Chapter 40. Universe

5.2K 242 18
                                    


Universe
.
.

Tatlong timba ng tubig ang inihanda niya sa akin sa gilid. Ang tubig na nandito ay galing sa gitnang parte ng isla, at galing pa sa ilalim ng lupa ito. So medyo malaat talaga. Mayroong water tank siya sa likod ng bahay, at sa pagkakaalam ko ay galing ito sa ulan, at naiinom din minsan.
.

Nagpakulo na siya ng tubig para sa akin. Nakaupo lang din ako sa gilid at pinagmasdan ang bawat galaw niya. He did most of the house chores and cooking. Ako lang din ang naghugas ng pinggan kanina. At ngayon na gusto kong maligo, ay pinaghahanda na niya ako ng tubig.

.

"Okay na ako kahit hindi ito mainit, Brent," sabay hubad sa damit, at bra na ang suot ko.

"No, love. The water is cold."
.

Tama nga naman siya dahil napalundag ako sa sobrang lamig nang ibinuhos ko ito sa parteng hita ko.
.

"See? I've told you?"

He smiled and shook his head. He then grabbed the hot water and slowly pour it in the big bucket filled with cold water.

"Thank you, baby..." At naligo na ako.
.

After fifteen minutes I finished my shower and had fixed myself. He then cooks for dinner outside, in the dirty kitchen. Ang ganda pang pagmasdan ng likod niya habang nagluluto ito. Lumapit na ako para tulungan siya.
.

"Huwag na. Umupo ka na lang. Malapit na 'to."
.

Umupo na ako sa maliit na mesa rito sa labas ng kusina. There is nothing to do because my phone has no signal and everything is quiet. Wala kang ibang maririnig dito maliban nga lang sa huni ng ibon at musika na alon ng dagat.
.

Ngayon ko lang din napansin ang kabuuang tattoo ni Brent sa badang likod niya paakyat sa leeg. Nakita ko na naman 'to noon, pero ngayon ko lang din ito tinitigan ng husto.
.

It's a dragon reaching out for the sun, and it's beautiful on how they did it for him. I purposely put my hand on my chin and stare at him. His body movements shows and I know that he's a master of his own. Mabilis ang bawat kilos niya at naaliw akong pinagmamasdan siya.
.

"Having fun staring at me?"
.

Kinuha na niya isa-isa ang niluto at kasama na ang pinggan. Tatayo na sana ako para kunin ang malamig na tubig sa ref. Pero pinaupo niya lang ako ulit. Wala na 'ata akong gagawin ngayon kung 'di pagmasdan lang siyang nakangiti.

.
."Ang swerte ko naman!"

"No, Love... It's the other way around," he winked.

I shook my head and smiled at him too.

"Here, I made this specially for you."

"Beef steak? Kakain ako kahit na ano, Brent," taas kilay ko.
.

Umupo na siya at nagsimula na kami. Nilagyan niya muna ang plato ko ng pagkain. Napangiti na ako sa ginagawa niya. Ganito rin kasi siya sa Italya. Halos siya na ang gumagawa sa lahat na dapat sana ay gawain ko. Tinikman ko na ito, at ang sarap nga naman talaga ng pagkakaluto niya.
.

"Where did you learn to cook, Brent?"

"In the army... Best buddy ko kasi ang cook namin sa kampo. FYI, I was in a medical team too. Kaya minsan pag walang ginagawa, ay nasa kusina ako kasama ang kaibigan ko, at nagluluto kami para sa lahat," sabay subo niya.

"Talaga? Pero kakaiba pa rin kasi ang luto mo. Lutong pang-chef talaga," nguya ko.

Tumango na siya at ngumiti na.

Maid in Your Arms(BBHS5)✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon