Chapter 14. Breath

3.7K 163 0
                                    

Breath

.

.

"Hi, Brent!"

.

Napalingon ako sa babaeng Italyana na nasa gilid. Tinawag kasi siya. Kaibigan niya ba? Tumaas pa ang kilay ko.
.

"In for tonight? Stacy is back in town."

"I will be in. We'll see you all, tognight" senyas at kindat niya.

Umiwas na ako nang titig at patuloy na naglakad na.

"What a job ai?"

Rinig kong tawa nang babae sa kanya.

"It's nothing. See yah," si Brent sa kanya.
.

Mas binilisan ko na ang hakbang at ramdam ko lang din na nakasunod siya. Nahinto ako nang makita ang tindahan ng bigasan, patatas at iba pa. Gumuhit ang ngiti sa labi ko. Okay, heto na naman ako. Umaandar na naman ang pagiging bully ko.
.

"Hi, two bags of rice please and five kilos of potatoes," ngiti ko sa tindera.
.

Nilingon ko si Brent na ngayon ay nasa likod ko na. Napako ulit ang tingin ko sa bitbit niya, at alam kong mabigat na mabigat na ito. Lulubusin ko na! Ano pa nga bang silbe niya!
.

"Kaya mo pa? Sampung kilo na bigas ang binili ko at may patatas pa," taas kilay ko.

"Anything for you, Mi Amore," kindat niya.

"Hmp, talaga lang ah?" ngiti ko.

"Add more five kilos of rice please," pa-cute ko sa tindera.

"You're definitely an asian, Love. I like that. Bigas lang pala ang katapat mo."

.

Bahagyang tawa ni Brent at kumunot na ang noo ko. Halatang iniinis ako ngayon. Ngumiwi ako sa kanya at tinaasan ko pa ng kilay talaga.

.

"Bakit hindi ka ba kumakain ng bigas?"

Umiling iling siya. "If it's paella, I will. I am more on pasta and potatoes, Love."
.

I pouted and looked away. Wala 'ata akong mapapala sa kanya. Ba't ko pa tinatanong.

Nilagay na nang tindera ang lahat na pinamili ko sa harap at nagbayad na ako. Nakatitig pa ako rito.
.

I tried to calculate the weight of every items. Suma-total ang lahat siguro na bitbit niya ngayon ay aabot sa twenty five kilos. Plus this rice and potatoes, the heck! That's nearly fifty kilos!
.

Napakagat ko ang pang ibabang labi ko. Natatawa ako, pero ang sarap niyang paglaruan ngayon.
.

Binaba niya muna ang mga bitbit niya at humingi ng malaking supot sa tindera. Tahimik ko lang din na pinagmasdan ang ginawa niya. He put everything in one big plastic, scaling each weight by his look and then he lifted them. Napalunok pa ako nang marinig ang pagtikhim niya sa harap ko.
.

"Mabigat ba? O-Okay lang kung 'di mo kaya," pilyang ngiti ko sa kanya.

"Kaya pa. Para sa'yo kakayanin ko," sabay kindat niya.
.

Gumapang lang din ang initi sa braso ko, dahilan nang pagtayo ng mga balahibo ko rito. Napalunok ako dahil sa kakaibang titig niya sa akin ngayon. Kaya umiwas na ako at nauna nang naglakad palayo sa kanya.
.

Everyone is staring at us, or probably at him. Hindi ko na siya nilingon dahil baka magbago lang ang isip ko. Wala pa akong naramdaman na awa sa kanya, kaya hindi pa ako guilty ngayon.
.

Every woman around stare at him and smile. The heck! Nagpapa-cute pa rin siya kahit na nabibigatan na. Who cares! Bahala siya sa buhay niya.
.

After ten long minutes we have arrived. Agad akong napatingin sa kanya nang maingat niyang binaba ng mga bitbit niya. I swallowed hard while looking at his face. He's sweating so much but somehow his sweats smells like a fragrance. Ang bango pa rin niya. My goodness, Sunny!
.

"Can I get inside? Mabigat 'to at mas mabuti nang maipasok ko ito lahat sa loob. Para hindi ka na mahirapan," pilyong ngiti niya. Napaawang lang din ang labi ko dahil sa kakaibang init na gumapang sa sistema ko ngayon.

"Ha? O-okay," tango ko.
.

Una siyang umakyat. Nabuksan ko naman ito kaya okay na ang pinto. Napako pa ang mga mata ko sa bisig niya. Halos litaw na ang ugat niya mula rito. Ang ganda nga naman ng likod niya. Broad chest and muscles! Tsk, crazy!
.

Maingat niyang binaba ang lahat sa kusina. Tagagtak pa ang pawis niya sa mukha at mariin niyang pinahiran ang sarili gamit ang sariling kamay. Kumuha agad ako ng tissue na nasa mesa at binigay sa kanya.
.

"Thanks, Love." Ngiti niya at pinunasan ang sarili.
.

Umiwas na ako at kumuha ng tubig sa loob ng ref. Ayaw ko pa sanang bigyan siya ng tubig, pero ang sama ko naman kong pati tubig ay ipagkakait ko pa. E, mukhang uhaw na uhaw na siya.
.

"Here," alay ko ng tubig.
.

Agad niyang tinangap ito at ininom na nakatitig sa akin. Napalunok na ako at umiwas nadin. Nabaling ang paningin ko sa mga pinamili. Ang dami ko pa palang aayusin at ilalagay sa ref at freezer.
.

"Salamat," tipid na tugon ko.

"It's okay, and as I've said, anything for you..." matinding titig niya, at agad na umiwas ako at tinalikuran siya.

"Saan ko ba pwedeng ilagay 'to?" Sabay kuha niya sa bigas.

Napatingin na ako. "Sa gilid lang," turo ko sa may bandang gilid na cupboard sa baba.
.

Tahimik niya itong nilagay sa loob kasali na ang patatas. Kinuha ko na ang iba pa at nilagay na sa lababo para linisin. Natulala na ako. The heck! Why is he still here? Hindi kasi ako makagalaw ng maayos, at parang ang hirap huminga na nandito siya.
.

"Are you done? You can go home now."
.

Humakbang na ako patungo sa pinto at binuksan ito para sa kanya. He smirked and shook his head while his hands are on his hips.
.

"Okay, I get it..." mahinang hakbang niya, pero pilyo ang ngiti nito sa akin. Napalunok lang ulit ako.
.

Umiwas .ako nang titig sa ngiti niya habang papalapit siya sa akin. Nahinto pa siya sa harapan ko at nagsalita.
.

"So... I'll see you around?"

"Yeah, sure," tango ko at titig nadin sa kanya. In the end, tumitig na ako, ewan ko ba!
.

Humakbang na siya palabas at sinarado ko na agad ang pinto. Napasandal pa ako rito at pilit na hinahabol ang hininga ko. Hindi kasi ako humihinga kanina pa. Dios ko! Ano ba 'tong nararamdaman ko, ang baliw ko na talaga ngayon! Isip at iling ko sa sarili.

.

.

C.M. LOUDEN/Vbomshell


Maid in Your Arms(BBHS5)✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon