3 days before the incident.
Habang naglalakad sa kahabaan ng pasilyo may mga iilan na studyante ang nagkukwentuhan na parang interesante ang kanilang pinag uusapan. Hindi na bago ang ganitong eksena sa umaga subalit parang may kakaiba.
"Nabasa mo ba ang post sa page ng department?" rinig ko na tanong ng studyanteng babae na nasa unahan ko.
"Oo, naiintriga nga ako eh, sino kaya yong tinutukoy doon?"
"Sa tingin mo totoo kaya yon?"
"Ewan, di ko masabi pero kung totoo man yon nakakadiri sya."
Post sa page?
Nagpatuloy sa pagkwentuhan ang dalawa hanggang sa marating ko ang room. Tulad ng ilang studyante sa labas abala rin ang mga kaklase ko sa pakikipag chikahan. Kinuha ko ang phone saka hinanap ang sinasabing post ngunit bago ko pa iyon makita at nakarinig ako ng tikhim mula sa aking likuran.
Muntik na akong mapatalon nong makilala ko ang lalaking nasa aking likuran. Si Mike, matapos ang ilang araw nyang pag absent ngayon lang ulit kami nagkita. Sandali akong natulala at hindi agad nakagalaw. Nagtama ang tingin naming dalawa. Gwapo si Mike pero bakit sobrang gwapo nya sa paningin ko ngayon. Ang bilis ng tibok ng puso ko at tila nahihirapan akong huminga.
Mula nong makita nya kaming magkasama ni Mr. Hanz hindi na kami nagkausap. Gusto kong linawin sa kanya ang tungkol sa nangyari pero hindi ko alam kung interesado ba itong malaman iyon. Yong mga tinging ipinupukol nya sa akin ay ibang iba sa tinging ipinakikita nya sa akin nitong nagdaang mga linggo.
"Baka gusto mong tumabi." Walang kaemo-emosyon nyang wika. Tila napahiya ako sa inasal nya sa akin. Nakasimangot akong naglakad papasok ng room at hindi na nag abalang tingnan sya ulit.
Hanggang ngayon galit pa rin sya dahil sa pagtanggi ko sa inaalok nya sa akin.
"Hey Jana! Nabalitaan mo na ba yong chicka sa page ng Univ?"
"Ha? Tungkol saan?"
"Ano ka ba naman Jana, huli kananaman sa balita halos alam na nga ng 80% na studyante dito. Ito babasahin ko."
"Sino itong misteryosong girl na nahuli raw na lumabas ng hotel kasama si Mr. Hunk. Take note hindi lang ito isang beses na nahuling pumunta roon."
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi ni Diane. Nilingon ko si Mike na kasalukuyang nakikipagtawanan sa mga barkada nya. Nagtama ang tingin namin nong bigla itong lumingon sa direksyon ko kaya naman agad akong umiwas ng tingin.
Ako ba ang tinutukoy sa post? Hindi, imposibleng ako, walang ibang nakakaalam ng sekreto ko kundi si Mike lang.
"Jana ok ka lang?"
"Hindi ko alam na ginagawa na palang chismisan ang page."
"Sa tingin mo totoo kaya ito?"
"Hindi ko alam, Baka kasi nagkataon lang na nagkita silang magkasama, malay mo hindi naman talaga sila magkasama sa hotel."
Ipinagkibit balikat ni Diane ang sinabi ko. Natigil lang ang pag uusap namin dalawa nong dumating ang professor.
Sinubukan kong kalimutan ang tungkol sa post at magfocus sa lecture pero di ko maiwasang mag isip.
Bukod kay Mike may isang tao pa ang nakakitang magkasama kami at iyon ay si Addieson. Pero parang wala sa ugali ni Addieson ang magpasaring sa social media.
Bandang lunch nong muling may nagpost sa page.
"Nabasa mo na ba to Jana? Sabi dito itong si girl ay ginagamit ang ganda at alindog para matustusan ang pag aaral sa University. Eww nakakadiri! Kahit naman siguro walang wala na ako hinding hindi ako magpapagamit sa iba para lang sa pera."
BINABASA MO ANG
Red Light (SPG)
SachbücherSi Jana ay may angking kagandahan na nanaisin ng sinumang lalaki, ngunit sa likod ng kanyang kagandahan ay may lihim syang itinatago. Upang makaalis sa putik na kanyang kinalalagyan, si Jana ay nagsikap na mag aral sa isang kilalang Unibersidad, hab...