Di sinasadyang makita ko ang baril sa loob ng isa sa mga cabinet na nasa study room, pero ang ikinapagtaka ko ay bakit may natuyong dugo sa handle.
Ang sabi ni Mike hindi daw ito totoong baril, pero bakit? Bakit may dugo?
Kinuha ko ang baril at tiningnan kung totoo ba ito o hindi gaya ng sinasabi nya. Nanlambot ang tuhod ko at gumapang ang kaba sa buo kong katawan matapos kong makumpirma na totoo nga ito. Muntikan ko nang malaglag ang baril mabuti na lang nahawakan ko ng mabuti.
Natuptop ko ang sariling bibig nong maalala ko ang mga sugat ni Mike.
Hindi kaya-! Oh my ghad!
"Jana!" Bumukas ang pinto at pumasok si Mike. Nanlalaki ang mata kong napatingin sa kanya. "Aalis na ta-" natigilan si Mike nong makita nyang bukas ang drawer saka dumako ang tingin sya sa hawak kong baril.
Nagbago ang expression ng mukha ni Mike at naging seryoso. Malalaking hakbang ang ginawa nya palapit sa akin. Kinuha nya ang baril sa kamay ko at ibinalik sa loob ng drawer saka ito isinara.
"H-hindi ko sinasadyang pakialaman ang gamit m-mo. G-gusto ko lang hanapin yong medical kit."
Bumaba ang tingin ni Mike sa binti kong may sugat. Hindi sya nagsalita hinawakan nya ang kamay ko at hinatak ako palabas ng study room. Pinaupo nya ako sa couch saka bumalik sa loob, paglabas ay may dala na syang medical kit.
Pumuwesto sya sa paanan ko saka nilinis ang sugat. Habang abala si Mike sa paggamot sa sugat ko ay tinitigan ko sya ng mabuti. Maraming tanong ang gumugulo sa isip ko ngayon. Kagaya na lang ng, saan sya galing kahapon? Bakit may mga sugat sya? Bakit sya may baril? Anong ginawa nya? Pero sa kabila ng mga tanong na gumugulo sa isip ko mas minabuti ko na lang sarilinin lahat, dahil wala akong karapatan at lalong wala ako sa posisyon para mag usisa.
"Ano bang ginagawa mo bakit nasugatan ka?" Inangat nya ang tingin sa akin, naghihintay sya ng isasagot ko. Hindi ako nagsalita at nanatiling tahimik. Hindi pa rin ako makamove on sa natuklasan.
"Palagi ka dapat nag iingat, hindi lahat ng oras may taong tutulong sayo!" Bakas sa tono ng boses nya ang pagkairita.
Nagagalit ba sya dahil pinakialaman ko ang gamit nya o dahil may natuklasan ako tungkol sa kanya.
Sino ka ba talaga Mike? Bakit napaka misteryoso mong tao?
Habang nasa byahe ay hindi kami nag uusap ni Mike. Nakatuon ang atensyon ko sa labas ng sasakyan at sya naman sa pagmamaneho. Okupado ang isip ko sa maraming katanungan. Bago kami makarating sa university ay nagpababa ako sa kanto. Ayaw nya sanang pumayag pero nagdahilan na lang ako na may bibilhin kaya wala syang nagawa para pilitin ako. Ang totoo wala naman talaga akong bibilhin, ayoko lang makita kami ng mga studyante na magkasamang pumasok. Baka kung anong isipin nila lalo na't sabay din kaming umuwi kahapon.
Pagdating sa room naabutan ko si Mike kasama ang mga barkada nya. Nandoon din si Addieson mula sa kabilang department, magkausap sila at mukhang may seryosong pinag uusapan. Matagal na silang magkakilala ni Mike yon ang pagkakaalam ko pero kung ano ang totoo nilang relasyon ay hindi ko alam. Ang alam ko lang isa sya sa mga naging babae ni Mike. Dumako ang tingin ko sa kamay ni Addieson na nakalingkis sa braso ni Mike.
Pagpasok ko sa room ay napatingin sa akin si Mike, sinundan din ito ng tingin ni Addieson kasunod ng mga barkada nya.
"Hi Jana! Good morning!" bati ni Joshua. Tumayo sya at sinalubong ako. Umakbay sya sa akin pero tinanggal ko din agad ang kamay nya.
"Ano Jana napag isipan mo na ba?"
Nakasimangot kong hinarap si Joshua.
"Ilang beses ko bang dapat sabihin na hindi ako sasama?" Ayokong magtaray, pero mainit ang ulo ko ngayon sa di malamang dahilan.
BINABASA MO ANG
Red Light (SPG)
No FicciónSi Jana ay may angking kagandahan na nanaisin ng sinumang lalaki, ngunit sa likod ng kanyang kagandahan ay may lihim syang itinatago. Upang makaalis sa putik na kanyang kinalalagyan, si Jana ay nagsikap na mag aral sa isang kilalang Unibersidad, hab...