Chapter 40

51 1 0
                                    

Agad kong tinanggal ang nakabaon pa ring pagkalalaki ni Mike sa aking pagkababae.

"Anong ginagawa mo dito?" Walang emosyon nyang tanong doon sa babae.

Hindi sya sumagot, tinitigan nya lang ako mula ulo hanggang paa. Nakapanliliit ang paraan ng pagkakatitig nya sa akin.

"Stop staring at her like that."

Parang balewala kay Mike ang nakahubad nyang katawan, habang ako hiyang hiya. Sanay ako sa red light na nakikita ng maraming tao ang hubad kong katawan pero hindi sa babaeng bisita ni Mike. Upang mabawasan ang pagkapahiya ay nagmamadali kong pinulot ang mga nagkalat kong damit sa sahig.

"Fix yourself first, then follow me to your study room." Bago tumalikod ay muli akong pinasadahan ng tingin nong babae. Hindi ako pwedeng magkamali, inirapan nya ako.

"I'm sorry Jana, mukhang hindi kita maihahatid ngayon."

"Ok lang, mukhang importante ang pag uusapan nyo."

"Magbihis ka na at ipahahatid kita kay Axel."

"Hindi na kaila-"

"No Jana, mapapanatag lang ang loob ko kapag inihatid ka ni Axel."

Pumayag na rin ako, alam ko na hindi papayag na tanggihan ko sya. Paglabas ko sa kwarto ay wala na si Mike sa sala ngunit naroon yong lalaking madalas nyang kasa-kasama na palagi ring sumusundo sa kanya. Sya yong lalaking may dalang baril nong minsang naabutan nya kami ni Mr. Hanz sa bahay ko.

Habang nasa byahe ay hindi ko maiwasan mag isip. Maganda yong bisita ni Mike, pero halatang mas matanda ito kaysa sa kanya.

Hindi kaya kapatid iyon ni Mike Possible kasi may pagkakahawig sila. Pero sa pagkakatanda ko nag iisa lang na anak.

Gusto kong kalimutan ang nangyari, pero hindi mawala wala sa isip ko ang mga ikinilos nya kanina. Parang bang balewala sa kanya na makita sya ng bisita nya na nakahubad at walang kahit anong saplot.

Ano ba itong iniisip ko? Mukhang hindi ako patutulugin hanggat hindi ko nalalaman ang totoo.

"Ahm kuya, pwede po ba akong magtanong?"

"Bakit po ma'am?"

"Yong babae kaninang bisita ni Mike, sino ho sya?"

Tumingin sya sa akin gamit ang rearview mirror. Matagal bago sya sumagot. "Si Mrs Ynares ho, sya ang mommy ni sir Mike."

"Ano? M-mommy? As in mom nya? P-paano po nangyari yon? Mukha pa syang bata para maging mommy ni Mike."

"Ahm, mas maganda po kung si sir Mike na lang ang tanungin nyo tungkol sa bagay na yan."

Oh my ghad! Anong ginawa ko? Of all people bakit ang mommy pa ni Mike ang nakakakita sa amin sa ganoong posisyon, sobrang nakakahiya. Kaya ba ganoon na lang nya ako tingnan kanina?

Hanggang makauwi sa apartment ay di pa rin ako makamove on sa nangyari. Paulit ulit na pumapasok sa isip ko ang eksena kanina.

Ano kayang nasa isip ng mommy nya sa mga oras na yon? Malamang iniisip nya na isa akong kaladkaring babae na madaling ik*ma. Well hindi naman sya nagkakamali, isa akong p*kp*k.

Bandang ala una ng madaling araw nong maalimpungatan ako dahil sa mahihinang katok. Bago buksan ay sumilip muna ako sa peep hole.

Mike?

Niyakap nya ako agad pagkabukas ko pa lang ng pinto. Para kaming hindi nagkita ng mahabang panahon dahil sa paraan ng pagkakayakap nya sa kin.

"May problema ba Mike?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 2 days ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Red Light (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon