Maid in Your Arms
.
.
THE next day I left early for work. Hinatid niya lang din ako at umalis agad siya. Pupuntahan niya raw si Clyde, kaya tatawagan na lang niya ako mamaya para magsabay kaming ng pananghalian.
."Ang blooming mo ngayon ah," lawak na ngiti ni Shami sa akin.
"Thank you," lawak na ngiti ko.
.I never though that being loved in return is such a wonderful feeling. Ngayon lang ako nagkagusto ng ganito sa isang tao. It's a mutual feeling, because I felt that I am so secured with him.
."Kayo na ba?" si Shami ulit.
Maingat ko lang na nilagay ang chocolate cake sa loob ng display at tumango sa kanya.
"Talaga! Sa wakas nagbunga rin ang kakulitan niya sa'yo," tawa niya.
Oo, makulit si Brent. Makulit na makulit siya.
"Hi, Love!" baritonong boses niya.
.Agad lang din akong napalingon. Alam ko kasi na siya ito. Nabigla pa ako. Ang akala ko kasi magtatagal siya at tatawagan niya ako. Pero ang aga pa, at nandito na siya sa trabaho ko!
."Ang aga mo? May trabaho pa ako," taas kilay ko.
Ngumiti na si Shami sa gilid sa kanya, at nilingon lang din ako. Natawa siya.
"I hope you like this," sabay bigay ni Brent ng bulaklak sa akin.
.Hindi ko napansin ito, dahil nakatago pala sa likod niya. It's red and pink roses. Ang sweet nga naman niya. Gumuhit agad ang ngiti sa labi ko nang tinangap ko ito mula sa kanya.
."Wala bang chocolates?" arteng tugon ko.
.He shook his head and pulled something out from his pocket. I was only joking but yes, I have a little chocolates. Tatlong bars ng snickers chocolate ito.
."I love you... " Sabay bigay niya nito.
Natawa ako dahil nakasulat nga naman ang I LOVE YOU sa bawat isa nito.
"Ang korney mo!" Irap ko sa kanya, pero kinilig nga naman ako.
.Nilagay ko lang din ito sa loob ng bag ko na nakasabit sa gilid pati na rin ang bulaklak na binigay niya. Nabigla pa ako dahil pumasok pa siya rito sa loob ng staff area.
."Did Brian called you? Wala naman siyang sinabi na aabsent ang main chef ngayon?"
"No. I came here to help you. I don't need to be paid. Remember? I'm on a one month of being your maid... Isang buwan mo akong alipin, Sunny," pilyong ngiti niya, sabay suot sa puting apron.
"I know, pero hindi sa trabaho, Brent. Sa bahay lang," pamaywang ko.
.Inayos na niya ang tali at tinupi lang din ang damit niya sa magkabilang braso. Litaw na tuloy ang hubog ng muscles niya.
Tsk, ang hot talaga! Napukarap na ako at pilit na inayos ang sarili ko. Napansin din niya ako at mas ngumiti na siya.
."I want you to sit down and relax..."
.Humarap siya sa akin at hinawi ang buhok ko. Mas inayos niya nito, at maingat na yumakap sa akin. Napapikit mata na ako dahil sa dampi nang halik niya sa leeg ko ngayon.
."Brent..." I sensually whispers.
.Maingat lang din niyang tinangal ang tali ng apron ko sa likod. Nakatitig ako sa kanya ng husto at siya rin sa akin. My goodness! Inisip ko kung ano ba ang nagawa kong kabutihan sa mundo? Dahil ibinigay siya sa akin na parang hulog ng langit. Probably I did a good karma before in my past life? Who knows... Pero ang swerte ko sa kanya.
."Just sit down, Love. Ayaw kong mapagod ka, kaya ako na ang gagawa nito okay."
"Brent?" taas kilay kong nakangiti sa kanya.
"Come on, baby love..."
.Pinaupo niya lang ako sa mesa na nakaharap sa labas. Nilingon ko si Shami at panay ang ngiti niya na parang natunaw sa kabaliwan ni Brent ngayon.
