Chapter 14

1.5K 10 1
                                    

Natataranta akong nagtago sa may ilalim ng lababo kung saan kasya ako sa loob ng cabinet.

"Babe nandito na ako sa apartment mo, nasan ka na ba?" Boses iyon ng babae.

Parang pamilyar sa akin ang boses na iyon pero hindi ko maalala kung sino.

"Sayang naman, ngayon lang ako makakatakas sa bahay kasi bukas pa uuwi ang parents ko. Sige na babe umuwi ka na! Please! Talaga ba? I love you babe!"

Narinig ko ang mga yabag nito na papalapit sa kusina habang kumakanta. Sinubukan kong sumilip pero wala akong makita dahil lapat ang pinto ng cabinet. Pigil hininga ako sa loob, takot na makagawa ng kahit anong ingay. Tagaktak ang pawis ko hindi lang dahil walang hangin sa loob kundi dahil na rin sa sobrang kaba.

Sino ang babe na tinutukoy nya? Si Randy kaya iyon? Anong gagagwin ko pag biglang umuwi si Randy? Paano ako makakalabas?

Ilang sandali lang nakarinig ako ng katahimikan sa buong bahay kasunod noon ay paglagaslas ng tubig sa banyo. Pakanta kanta pa sya sa loob.

Palabas na sana ako sa cabinet ng biglang tumawag si Randy. Agad ko iyong pinatay, mabuti na lang mahina lang ang ringtone.

Dahan dahan akong lumabas ng cabinet. Sinipat ko muna ang paligid bago maingat na humakbang papuntang sala. Marahan kong pinihit ang doorknob pabukas. Ingat na ingat na wag makagawa ng ingay. Naka hinga ako ng malalim nong maayos akong nakalabas ng apartment nya. Tinahak ko ang daan papuntang hagdan ngunit bago pa ako makaliko nakita ko si Randy na paakyat ng hagdan.

Sa sobrang taranta tumakbo ako pabalik sa kanyang apartment room. Subalit nakalock na ang pinto. Hinalungkat ako ang bag para hanapin ang ginawa kong susi. Nahirapan akong ilusot iyon sa butas dahil nangangatog ang kamay ko. Nang mabuksan ko ang pinto ay dali dali akong pumasok sa loob ngunit dahil sa pagkataranta napalakas ang pagsara ko ng pinto.

Tumigil ang paglagaslas ng tubig sa banyo kasunod noon ay ang pagbukas ng pinto. Agad akong nagtago sa likod ng sofa.

"Babe ikaw na ba yan?" Narinig ko ang yabag nito na papalapit sa sala.

Oh my ghad! Anong gagawin ko? Ano mang oras papasok na si Randy, makikita nya ako rito.

"Babe! Wala naman tao, guninguni lang siguro." Narinig ko ang yabag nyang papalayo kasunod ang pagbukas at pagsara ng pinto ng banyo. Napatingin ako sa frontdoor ng gumalaw ang doorknob.

What the f*ck nandyan na si Randy!

Tumakbo ako papuntang kusina saka pumasok ulit sa cabinet ngunit di ko pa tuluyang naisara ang cabinet ng bumukas ang front door. Sumiksik ako sa gilid kung saan hindi tinatamaan ng liwanag.

Hingal kabayo ako pero pinilit kong wag makagawa ng ingay. Tagaktak na ang pawis ko dahil sa matinding init, tensyon at kaba.

Narinig ko ang muling pagbukas ng pinto ng banyo. "Babe ikaw na ba yan?"

"Bakit di mo ako sinabihan na pupunta ka?" Tanong ni Randy sa babae.

Maririnig ang yabag ni Randy na papuntang kusina.

"Gusto lang kitang sorpresahin."

Nakita ko ang basang paa ng babae na papalapit kay Randy na kasalukuyang umiinom ng tubig.

Sinalubong sya ng yakap ng babae saka sya nito hinalikan. Humawak naman si Randy sa bewang nito. Dahil tahimik sa buong kwarto rinig na rinig ko ang sagupaan ng kanilang mga labi.

Bumagsak ang puting towel sa sahig. Isinandal ni Randy ang babae sa counter saka pinabukaka.

"Ughhhhh! Ughhhhh!" Ungol ng babae habang nilalamas ni Randy ang di kalakihang nitong dibdib.

Red Light (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon