"Saan ka galing?"
Hindi ako nakasagot sa tanong nyang iyon. Hindi ko inaasahan na mauuna syang umuwi.
Matagal na katahimikan ang lumukob sa amin bago ako naglakas loob na magsalita.
"P-pumunta ako sa bahay dahil may importente akong gagawin." Kumurba ang labi nya.
Nagpakawala sya ng mahinang halakhak na wari ay hindi kumbinsado sa sagot ko. Kinuha nya ang kanyang phone saka inihagis sa center table. Tumingin muna ako kay Mike bago ko itinuon ang atensyon doon.
Kinagat ko ang ibabang labi nong mapagtanto ko na ako ang nasa picture na nasa cellphone nya. Larawan namin iyon ni Gregor nong hinalikan nya ako kanina. Kung ganon lihim pa rin pala akong sinusundan ng mga bodyguards ni Mike.
Ibinaling ko ang tingin kay Mike. Malamig ang pagkakatitig nya sa akin gaya noong mga panahon na hindi pa ako nag eexist sa mundo nya.
"Ano ngayon kung magkahalikan kami?" Kumunot ang kanyang noo sa sinabi ko. "Wala tayong relasyon kaya walang dahilan para magalit ka ng ganyan." Nakagat ko ang ibabang labi dahil sa sinabi ko. Hindi ko alam kung bakit iyon ang unang lumabas sa labi ko. "Isa pa, sabihin mo sa mga bodyguard mo na tigilan na ang kakasunod sa akin."
Hindi sya nagsalita, tumayo sya at kinuha sa kamay ko ang phone. Naglakad sya palabas ng penthouse na walang sinabing kahit ano sa akin. Nakaramdam ako ng guilt dahil sa sinabi ko. Gusto syang habulin pero mas natatakot ako na baka may alam sya kung saan talaga ako galing. Natatakot ako na usisain nya ako tungkol doon.
"I'm sorry Mike," wika ko sa sarili nong makalabas sya ng Penthouse.
Alas dose na at malakas ang ulan sa labas pero hindi pa rin bumabalik si Mike. Hindi ako makatulog, binabagabag ako ng konsensya ko. Imbes na magpasalamat ako kay Mike dahil sa pagtulong nya sa akin ay kung ano ano pang sinabi ko. Para tuloy akong walang utang na loob. Panay ang tingin ko sa phone, kanina ko pa sya gustong tawagan pero wala akong lakas ng loob para gawin yon.
Bandang alas tres ng madaling araw nong magdesisyon akong matulog. Mukhang hindi na uuwi si Mike.
Nagising ako kinabukasan pero hindi pa rin umuuwi si Mike. Walang kahit anong bakas na umuwi sya kagabi. Mabilis na lumipas ang araw hanggang natapos ang isang linggo pero hindi na umuwi si Mike.
"Sigurado ka na ba anak sa desisyon mo?"
"Opo momsie!" Kausap ko si momsie sa phone.
"Hindi pa rin ba umuuwi si Sir Mike?"
Katahimikan lang ang naisagot ko kay momsie.
Nag aalala na ako kay Mike. Ngayon lang sya hindi umuwi ng ganito katagal. Napaparanoid na ako sa kakaisip. Paano kung lasing sya that night tapos nagdrive sya pauwi tapos, tapos nadisgrasya sya. What if kung nasa hospital sya ngayon kaya hindi sya makauwi. What if kaya sya hindi umuuwi ay dahil ayaw na nya akong makita at hinihintay lang nya na umalis ako. Sumasakit na ang ulo ko kakaisip. Gusto kong magtanong tanong about sa kanya pero hindi ko alam kung sino ang tatanungin maliban sa mga kaibigan nya. Sinubukan ko na rin syang tawagan kahapon pero out of coverage sya.
"Anak kung ano man ang pinag awayan nyong dalawa mas mabuting mag usap muna kayo."
Paano ko yon gagawin ni hindi ko alam kung saan ko sya hahagilapin.
Bandang hapon nong pinuntahan ko ang maliit na apartment na uupahan ko. Nagbigay na rin ako ng 1 month advance at 1 month deposit.
"Kailan ka ba lilipat ineng?" Tanong ng landlord
"This week din po."
"Mag isa ka lang ba?"
"Yes po."

BINABASA MO ANG
Red Light (SPG)
SachbücherSi Jana ay may angking kagandahan na nanaisin ng sinumang lalaki, ngunit sa likod ng kanyang kagandahan ay may lihim syang itinatago. Upang makaalis sa putik na kanyang kinalalagyan, si Jana ay nagsikap na mag aral sa isang kilalang Unibersidad, hab...