Chapter 13

1.3K 9 2
                                    

"Kamusta. . . Jana!" Nakangisi nyang wika.

"M-mike?" Bahagya akong napaatras.

Mukhang katatapos nya lang maligo dahil nakatapis pa ito ng puting tuwalya at basa ang kanyang buhok.

Paanong naging si Mike ang lalaking katatagpuin ko? Hindi kaya nagkamali lang ako ng address?

"Matutulala ka na lang ba dyan, Jana?"

Naglakad sya palapit sa table saka nagsalin ng alak sa baso.

"Anong ginagawa mo dito?"tanong ko.

"Ano sa tingin mo?"

"I think nagkamali ako ng address na pinuntahan."

Tatalikuran ko na sana sya ngunit mabilis na nagsalita si Mike. "You're looking for Mr. Garcia, right?" Kumunot ang noo ko sa sinabi nya. "Well, Mr. Garcia probably went home."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Infact, I was the one who gave an ordered to bring you here."

"Hindi ko alam ang sinasabi mo?"

"O c'mon Jana, hanggang kailan mo ba itatago ang totoong pagkatao mo? Unang kita ko pa lang sayo, I know what kind of person you are." Bahagyang umangat ang kanyang labi. "You give pleasure to your customers, especially to those lonely OLD MAN." naikuyom ko ang aking palad.

Gustuhin kong tumakbo ngunit huli na ang lahat. Kahit anong tanggi ko kay Mike alam na nya ang totoo.

Naglakad sya palapit sa akin, hindi ko magawang igalaw ang mga paa ko. Para akong nabato sa matalim nyang titig sa akin.

Napalunok ako ng laway ng dumapo ang tingin ko sa matipuno nyang katawan. May iilang butil pa ng tubig roon na nakapagpadagdag ng kanyang karisma.

Tang ina ang dumi ng utak ko!

Hinapit ni Mike ang bewang ko nong tuluyan syang makalapit sa akin. Nagdikit ang aming katawan at ramdam ko ang malaki nyang pagkalalaki na nakadikit sa aking puson.

Tila libo libong kuryente ang dumaloy sa buo kong katawan nong dumampi ang labi nya sa aking leeg. Agad ko syang naitinulak palayo ngunit di hamak na mas malakas sya sa akin kaya nanatiling magkalapit ang aming katawan.

Ngumisi si Mike. "Acting like a virgin? Ganyan ka ba sa mga customer mo?"

"Bitawan mo ako! Hinding hindi ako makikipagt*lik sayo!" Sinubukan kong magpumiglas hanggang sa bitawan nya ako.

"Baka nakakalimutan mo Jana, ako ang customer mo at bayad ang serbisyo mo!"

"Wag kang mag alala irerefund ko na lang payment mo!" Tinalikuran ko sya at mabilis na naglakad papunta sa may pinto.

"Irerefund? Hindi ba sinabi sayo ng manager mo ang tungkol sa kontrata?" Natigilan ako sa pagbukas ng pinto, muli ko syang nilingon.

"Kontrata?"

Umupo si Mike sa couch saka kinuha ang brown envelope na nasa center table at inihagis sa sahig malapit sa kinatatayuan ko.

"Bakit di ko tingnan? Saka ka magdesisyon kung gusto mo ba talagang irefund ang bayad ko."

Wala akong nagawa kundi ang lapitan iyon at damputin.

Nalula ako sa nakasaad sa kontrata, 5x ang halaga ng perang ibabayad ko sa kanya sa oras na ako ay tumanggi.

"Scammer ka ba? Bakit kita babayaran ng 5x?"

"Malaking halaga ang ininvest ko sayo Jana kaya dapat lang na suklian mo iyon ng one hundred percent na serbisyo mo! Wag kang mag alala meron ka ng bonus kapag naligayahan ako sa trabaho mo." Sabay tawa nya ng nakakainis.

Red Light (SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon