Agad na hinawakan nong driver yong braso ko. "Wag ka ng matakot sa amin miss hindi ka naman namin sasaktan." Makapanindig balahibo syang ngumisi sa akin.
Sinubukan kong magpumiglas pero hinawakan ako nang kaangkas nyang lalaki sa bandang bewang. Naramdaman ko ang kanyang labi sa aking leeg.
"Ang bango nya pre! Hehehehe!"
"At ang lambot, hehehe." Pinisil nong driver ang aking dibdib."
"BITAWAN NYO AKO! SAKLOLO! TULUNGAN NYO AKO!" Sinubukan kong magpumiglas.
"Walang makakarinig sayo dito miss, 3 kilometro pa ang layo bago ka makarating sa mga kabahayan."
"Sasamahan ka na lang muna namin dito, para di ka malungkot." Sabay tawa nila na pang demonyo.
"Maawa kayo sa akin kuya!" Binalot na ng takot ang puso ko. "Wag nyo pong gawin sa akin yan."
"Wag ka mag alala miss dadahan dahanin lang namin para di ka masaktan." Saka nya inilapit sa akin ang kanyang mukha pero umiwas ako. Inilabas nito ang mahabang dila at dinilaan ako sa pisnge.
"Ang kinis pre!"
"Patikim din." Tumindig ang balahibo ko nong maramdaman ko ang dila nong isang lalaki sa aking leeg. "Ang sarap!" Sabay tawanan nila.
Hinatak pabuka nong driver ang uniform ko kaya natanggal ang mga butones. Sapilitan nila itong hinubad saka itinapon sa malayo.
Sinubukan kong manlaban ngunit naubos lang ang lakas ko kakapiglas sa pagkakahawak nila, sadyang malakas ang dalawang lalaki.
Mike nasan ka na ba? Bulong ko sa aking isip. Hindi ko maintindihan bakit si Mike ang unang pumasok sa isip ko gayong sya ang dahilan kung bakit ako nandito.
Malakas na busina mula sa malayo ang nagpatigil sa kanilang dalawa. Mabilis ang andar ng sasakyan palapit sa kinaroroonan namin. Nakakasilaw ang liwanag na nanggagaling sa headlight ng kanyang sasakyan kaya nahirapan akong aninagin. Para itong kidlat sa bilis na bigla na lang sumulpot at binangga pa nito ang motor nong dalawang lalaki kaya ito ay natumba.
"Aba't g*go to ha!" Binitawan ako nong driver at sumugod palapit sa sasakyan. Bumukas ang pinto at lumabas roon si Mike na madilim ang pagkakatitig sa dalawang lalaki
Malakas ang ulan pero hindi alintana ni Mike ang pagbuhos nito.
"Hoy bata! Umuwi ka na sa bahay mo at wag ka ng mangialam dito kung ayaw mong madamay!"
"Anong karapatan nyong hawakan sya!" Nakakatakot ang expression ng mukha ni Mike na parang papatay ng tao.
"Aba't matapang ang batang to!"
Nakaramdam ako ng takot ng maglabas ng balisong ang lalaki. Akmang aatakihin nito si Mike ng bigla itong natigilan.
"Eh kung pasabugin ko yang bungo mo?" Nakatutok sa ulo nong lalaki ang baril na hawak ni Mike.
Napaatras sa takot yong lalaki. Kahit ako biglang natakot sa sinabi nya. Paano kung totohanin nga ni Mike ang sinabi nya. Paano kung makapatay sya.
Bakit sya may baril?
"Bitawan mo sya kung ayaw nyong paglamayan bukas."
Agad akong binitawan nong isang lalaki. Itinayo naman nong driver ang natumba nyang motor saka natatarantang sumakay ang dalawa. Pinaandar nito ang makina at agad na pinasibad.
Nanlambot ang tuhod ko dahil sa nangyari kaya napaupo ako sa kalsada. Tulala pa rin ako sa mga nangyari, muntik muntikan na nila akong g*hasain.
Lumapit sa akin si Mike at ipinatong ang basa nyang uniform sa balikat ko.
BINABASA MO ANG
Red Light (SPG)
Non-FictionSi Jana ay may angking kagandahan na nanaisin ng sinumang lalaki, ngunit sa likod ng kanyang kagandahan ay may lihim syang itinatago. Upang makaalis sa putik na kanyang kinalalagyan, si Jana ay nagsikap na mag aral sa isang kilalang Unibersidad, hab...