."Sit there and don't do anything. I'll get your white in a minute," he winked.
.I smiled and shook my head while staring at him walking away from me. Ang baliw nga naman ni Brent. At ano pa nga ba ang gagawin ko ngayon? Tititigan siya hanggang sa matapos ang shift ko? Ang baliw lang din ah!
.After twenty minutes he finally served my white coffee. Naging abala na siya dahil sunod-sunod na ang bawat customer dito. Ngayon ko ang din napansin ito. Puro babae ang mga customer at lahat sila ay nakatitig pa kay Brent! It wasn't like this before? Why the heck, now?
.After two hours, the hell! Ang busy na ng shop, kaya tumayo na ako. Hindi na siya makalingon sa akin dahil sa lahat ng mga customers dito. Lahat sila nakatitig kay Brent at sinusundan talaga ang bawat kilos niya. Ang famous nga naman ng mukong na 'to dito!
."Ang busy na, ah..." Sabay lagay ni Shami ng black forest cake at orange juice sa lamesa ko.
"Pinabibigay ng mahal mo," kilig na ngiti niya.
"Tutulong na ako," at binuksan ko lang ang orange juice para mainom ito.
"No. Sit down. Baka pagalitan pa ako. Busy siya sa kusina. Ang daming orders, at napansin mo puro babae ang mga customers natin ngayon?"
"Sinabi mo pa? Kanina ko pa napapansin, Shami! Kaya tutulong na ako."
.Papasok na sana ako sa counter nang masalubong ko siya. Bitbit niya ang dalawang orders sa bawat kamay niya at kinuha ko na ito sa kanya.
."I'll serve this, love... Stay inside the kitchen, be the chef and don't get out!"
"Oh, and why is that? You suppose to eat your cake and-"
"Mamaya na!" Putol ko sa kanya.
"Pumasok ka na sa loob! Ang daming haliparot dito na nakatitig sa'yo!" Kunot noo ko.
.Bahagya siyang natawa at talagang tumingin pa siya sa kanila, at sumenyas sa kamay niya. Namilog na ang mga mata ko.
."Ang landi mo talaga!"
"I'm only for you, Sunny... They're our customers and some of them are my friends," kindat niya.
.Napaisip na ako at natawa na lang din. Sumobra na 'ata ang kabaliwan ko sa kanya. E, kasalanan niya naman 'to! They are our customers and his friends too? Anong klaseng friends? Iyong mga naka-one night stand niya? Tumaas na ang kilay ko habang pinagmamasdan ang nakangiti niyang mukha.
.I should not be like this. I am a Monteverde, at hindi ko ugali ang humabol sa isang lalaki. He's staring at me again with so much desire and tease. Hanggang sa mariin na niyang hinawakan ang baywang ko at pinalapit ito sa katawan niya. Nabigla pa ako at mas hinawakan ko na lang din nang mahigpit ang dalawang orders na nasa kamay ko ngayon.
."They can stare at me, at us, and I don't care, Love... I am a one proud boyfriend here. I am yours and only yours," sabay halik niya sa labi ko.
.My eyes widened and I nearly lose my balance. Pero mabilis lang niyang nahawakan ang nasa bawat kamay ko ngayon. Mas lumawak ang ngiti niya nang humiwalay ang labi niya sa akin, at natulala lang din akong nakatitig sa kanya. Humakbang na siya at naiwan akong tulala. Napatingin agad ako kay Shami na nasa gilid lang din. Ang lawak pa ng ngiti niya.
.
"Ang sweet ni Brent. Mapapa sana-all ka!" kinang ng mga mata niya.
..
C.M. LOUDEN/Vbomshell
BINABASA MO ANG
Maid in Your Arms(BBHS5)✅
RomanceMatured content Completed ✅ Rated 18+ Matured Content He's a secret agent, and she's one hell spoiled brat daughter of Antonio Monteverde, one of the most influential men in the country. She tried to escape from her parent's wishes, and Brent...