Chapter 1

2.4K 17 0
                                    

"Ok class, lets call it a day" matapos itong sabihin ni sir ay kanya kaya ng nag tayuan ang mga atat kong kaklase hindi para umuwi kundi para magliwaliw kasama ang tropa. Narinig ko pa ang usapan ng isa kong kaklase, magkakaroon daw ng party sa bahay ni Marco. Wala daw ang parents nito for 3 nights and 4 days. Nasa Singapore kasi ito  para sa isang business trip at syempre tuwang tuwa nanaman ang mga kaklase ko, 3 days din nilang magagawa ang mga gusto nila. Isa isa kong isinilid ang mga gamit ko sa bag.

"Nasan na ba yon si Mike kanina pa yon wala ah" dinig kong tanong ni Joseph.

"Baka nagbawas nanaman yon si g*go." sabay tawa ni Alejandro.

Palabas na sana ako ng harangin ako ni Joshua sa may pinto ng classroom.

"Hi Jana! sama ka sa get together mamaya?" Tinitigan ko muna ito sa mata bago muling nagsalita.

"No thanks, busy ako mamaya."

"Bakit strict ba ang parents mo? hindi ka nanaman ba papayagan?" kumurba ang labi ko dahil sa sinabi nya. Imbis na sumagot bahagya ko syang hinawi para magkaroon ng daan at saka sya nilampasan. Kahit anong sabihin ko hindi nila ako maiintindihan maybe because I don't want to explain my side, I don't want them to understand me.

"Balang araw magiging akin ka rin Jana." sigaw nito ng bahagya na akong makalayo. Ilang beses ko na rin yong narinig mula sa kanya.

Sya si Joshua Ferrer, 1st year college pa lang ako nong nanliligaw na sya sa akin pero kahit minsan hindi ko sya binigyan ng pagkakataon. Hindi dahil wala akong nararamdaman sa kanya kundi dahil ayoko. Wala akong interest sa mga bagay na iyon at lalong wala akong balak mainlove. At kung may isang bagay na importante sa buhay yon ay ang makasurvive sa mundong ito. Sa mundong puno ng kasalanan.

Bago umuwi ay dumaan muna ako sa cr na matatagpuan sa dulo ng building. Bihira lang ang studyanteng pumupunta dito dahil masyado na itong luma. Di gaya ng ibang cr dito sa university na pwede ka pang tumambay at matulog. Pero kung ako ang papipiliin mas gustong kong pumunta dito, tahimik at walang masyadong taong pumupunta.

Ang buong akala ko ay ako lang ang may gustong pumunta sa lugar na ito. Mukhang hindi na ito kagaya ng dati, mukhang hindi lang ako ang may gusto ng katahimikan ng lugar.

"Ughhhhh! Ughhhhh sige pa, f*ck! Ughhhhhh, ohh, ughhhhhh, bilisan mo lalabas na. Ganyan nga ughhhh! Ang sarap! D*mn!" halinghing iyon ng isang babae. Nanggagaling ang ingay sa isa sa mga cubicle.

Imbes na madistract ipinagpatuloy ko ang paghihilamos na parang walang milagrong nag yayari sa loob. Makalipas ang ilang minuto inuluwa ang laman ng cubicle subalit hindi ako nag abalang tingnan kung sino sila. Natigilan ako sa ginagawa nong marinig ko ang pamilyar na boses ng lalaki. Sigurado ako kilala ko ang boses na yon.

Paglabas ng cr naabutan ko ang lalaking nagsira ng katahimikan ng lugar. Nakasandal ito sa pader malapit sa pinto habang nakahalukipkip ang mga braso. Hindi ko ito pinansin at ipinagpatuloy ang paglalakad.

Hindi ko alam kung bakit nandoon pa rin sya gayong wala na ang babaeng kasama nya. Hindi kaya naghahanap sya ng bagong mabibiktima. I think kailangan ko ng maghanap ng bagong matatambayan.

Red Light (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon