Chapter 45

972 1 2
                                        

Humigop muna sya ng kape bago nagsalita. "Hindi mo naman siguro gugustuhin na malaman ng lahat ang sikreto mo?" Ikinuyom ko ang kamay upang pigilan ang emosyon. "Mamili ka, tatanggapin mo ang inaalok ko o malalaman ng lahat ang sekreto mo?"

"Ma'am-"

"Nang dahil sayo, nasira ang buhay ng anak ko. Nang dahil sayo nakalimutan nya ang responsibilidad sa pamilya. Nang dahil sayo nakakagawa sya ng mga maling desisyon sa buhay, at ng dahil sayo, muntik na syang makapatay. Hindi ka naman siguro greedy para sirain ang buong pagkatao nya. Name your price, hindi ako magdadalawang isip na ibigay yon sayo, tutal iyon lang naman ang habol mo sa kanya diba?"

"Nagkakamali po kayo, hindi ho pera ang habol ko kay Mike."

"At ano? Katawan nya, popularidad?"

"Mahal ko po si Mike."

Tumawa sya ng nakakainsulto. "Wag ka ngang magpaka ipokrita! Mahal? Paano mo nasasabing mahal mo ang anak ko gayong iba't ibang lalaki ang kasama mo sa kama?"  Napatingin ako sa paligid, ilan sa mga katabi naming table ay napatingin sa amin. Nakapanliliit ang tinging ipinupukol nila sa akin.

"Bakit? Nahihiya ka na malaman ng iba  ang sekreto mo pero hindi ka nahihiya sa ginagawa mo sa anak ko?"

"Ma'am nakikiusap po ako-"

"Sampung milyon, siguro naman sapat na yon para layuan mo ang anak ko."

Ikinuyom ko ang kamay ko. Gusto kong umiyak, nanliliit ako sa sarili ko.

"Isang buwan, bibigyan kita ng isang buwan para pag isipan ang inaalok ko." Matapos nyang sabihin iyon ay naglabas sya ng pera pambayad sa inorder at inilapag sa table. "Keep the change."

Ilang minuto na syang nakaalis ngunit nananatili pa rin akong nakaupo. Walang tigil sa pagbagsak ang mga luha ko.

Bago ko pinasok ang pagiging isang bayarang babae buo ang loob ko na darating ang araw na walang lalaking tatanggap sa akin oras na malaman nya ang nakaraan ko. Alam ko naman na ganito ang kalalabasan ng mali kong desisyon, pero bakit ang sakit? Ang sakit marinig iyon sa magulang ng lalaking mahal ko.

Matapos ng mahabang oras ng pagtatrabaho ay nakita ko na rin sa wakas si Mike. Matyagang syang nag iintay sa labas ng kanyang sasakyan para sunduin ako. Ngumiti sya nong makita nya ako.

Hindi ko mapigilang hindi masaktan habang pinag mamasdan ko ang nakangiting mukha ni Mike. Kumirot ang puso ko nong maalala ko ang sinabi ni Mrs. Ynares.

Mahal? Paano mo nasasabing mahal mo ang anak ko gayong iba't ibang lalaki ang kasama mo sa kama?

Nang dahil sayo, nasira ang buhay ng anak ko. Nang dahil sayo nakalimutan nya ang responsibilidad sa pamilya. Nang dahil sayo nakakagawa sya ng mga maling desisyon sa buhay, at ng dahil sayo, muntik na syang makapatay.

Siguro nga tama sya, ako ang dahilan kung bakit nagawa ni Mike ang lahat ng yon. Kung totoo man na may kinalaman sya sa pagkamatay ng mga kaibigan ni Randy, walang ibang dapat sisihin kundi ako.

"Ayos ka lang ba?" Hindi ko namalayan ang paglapit sa akin ni Mike.

"Ah- oo, pasensya na napagod lang ako sa trabaho."

"Hindi mo naman kasi kailangan magtrabaho. Kaya kong bayaran ang tuition mo."

"Ano bang sinasabi mo Mike? Ano ka sugar daddy? Isa hindi pa naman tayo mag asawa para gumastos ka sa akin. Saka pera pa rin ng mother mo ang-"

"Then marry me!" Putol nya sa sinasabi ko.

Sinubukan kong tumawa kahit kinakabahan ako. "Hindi nakakatawang biro."

Red Light (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon