Chapter 12. Customer

3.9K 173 3
                                    


"That's for you. Sabi niya peace offering daw. Nag-away raw kayong dalawa. Ang sweet ng boyfriend mo at ang hot pa."
-Shami-
.

Customer

.

.

Inayos ko na ito at nilagay na lahat sa food tray. Lumabas na ako nang counter na bitbit ito, at paakyat sa hagdanan. Naramdaman ko ang pananakit ng binti ko ngayon.

Never in my life that I stand too long for a job. I've always dream of sitting Dad's CEO swivel chair. But the heck! Because here I am now, serving foods and coffee's to every customers.
.

Ito ang una kong trabaho na nakatayo buong oras. Wala akong magagawa, E, sa gusto kong lumayas.
.

Hinanap agad ng mga mata ko ang table number niya at nakita ko naman agad ito. Nasa pinakadulo at nakapwesto ito na kung saan makikita mo ang mga tao na naglalakad sa baba.
.

"Here's your order, Sir," ngiti ko ng hindi tinitingnan ang mukha niya.
.

Abala ang mga kamay ko sa maingat na paglagay ng cake at kape niya. Napansin kong wala siyang kasama, baka nag CR lang din. Kaya nilagay ko rin sa tapat ang para sa isa pa.
.

"Sit down and join me, Sunny," baritonong boses niya.
.

The heck! Kamuntik ko na tuloy matapon ang kape nang mapansin na si Brent pala ito. Naka dark sunshade kasi siya at nakadamit itim na rolled up polo pa. Nakabukas pa ang dalawang batones sa dibdib niya. Napako ang tingin ko sa buhok ng dibdib niya rito. Kinabahan na ako at agad na umiwas ng titig.
.

"May trabaho pa ako."

"Your shift just ended, Sunny," sabay tingin niya sa relo.

"And so? Hindi kita obligasyon at hindi mo rin ako obligasyon, kaya mag kape ka mag-isa mo!"

Nilapag ko na ang cake at nakatitig pa ako nito.

"Sige na, at least eat something," babang boses niya.
.

Honestly gutom na ako. Kape lang din kasi ang ininom ko simula kaninang umaga. Nawalan kasi ako ng ganang kumain at pumasok lang din sa trabaho na walang laman ang tiyan. I can feel my tummy rumbling and it's making a funny noise inside me.
.

Tumayo na siya at maingat na hinawakan ang balikat ko. Umatras pa ako, ayaw ko kasi na magpahawak sa kanya. Parang nakuryente pa tuloy ako dahil sa haplos sa ginawa niya. Tigre ko siyang tinitigan. Nakakainis talaga!
.

"Sorry," sabay taas nang kamay niya.

"I won't touch you, just join me. Pwede ba?" lambing na pakiusap niya.
.

I swallowed hard while looking at the cake. Wala naman sigurong masama kong kakain ako nito. Sayang din naman.
.

"Kakain lang ako okay?"
.

Umupo na agad ako at lihim na siyang ngumiti. Umupo rin agad siya. Hindi ko siya tinitigan at tahimik lang din. I feel so happy when the thick chocolate frosting landed in my mouth. Pakiramdam ko ang tagal ko ng hindi nakakain ng ganito. Pulubi na 'ata ako ngayon! Nakakatawa!
.

He's quiet while staring at me. I stare at him while devouring my cake and drink my coffee. Nag iwas agad ako nang titig at napatingin na sa mga taong naglalakad sa baba. Binilisan ko na ang kain. Ang weird lang din. Hindi kasi siya umimik man lang.
.

"Wala ka bang trabaho?" At nagsalita na ako. Hindi rin naman ako nakatiis sa katahimikan namin ngayon.

"Meron." Sabay inom sa kape niya.

"Then, what are you doing here at this hour? Tapos na ba ang trabaho mo?" Taas kilay ko habang nakanguya sa cake.

"And were not yet friends okay. Customer kita rito, kaya mabait ako sa'yo," pagpatuloy ko.

He smirked and shook his head.

"I'm actually working now."

"Really?" Sabay tingin ko sa bawat gilid ko. Naguguluhan ako sa sinabi niya.

"Yes, I'm working now while drinking my coffee and staring at you," sa tipid na ngiti niya.

Tumango na ako at tinapos na ang pang huling kutsarita ng cake at kape.

"I'm done, thank you!" Sabay tayo ko.

Tumayo na rin siya. "Ihahatid na kita," sabay ayos niya.

"Hindi na, 'di ba may trabaho ka pa? And please, I'm only friendly towards you here because you are in my work place, and you are my customer. Bumalik ka na sa trabaho mo."

Napako ang tingin ko sa mesa. Hindi man lang niya kinain ang cake niya at kape lang din ang inubos.

"Are you not eating your cake?" Titig ko nito.

"I hate black forest, Love."

"Oh, then why ordered?"

"It's for you. Do you want to have it? It's made all for you," seryosong tugon at pilyong ngiti niya.
.

Napakurap na ako, dahil sa labi niya kasi napako ang mga mata ko. Nang-aakit ba siya? Dios ko!
.

"No, thank you! Busog na ako. Pero ililigpit ko na 'to. I can wrap them for you. You can eat it at home." Sabay kuha ko nito at nilapag ko na sa try. Kasama na ang iba pa.

"Then I can order a black forest cake for you to take home. Gusto mo?" ngiti niya.

"Nope. Ayaw ko."
.

Pero nauna na siya nang hakbang at napatingin na ako sa likod niya. Tsk, ba't ba ako nakikipag-usap sa kanya? Wala na nga talaga akong ibang kaibigan dito, dahil pinatiyagaan ko na siya! C'mon, Sunny mag isip ka!
.

Hinugasan ko lang ang kamay ko bago kinuha ang food tray at bumaba. Hinanap pa siya ng mga mata ko pero hindi ko na siya nakita. Nilapag ko ang cake sa counter at ibinigay kay Shami. Sayang din naman ito, nabayaran na kasi. Kaya sa kanya na lang din.
.

"Hindi ito marumi ha. Hindi kasi kinain ni Brent. Sa'yo na, busog nadin kasi ako," ngiti ko.

"Okay, is he your boyfriend?"

"Hmm?" tulala akong napatitig sa kanya. Napangiti naman siya.

"That's for you. Sabi niya peace offering daw. Nag-away raw kayong dalawa. Ang sweet ng boyfriend mo at ang hot pa," kiling na tugon niya.
.

Napangiwi akong tinitigan ang isang box ng cake na nasa harapan ko. Naka wrapped na ito at bayad nadin. May mensahi pa sa ibabaw.
.

Sunny, Love,
A black forest of love for you Mi amore.
BGM
.

.

C.M. LOUDEN/Vbomshell

Maid in Your Arms(BBHS5)✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon