Chapter 25

1.1K 14 2
                                    

"R-randy?"

Nakaupo si Randy malapit sa bintana habang may hawak itong tasa.

Sinubukan kong bumangon ngunit nakatali ang kamay at paa ko sa gilid ng matigas na kama. Nakaramdam ako ng takot at pangamba pero sinubukan kong wag iyong ipahalata sa kanya.

"Anong ginawa mo sa akin? Bakit ako nakatali? Nasaan ako? Saang lugar ito?"

Nilibot ko ng tingin ang kabuuan ng kwarto. Hindi ito ang kwarto ko o maging ang apartment nya.

Inilapag ni Randy ang tasa sa may bintana saka naglakad palapit sa akin.

"Anong ginagawa mo sa apartment ko, Jana?" Napalunok ako ng laway. Hindi ko alam ang isasagot sa kanya "Tinatanong kita Jana!" Hinawakan nya ako sa may baba. Halos lumubog ang daliri nya sa balat ko.

"BITAWAN MO AKO RANDY NASASAKTAN AKO!" Maluha luha ako dahil sa higpit ng pagkakahawak nya sa panga ko.

Nanlilisik ang mga mata ni Randy na parang papatay sya ng tao.

"Aray! Nasasaktan ako!" Binitawan nya ako.

May kinuha sya sa likod ng bulsa at ipinakita sa akin. Nanlaki ang mata ko nong makita ko ang bagay na iyon.

Ang nawawala kong wallet, paanong?

"Nong araw na pumunta ka sa apartment ko naiwan mo ang bagay na ito." Binuksan nya iyon at ipinakita sa akin ang school ID ko.

Tama, naalala ko na. Nong unang beses akong pumasok sa apartment nya ang, buong akala ko naiwan ko ito sa sasakyan ni Mike o di kaya sa kalsada kung saan may dalawang goons na muntik ng hum*lay sa akin pero hindi ko alam nalaglag ko iyon sa apartment ni Randy.

"Ngayon Jana sabihin mo sa'kin kung bakit ka nasa apartment ko? Akala mo ba Jana maloloko mo ako? Pumasok ka sa apartment ko dahil gusto mo ulit nakawin yong copy ng mga video mo! Hindi ba?

"Hindi ko alam ang sinasabi mo Randy!"

"Tumigil ka Jana, hindi mo na ako maloloko! Wag ka ng umarte dahil bistado na kita! Akala mo ba Jana kapag nakuha mo ang kopya ng video makakaalis ka na sa akin, nagkakamali ka. Kahit makuha mo ang copy ko hindi mo mabubura ang kopya sa internet. Isang click ko lang Jana, masisira na ang buhay mo."

"Napakah*yop mo! Napakadem*nyo mo!" Binitawan nya ang mukha ko pagkatapos sinampal ako ng malakas.  Nag init ang parteng tinamaan ng palad nya.

"H*yop?" Tumawa sya na parang demonyo. "Sinubukan kong maging mabait sayo Jana, wala akong ibang hiling kundi ang maging akin ka pero anong ginawa mo? Niloko mo lang ako! Nagpanggap ka na mabait pero isa kang ahas! Gusto mo akong traydurin ng paulit ulit."

"Hindi mo ako pag aari! Kahit kailan hindi ako magiging sayo! Mas gugustuhin ko pang mamatay keysa habang buhay kang makasama."

"Anong sabi mo?"

"Napakasama mo! D*monyo ka! Napakah*yop mo!"

"Ipapakita ko sayo Jana kung gaano ako kademonyo!"

Sumampa sya sa kama saka umibabaw sa akin. Buong lakas kong sinubukang pumiglas sa pagkakatali pero walang saysay ang ginagawa ko.

"Ipalalasap sayo ng d*monyo ang langit."

Inilapit nya sa akin ang mukha nya saka ako sinunggaban ng halik. Sinubukan kong umiwas pero hinawakan nya ang mukha ko para pigilan. Naging mapusok ang mga halik ni Randy sa akin halos dumugo ang labi ko dahil sa pwersang ginawa nya. Wala akong magawa kundi ang pumiglas habang umiiyak.

Ang isang kamay ni Randy ay malayang pumasok sa loob ng aking damit. Nilamas nya ang aking dibdib sa ibabaw ng aking bra. Pilit na ipinapasok ni Randy ang kanyang dila sa aking bibig.

Red Light (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon