Chapter 24. Tease

5.4K 223 28
                                    



Tease
.
.

The week was so hectic with work and everything. Brent is always nearby and it's almost everyday he showed up. Kung nakatitig man siya sa akin ng wagas, ay panay lang din ang irap ko sa kanya. Sanay na 'ata ako sa presenya niya sa likod at hindi na bago sa akin ito.
.

But this time I haven't seen him for three days. At sa tatlong araw na iyon ay parang hindi completo ang buhay ko. I tried to ask Shami, but I hesitated. Ayaw ko kasing isipin niya na interesado ako kay Brent.
.

It's Saturday today and as my morning start I walk down the beach. Maganda ang araw ng maglakad ako kanina. Isang oras din ang ginugol ko sa paglalakad hanggang sa mahinto ako sa harap ng bahay. Tinanaw ko ito mula sa likod, at ngayon ko lang din napansin na magagara din pala ang bawat bahay na mga katabi rito.
.

This area is for people who can afford a luxury house, and the beach itself is private too. Napansin ko agad ang bagong inggay sa gilid. Ang boses ng mga bata. This kids are not from this area. They live a bit further, and as far as I knew they've come here for Brent.
.

Dumagundong agad ang dibdib ko ng makita siya. Naka summer short at puting singlet lang din ang suot niya. May bitbit siyang plastic, at alam kung pagkain ang laman nito para sa mga bata. He always share something to the kids.
.

"Grazie's, Brent! Ci manchi. Dove sei stato?" saad ng isang bata.
(Thank you. We miss you. Where have you been?)

"Solo da qualche parte. Qui prendi tutto questo e condividilo con tutti."
(Here take this all, and share it to everyone.)
.

Nag-inggay naman ang mga bata sa sobrang saya, at mabilis silang tumakbo palayo sa kanya. Excited silang lahat, at napangiti pa ako. Napako lang din ang paningin niya sa akin. Nakikita na niya ako ngayon mula sa kinatatayuan ko.
.

"Good Morning!" lawak na ngiti niya, habang papalapit sa akin.

"Morning!"

"Miss me?" Sabay kindat niya at nahinto sa tabi ko.

"You wish!" Iwas nang titig at mas tinitigan ko na ang lawak ng dagat.

Napansin ko agad ang titig niya sa akin na mula ulo hanggang paa. Nakikita ko kasi siya sa gilid ng mga mata ko.

"Where have you been?" Tikhim ko.

In the end I can't deny it. I did miss him... He then smirked and shook his head.

"Akala ko ba hindi mo ako na miss," he whispered.
.

Nanayo na tuloy ang balahibo ko sa braso dahil sa bulong na ginawa niya. Kaya kunot noo ko siyang tinitigan.
.

"Yes, I don't miss you. I didn't miss you at all... P-pero kasi nasanay akong nandiyaan ka palagi sa gilid na parang aso!" Ngiwi ko.

"At ikaw ang amo ko? Ganoon ba? Oh, I love that!" pilyong ngiti niya.

"I'm here now, love. I'm home and back in your arms," titig niyang nakangiti.

Hindi ko tuloy alam kung matatawa ba ako o maaasiwa sa ka-korneyhan niya ngayon!

"Hindi nga kita na miss. Ano ba!"
.

Mas natawa na siya at napalunok na ako. Nakakainis! Dahil mas lalong lumakas lang ang pintig ng puso ko. My goodness, Sunny! Isip ko.
.

"I've been to Rome. May importante lang akong ginawa. How's everything here? Are you okay?"

"Anong klaseng trabaho?" Wala sa sariling tanong ko.

Maid in Your Arms(BBHS5)✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon