. Ramdam ko ang hininga nya nong inilapit nya ang bibig nya sa bandang tenga ko.

"Wag ka ng magalit Jana." Hindi ako umimik. "I'm sorry na, desido lang talaga ako na pakasalan ka."

Nakiliti ako nong halikan nya ang dulo ng tenga ko. Pumikit ako para labanan ang epekto nya sa akin. Gumapang ang halik nya papunta sa aking tenga ngunit bago pa man ako tuluyang madala sa pang aakit nya ay tinanggal ko ang kamay nya sa pagkakayakap sa akin. Umupo ako sa kama, tinitigan ko sya ng masama.

"Ano ba Mike! Sinabi ko ng gusto ko ng umuwi! Hindi mo ba ako naiintindihan?"

Umupo rin sya sa kama. Pinasadahan nya ng kamay ang kanyang buhok. Halatang badtrip na sya pero nagawa pa rin nyang maging kalamado. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan nya bago sya bumaba sa kama.

"Matulog ka na dito Jana, sa kabilang kwarto na lang ako matutulog." Bumaba sya sa kama at tinungo ang pinto. Naiwan akong naguguluhan. Nakaramdam ako ng pagsisisi sa inasal ko kay Mike kanina. Parang gusto ko syang yakapin at humingi ng tawad. Hindi ko sya dapat tinatrato ng ganito, pero ito lang ang makakabuti para sa aming dalawa.

Nahihiwagaan ako kay Mike, ang weird ng mga ikinikilos nya. Pakiramdam ko hindi lang ito isang simpleng alok ng kasal. Meron syang hindi sinasabi sa akin.

Kahit ayoko ay wala akong magawa kundi ang mag stay dito overnight. Kumuha ako ng damit pantulog sa maleta saka naligo. Paglabas ko ng banyo ay may pagkain na sa side table. Malinis na rin sa kwarto, wala na yong maleta sa sahig. Inayos nya siguro kanina nong nasa banyo pa ako.

Red Light (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon