Chapter 13. Personal Carrier

5.9K 253 27
                                    

"Kaya pa. Para sa'yo kakayanin ko," sabay kidnat niya.
-Brent-

.

Personal Carrier
.
.

Nakataas ang dalawang paa ko sa maliit lamesa habang kumakain ng cake at nakaharap sa TV. Ang sarap nga naman ng buhay ko, pero ang sakit ng binti ko ngayon. Ang tamis at sarap ng cake ang nagpakalma sa akin at nakalimutan ko ang sakit nito.
.

Tinitigan ko ang cake sa harap at tatlong slice na ang naubos ko nito. Ginawa ko itong hapunan! Binaba kong muli ang paa para kumuha ng inomin sa refrigerator. Malamig na tubig lang din naman ang meron dito. Ayaw ko na kasing mag soda at wala rin namang ibang laman ang ref, maliban sa tubig at cake.
.

I'm happy anyway, because my tummy is full and that's all it matters. Noon hindi ako kontento sa ganito at panay ang order ko ng food delivery sa condo.
.

I don't cook, never does! Si Mommy lang ang nagluluto sa tuwing dumadalaw siya sa akin na kasama ang katulong sa bahay. Nililinis nila ang condo ko kada linggo, at pinupuno ang refrigerator ng pagkain ko. Pero rito? I'm on my own and guess what? Walang laman ang ref ko!
.
.

WALA akong trabaho ngayon kaya napagdecisiyonan kong magpunta ng palengke, para mamili ng pagkain. I have to start cooking or else, mauubos ang pera ko dahil dolyares and presyo ng mga pagkain sa bawat food chain. I'm on a tight budget and I have to control myself.
.

I even posted online the two bags that I have with me. Ayaw ko mang ibenta ito pero kailangan ko rin namang mabuhay. At least, I'm not paying the rent but I need to pay the electricity bill and water. Ayaw ko itong e-asa sa may-ari ng bahay. Masyadong nakakahiya kina Bria.
.

"A kilo of this please and this," ngiti ko sa tindera.
.

Tumango siya at binalot ito para sa akin. Bumuli ako ng iilang gulay at karne. Umikot pa ako sa kabilang banda para bumili pa. Mabigat na ang bitbit ko, at gusto ko pang pumunta sa loob ng mini-grocery. Papasok na sana ako nang may biglang humawak sa bitbit ko.
.

"Ako na," si Brent.
.

Kumunot pa tuloy ang noo ko habang nakatitig sa kamay niyang nakahawak sa hawakan ng bitbit ko. Napatitig na tuloy ako sa mga mata niya at nakangiti agad siya. Gumuhit ang kakaibang kinang sa parte ng puso ko. Bumilis ang tibok nito. Umayos na din ako.

"Kabote ka ba? The heck!" mura ko at pilit na lumalayo sa kanya.

"I can carry them for you, Love. Mabigat. Nabibigatan ka na."
.

Gumuhit ang ngiti sa labi niya. Napaawang lang din ako labi ko dahil sa walang hiyang labi na naman niya napako ang mga mata ko. Dios mio!
.

"And so? Wala kabang trabaho?"

"Meron, at nakita kita. Hindi kita matiis, kaya akin na. I can be your personal carrier for today." Sabay kuha niya nito.
.

I can't believe this! Kung nasaan ba ako nandito rin siya? I still remember the first two encounters we had, and he never even bothered to glance a stare at me. And now? Great! Baka nga naman iba na ngayon dahil may nangyari na sa amin. Nagu-guilty siguro ang walanghiya! Isip ko.
.

Binigay ko na rin sa kanya. Sayang naman ang lakas at matipunong katawan niya, kompara sa akin. Kahit pa siguro tatlong saku ng bigas kaya niyang buhatin. Bahala nga siya!
.

"Just stay there and don't come closer towards me. Hintayin mo lang ako. Naasiwa kasi ako kapag nakabuntot ka sa likod ko." Sabay irap ko. Rinig ko lang din ang bahagyang tawa niya.
.

Hindi nga naman siya sumunod dahil lumingon ako mula sa loob. Nasa labas lang siya, at bitbit ang tatlong supot . Napangiti ako. My evil smile and thought came in hand. Okay, he wants to help me out, that's fine! E, 'di gagamitin kita ngayon. Tingnan natin kung hanggang saan ang kaya mo, Brent!
.

Marami akong binili sa loob ng mini-grocery. May freezer naman sa bahay so ilalagay ko ang iba roon para sa isang buwan na pagkain ko. I don't care, bahala siya! Mabigat nga naman ito.

.

Nakangiti pa siya nang makalabas ako.
.

"Here, take this too." Sabay bigay ko sa kanya.

"Sure, Mi Amore," kidnat niya, at ngumiwi na ako sa kanya.

"Marami pa akong bibilhin," irap ko.
.

Nauna akong humakbang at nakasunod lang din naman siya. Bumuli ako ng prutas at binigay sa kanya. E, siya ang taga bitbit ko 'di ba? E, lubos-lubusin na!
.

Napadaan pa kami sa kung nasaan nasa bandang gilid ang dami ng kababaihan, at halos lahat sa kanila ay mga Italiana. They're staring at me for some reason. Feeling ko ang ganda ko, dahil nakatitig ang mga mata nila sa akin ngayon. Kaya napatingin na ako sa sarili ko. Kumunot pa ang noo ko at nahinto lang din ako.
.

Naka-short na denim jeans at puting t-shirt ako. Naka-insert pa ito sa short ko. Flat na sapatos, dahil alam kong maglalakad ako. Pero ang nakapagtataka ang bawat mata nila ay hindi naman talaga sa akin, dahil nasa isang taong na nasa likod ko ngayon.
.

The heck! Kaya sa sobrang inis ay nilingon ko na si Brent. Nakangiti pa siya sa lahat ng mga babae rito. Ang landi lang din ah! Mas lumawak ang ngiti niya nang matapat sa akin, kaya inirapan ko na.
.

Hmp! Nagpapakitang gilas lang din ang walanghiya! Nilingon ko ulit siya at ganoon padin, nakangiti pa. Napako ang tingin ko sa mga bitbit niya ngayon at sa katawan niya.
.

He looks stunningly hot and so masculine. Kung katawan lang ng lalaki ang pag uusapan halatang ang laki ng ipagmamalaki niya. His muscles are so pack and at place. Nakita ko na kaya at alam ko na kong gaano ka tigas ito, at pati na ang ano-- Kaloka! Napakurap ako at pilit na inaalis ito sa isip ko.
.

The heck! Ba't ito ang iniisip ko. Napailing na ako sa sarili, at tinitigan na ang mga bitbit niya.

.

.

C.M. LOUDEN/Vbomshell

Maid in Your Arms(BBHS5)✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon