Chapter 25. Festival

5.1K 246 17
                                    


Festival

.

.

Alas otso ng gabi nang kumatok si Brent sa pinto. Inayos ko agad ang sarili at binuksan ang pinto para sa kanya. Naka itim na leather jacket siya at itim na fitted jeans. Ang lawak pa tuloy nang ngiti niya sa akin. Napako lang din ang mga mata ko sa suot niyang leather boots. Tumaas pa tuloy ang kilay ko? Hindi ko kasi makuha ang hitsura niya ngayon.
.

"Why are you wearing that?"
.

He looks like a bikers. Kulang na lang ang tattoo sa kanya, pero nang mapako ang paningin ko sa gilid ng leeg niya, ay nakalimutan kong may tattoo pala siya rito. It looks actually cool and beautiful on him as it blends on his skin and his outfit. It's a tribal round shape sun with an eagle's eye.
.

"And you are wearing that?" Titig niya sa akin na mula ulo hanggang paa.

Naka-heel pa ako at mahaba pa ang slit sa gilid ng damit ko.

"No, you're not wearing that, love. Magpalikat ka at maghihintay lang ako."
.

Pumasok na siya at napaawang lang din ang labi ko sa kanya. He makes himself comfortable like the way he wanted to. Napatingin na tuloy ako sa sarili ko.
.

"Were going in a bar right?"

"After the festival, love. Mahihirapan kang sumakay sa likod ng Harley ko."
.

Napatingin lang din siya sa gilid, na kung saan nakasabit ang tatlong jacket ko. Nilabhan ko kasi ito at nilinis na din.
.

"So? Am I going to wear a jeans?" awang ng bibig ko.

Tumango na siya at pumili na ng jacket.

"Really? Mag-mo-motorbike tayo?" kumunot na ang noo ko. Ayaw ko kasing sumakay ng motorbike dahil natatakot ako.

"Ayaw ko. Hindi pa ako kailanman naki-angkas at nakisakay sa kahit nino. Nakakatakot kaya."

Lumapit siyang nakangiti at inabot sa akin ang jacket na napili niya.

"The wind is cold, love. Wear this and don't worry, I won't let you fall. Trust me..."
.

The heck, ang puso ko! Kung bakit kasi sa tuwing nang-aakit ang boses niya ay parang nanghihina lang din ang tuhod ko. Napalunok na akong kinuha ito sa kamay niya at tumalikod na. At nang makapasok ng kwarto ay agad lang din na nagpalit ako ng damit.
.

Since he's wearing all in black leather, then at least I should pair it with his style. Mabuti na lang din at ang jacket na napili niya ay ang paboritong mini-leather jacket ko. Naka winter v-neck long sleeve na ako at kulay pula ito. Sinuot ko na rin ang fitted wrangler jeans at boots.

Now, this is what we've called a team in full combat suit!
.

Tinali ko lang din ang mahabang tuwid na buhok habang palabas ng kwarto. He then looked at me and smile. He walks closer towards me while his eyes darted at me chest. My brows lifted. The way he stare was like he's pinning me more towards me.
.

"That's perfect," mala head-to-foot na titig niya.

"Okay, tayo na!" Sabay irap ko.
.

Nauna na akong lumabas at nakasunod na siya. Siya na mismo ang nagsara ng pinto. Wala akong dalang bag maliban nga lang sa maliit na pitaka ko. I only have Bria's credit card which I'm using as of the moment. Dito ko na nilalagay ang boung pera ko at iba pa.
.

When I looked at his bike my jaw dropped. The heck! He's so cool with this Harley Davidsons motorbike. When he started the ignition it creates a super full noise. Nakaloloka ang inggay nito, at napakurap pa ako. Kinuha niya ang extrang helmet at maingat na isinuot ito sa akin.
.

"Comfortable?" tanong niya habang inaayos ito.

"I think so... Hindi naman ito lilipad ano? Para akong walang ulo," mahinang tawa ko.
.

Natawa na rin siya. E, sa first time ko magsuot ng helmet at sasakay ng motosiklo. Pumwesto na agad siya at mahigpit na hinawakan ang hawakan ng motorbike.
.

"Hop in, love!"
.

Napanood ko na 'to sa mga movies. Gagayahin ko na lang din kung paano sumakay ang isang babae sa motorbike na ito.
.

"Hold on tight!" Halos pasigaw na tugon niya. Paano ba naman kasi ang inggay ng motorbike na ito!

"H-how t-tight? Like this," mariin na hawak ko sa balikat niya.

"No, not there but here..."

Siya na mismo ang kumuha sa dalawang kamay ko at nilagay ito sa parteng tiyan niya.

"Hold tighter."
.

Tumango na ako at mas yumakap na sa kanya. I can even feel his hard muscles underneath there. The first gripped and touch sends a warm feeling deep inside me.
.

The heck! Na in love na 'ata ako sa mukong na 'to? No, way! Isip ko.
.

When I felt the wind I leaned in more closer towards his back. Kung wala siguro akong helmet ay napadiin na siguro ang mukha ko sa likod niya. Mabuti na lang at may helmet ako ngayon. It only took us five minutes and we arrived at the area. Nang mahinto ito ay nakuha agad namin ang atensyon ng mga tao sa paligid.
.

That's why I hate this type of bike, because it's an attention seeker or let me say a head turner!
.

Mabilis kong tinangal ang helmet at mas inayos ang buhok ko. Kinuha agad niya sa kamay ko ito at tinabi lang din sa helmet niya. Nang tiningnan ko ang boung paligid ay namangha ako. This is not the usual city type festival that I used to. It's an old fashion way and so full of culture. Mas nakaka-excite ito para sa akin.

Agad ko lang din na hinawakan ang kamay niya at hinila siya papasok sa loob.
.

"Let's go!"
.

Nagbayad siya ng dalawang ticket for entry. And as expected, this is like a province type festival but it's more on culture. May iba't-ibang display sa bawat gilid. Displays ng mga pwede mong laruin, at may mapapanalunan kang teddy bears or any huggable fluffy toys. Meron din mga tindahan ng mga pagkain na nakahelera rito. May gift booth at sa unahan at mga hayop. Sa kabilang daku naman ay ang palaruan.
.

"Oh my god, Brent! I like this!" lawak nang ngiti ko.

"Ngayon ka lang ba nakapunta sa ganito?"

"No, it's actually reminded me when we went to Australia for a vacation! Sa countryside kami noon kina tita Elena."
.

Namangha ako at nauna nang naglakad sa kanya. When I saw the potato corner I looked at him with a starry fluffy eyes. He just shook his head and grab his wallet. Pumila agad siya at bumili nang dalawa. Samantalang abala naman ang mga mata ko sa bawat displays na nandito.
.

.

C.M. LOUDEN/Vbomshell

Maid in Your Arms(BBHS5)✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon