Chapter 37. Scandalous Princess

3.3K 150 1
                                    


Scandalous Princess

.

.

The Scandalous Princess'. Naka-blur ang mukha ko habang nakikipaghalikan sa iba't-ibang lalaki.

The heck! What's the point of hiding my face? E, halata naman na ako dahil anak nga ni Vice-Mayor! Ang baliw nga naman nila. Kaya sa sobrang inis ko ay pinatay ko na agad ito.
.

Wala 'ata akong magagawa sa ngayon, dahil lahat na hinuhusgahan na ako. The heck! Ano pa nga ba ang bago? From high school up until now, it's still the same...
.

"I'm going home, Dad!"

.

Lumapit na ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. Sumenyas lang siya sa kamay dahil may kausap pa siya sa kabilang linya.
.

Ang driver ni Daddy ang taga-hatid sundo ko sa ngayon at may dalawang personal security guard convoy pa na nakasunod. Nag re-touch lang ako ng make-up at sinabi kay Manong na sa condo ako ngayon. I have to check my condo. I know Mom doesn't want me to be there on my own, but I need to get some of my stuff.
.

"Ma'am Sunny. Hindi pa po pwede..."
.

Nahinto siya sa pagmaneho at nakatingin lang din sa bandang unahan. Nakitingin na din ako.

Hanggang dito pa ba naman? May iilang reporter kasi ang nasa labas ng condo building. May van din at malaking pangalan ang nakasulat dito.
.

"Balik na lang po tayo sa Mansion."

"Okay, Ma'am."
.

Nang makabalik sa Mansion ay medyo magulo ang labas ng bahay. May iilang media na kasi ang nasa labas. Kahit pa nakaharang ang mga security guard ni Daddy ay nasa tapat halos sila ng malaking gate namin. Mahihirapan si Manong na makapasok dahil sa dami nila dito.
.

"Dito na muna tayo, Ma'am. Hindi naman nila napapansin pa."
.

Hindi nga naman nila mapapansin. Maliban kasi sa tinted ang bintana ay medyo may kalayuan kami rito. Nasa tapat kami ng isang flower shop sa gilid, mga iilang metro pa ang layo mula sa malaking gate ng bahay namin. Hanggang sa tumunog na ang cellphone, at si Mommy nga naman ito.
.

"You cannot go home yet, hija. Ang gulo rito. Pati rin ba sa condo mo?" si Mommy sa kabilang linya.

"Oo, Mommy. Hindi na nga ako lumabas sa sasakyan."

"Tinawagan ko na ang Daddy mo. Timothy will be here soon. Hintayin mo na lang."

"What? Nag-usap na kami ni Daddy, Mom! Ba't-"

"It's alright, hija. He's gonna help this time. Hindi ko alam kung anong kaguluhan ito sa pamilya niya. Pero hindi rin sila tinantanan ng media."
.

Mas kumunot na ang noo ko. Ang boung akala ko kasi ay pakana 'to ng pamilya nila Timothy.

Since I refused the wedding I thought it's the fight back of his family. What the heck is happening? It's very confusing.
.

"Nasaang banda kayo?"

"Sa tapat lang ng flower shop, Mommy," tumingin pa ako rito.

"Okay, sige. Stay there, hija," sabay patay sa tawag niya.
.

Mabilis kong binaba ang cellphone at napasandal na ang ulo ko sa likod ng upuan. I just want to close my eyes for a moment and think of the good things to clear my mind. Hindi na naman bago sa akin ito. Pero ito na 'ata ang ang pinakamagulong eskandalo ng buhay ko.
.

I've read it last night. When Timothy delivered the message to the public, all my scandals came out in one go. I was pretty sure it was all his doing. Kanino pa ba? He never gave them the detail. He's just telling everyone that the wedding is off because we choose to have our separate ways. Wala siyang sinabing masama sa akin, at wala na siyang sinabing iba pa.

.

Tumunog ulit ang cellphone ko, at kinapa ko na ito sa gilid. Nakapikit pa ang mata ko habang nilagay ito sa tainga ko. Kulang kasi ako ng tulog, kaya ngayon ang hirap hawakan ng mga mata ko.

.

"Hello..." I tirelessly answer.

"Are you ready?" sa baritonong tanong niya.
.

Naimulat ko agad ang mga mata at bumilis lang din ang tibok ng puso ko.

The heck, No way! It's Brent?
.

"Brent?"
.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa mukha ngayon, at agad napalingon sa bawat gilid ko.
.

"Are you ready, Love?"

"W-what? Ready for what? Where are you? Nandito ka ba sa, Pinas? Hang-on. Can you-"
.

Nahinto ang tanong ko nang agad na bumukas ang pinto ng sasakyan ko sa gilid. Namilog na ang mga mata ko nang makita ang kabuuang anyo niya. He's wearing his black rolled up polo and a cream beige pants. Naka sunshade pa siya at nakangiting pumasok at tumabi sa akin ngayon. Mabilis din niyang sinara ang pinto ng kotse.
.

"Miss me, love?"

"Brent!" Sabay yakap ko sa kanya na parang bata.

"Let's go Manong," tugon niya sa driver ko.
.

Umusad agad ang sasakyan habang yakap yakap ko pa siya. Mahigpit din ang pagkakayakap niya sa akin ngayon. I just can't believe it! He's here with me physically.
.

"H-how did you?"
.

Hinaplos ko na ang mukha niya. Hindi lang kasi ako makapaniwala ngayon na katabi at kayakap ko siya. Hanggang sa naisip ko si Timothy... He supposed to meet me.
.

"Is it Timothy?"

.He nodded and smile. "I just need him for a cover. Mabait din naman pala si Timothy. Madaling kausap," kindat niya.

"I can't believe it, baby! Oh, I miss you so much..." Yakap ko ulit sa kanya.

"I miss you too, love... Ang sikat mo pala rito? The scandalous princess?" kantyaw niya.

Tumitig na ako at napangiwi na sa kanya.

"Where are we going? Kinukulit na ako ng media. Saan tayo papunta?" taas kilay ko sa kanya.

"I'm taking you with me," seryosong tugon niya, at napa-tiim bagang pa siya.

"T-taking where?" Litong tugon ko.
.

Natahimik siyang nakatitig sa akin. Napalunok na ako. Kakaiba kasi ang kinang ng mga mata niya ngayon. Seryoso ito alam kong hindi siya nagbibiro.
.

"Where are we going, Brent?"

"I'm taking you home with me." Sabay halik niya sa noo ko.

.

.

C.M. LOUDEN/Vbomshell

Maid in Your Arms(BBHS5)✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon