Chapter 28

1.1K 17 4
                                    

Natigilan kaming dalawa ni Jayson nong bumukas ang pinto ng banyo at iniluwa noon ang galit na galit na si Randy. Mabilis na hinugot ni Jayson ang kanyang alaga.

"Mga h*yop kayo! Anong ginagawa nyo dito!"

"R-ra-randy!" Lumapit si Randy kay Jayson at kinuwelyuhan ito.

"S-sandali, nagkakamali ka. Makinig ka muna sa-" malakas ang suntok ang tumama sa mukha ni Jayson.

"Inakit ako ni Jana!" Mabilis na sabi ni Jayson bago pa sya muling suntukin ni Randy.

Tumingin ako kay Jayson, kinakabahan ako sa sasabihin nya. Paano kung sabihin nya kay Randy ang plano ko.

"Inakit? Sa panget mong yan aakitin ka ng asawa ko!"

Asawa? Kailangan ko sya naging asawa? Feelingero!

"Maniwala ka sa akin Randy, inakit nya lang ako."

"Sira*lo ka!"

Galit na pinagsasapak ni Randy si Jayson. Nong una takot na umawat ang mga kaibigan nya subalit nong dumugo na ang bibig ni Jayson ay umawat na ang mga ito. Walang nagawa si Randy kundi bitawan ang lupaypay na si Jayson.

Pagtayo ni Randy ay ako naman ang pinagdiskitahan nya. Hinawakan nya ang buhok ko at galit na hinatak palabas ng banyo. Pagdating sa kwarto ay sinampal nya ako ng malakas kaya sumubsob ako sa kama.  Sa lakas ng sampal ni Randy ay nandilim ang paningin ko. Hindi pa sya nakuntento, sumampa sya sa kama at muling hinawakan ang mahaba kong buhok habang ang isang kamay ay mahigpit na nakahawak sa magkabilaan kong pisnge.

"Bitawan mo ako Randy nasasaktan ako!"

"Malandi ka talagang babae ka! Hindi porket pumapayag akong galawin ka nila ay may karapatan ka ng mang akit ng mga kaibigan ko! Tandaan mo ako ang masusunod kung kailan ka namin gagalawin at kung kailan hindi, dahil akin ka lang Jana. Akin ka lang!" Pabalya nya ulit akong binitawan. Wala akong nagawa kundi ang umiyak.

Ipagdasal mo lang talaga Randy na hindi ako makatakas, dahil sinusumpa ko papatayin kita!

Kinagabihan panay ang silip nila sa labas minamatyagan kung nasa paligid pa ba yong mga lalaking naghahanap sa akin. Nakagapos ang dalawa kong kamay sa likod habang nakatali ng panyo ang aking bibig.

"Anong gagawin natin Randy?" Bakas sa mukha ni Osca ang takot.

"Tuloy ang plano mamaya, sa likod tayo dadaan." Kalmadong wika ni Randy.

"Paano nila nalaman na nandito tayo?" dugtong ni Kevin.

"Hindi kaya nasundan kayo?"

"Impossible yon Randy, ilang araw na kaming nandito, pero kanina ko lang sila nakita," sambit ni Charles.

"Ganito na lang, si Osca at Kevin ang lalabas para i-divert ang atensyon ng mga kurimaw na yon. Kaming dalawa ni Charles ang magtatakas kay Jana. Magkita na lang tayo sa hideout.

"Paano si Jayson?" Hanggang ngayon wala pa ring malay si Jayson.

Bakas sa mukha ni Randy ang pagkairita nong marinig nya ang pangalan ni Jayson. "Isasama na lang namin sya ni Charles."

Anong gagawin ko? Paano ako tatakas. Pag hindi ako nakatakas ngayon baka wala na akong pag asang makatakas ulit.

Bandang alas dos ng madaling araw nong magdesisyon silang umalis. Nauna ng lumabas si Kevin at Osca, kasunod non ay ang pag andar ng makina ng sasakyan hanggang tuluyan itong makalayo. Sumilip muna si Randy sa labas bago sya lumapit sa akin saka ako Hinatak patayo.

"Randy hindi ba natin gigisingin si Jayson?"

"Wala na tayong oras Charles kung gigisingin pa natin ang ulupong na yon. Baka matunugan ng mga yon na nandito pa tayo sa loob.

Red Light (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon